"Stella alam ko kagustuhan niya iyon"
Nanlilisik ang mata ni kuya sa Galit,
"Dahil hanggang ngayun parang bumabalik sa Pandinig ko ang paulit na ulit na pagsigaw niya na Nandidiri siya sa akin!!"
Lubos akong naawa kay kuya habang sinasabi niya iyon,
Dahil Wala ng tigil ang pag iyak niya kasama ng Galit sa mata niya,
"Kuya"
Niyakap ko ulit siya,
Napaupo si kuya sa sahig Kasama ako,
"Stella Minahal ko si Savannah halos sambahin ko siya kaya laking tuwa ko nung may nangyari sa amin kusa niyang binigay ang Sarili niya sa akin,"
Sigaw ni kuya habang Umiiyak,
"Tapos nung muli kaming magkita Sasabihin niya Nandidiri siya sa akin!"
lalong lumakas ang pag sigaw ni kuya habang sinasabi iyon
Awang awa ako kay kuya ngayon ko lubos na naunawaan ang kalagayan niya,
Bakit kailangan na may sanggol pa na madamay sa isip ko,
"Pagbabayarin ko siya, Pati ang anak ko ginawa niyang Pandirihan!"
Galit na sabi ni kuya habang umiiyak,
Ang tagal namin sa ganoong posisyon nung biglang may pumasok sa pinto,
Si Sophia nasa Mukha ang takot,
"Kuya Rafael may tao sa Labas sinisigaw ang pangalan ni Stella"
Sabi niya sabay tingin sa akin,
Biglang tumayo si kuya palabas ng pinto,
Bigla na naman ako kinabahan dahil parang alam ko na kung sino iyon,
"Kuya!!!!!!"
Sigaw ko sa kanya na hindi ako pinansin
Nagmamadaling tumakbo si Kuya halos hindi ko na siya naabutan,
Inalalayan ako ni Sophia na makahabol kay kuya Rafael,
Pagdating namin sa Labas ng malaking bahay nakita ko ang maraming tauhan ni Don Felife,
Nakita ko din ang isang matandang lalaki na Matikas ang pangangatawan na taas noo kung makatingin,
Nakita ko sa tabi niya si kuya na nagliliyab ang mata,
Sinundan ko ang tinititigan ng nagliliyab niya na mata,
Napatakip ang dalawang palad ko sa bibig sa nakita ko,
Si Lambert na maga pa din ang mata at labi,
Wala ng dugo na mababakas sa mga katawan niya pero halata pa din sa itsura niya ang mga galos na tinamo niyang pakikipagsukatan ng lakas kay kuya,
Napatingin din ako sa isang lalaki na tumatakbo papalapit kay Lambert,
Malaki din ang katawan at may pagka longhair ang medyo brown na buhok may pagkakahawig siya kay lambert,
"Kuya magpapakamatay ka naba!!"
Narinig ko na sigaw sa kanya nung lalaki na tumatakbo palapit sa kanya,
Pero hindi siya pinansin ni Lambert!
Napatingin sa akin si Lambert yung tingin niya na nakikiusap,
"Darling ok lang ba? Wala bang nangyari na masama sa iyo?"
Buong pag aalala na tanong niya,
"Iho' anong sadya mo sa aking Hacienda?"
Matigas at malaking boses na tanong na matandang lalaki na sa tingin ko ay si Don Felife,
Sinalubong ito ng seryosong tingin ni Lambert,
"Don Felife alam mong hindi Ikaw ang Sadya ko!"
Magalang Pero matigas na pagkakabigkas ni Lambert,
.
Tumingin ulit sa akin si Lambert,
"Stella darling umuwi na tayo!"
Bigkas niya sa akin,
Nag uumpisa na naman ako umiyak dahil sa nakikita kong pagsusumamo niya,
"Ang lakas ng loob mo Mr. Casimiro na sumadya talaga dito! hindi ko ibibigay sa iyo ang Kapatid ko!"
Sigaw ni kuya na galit na galit,
Pero parang bingi si Lambert dahil sa akin lang siya nakatingin,
Lalapit Sana siya sa akin pero mas mabilis si kuya,
Nagawa agad siyang suntukin ni kuya na ikinabagsak niya agad,
"Lambert!!!!"
Sigaw ko dahil sa takot,
Nakita ko din ang biglang pagsugod ni Ashlem na Kapatid niya na kanina pa Nakatingin kay kuya,
Dahil hindi makuhang lumaban ni Lambert parang kusa niyang tinatangap ang lahat ng suntok ni kuya,
Nakipagsukatan din siya ng lakas kay kuya,
Natakot ako sa nakikita kong tagpo,
Dahil sa takot na nakikita kong tagpo lumapit akong bigla kay don felife na katabi si Sophia na natatakot na din sa nakikita niya,
"Don Felife Pakiusap awatin mo sila utusan mo po yung mga tao mo na pigilan sila!"
Umiiyak na pakiusap ko kay don Felife at sabay tingin sa mga tao niya na nanonood lang at naghihintay ng utos ng kanilang amo
"Huwag kang mag alala iha' kusa din silang hininto"
Sagot lang sa akin ni don Felife,
Umiiyak ako na napatingin ulit Kay kuya na nakikipagsukatan pa din ng lakas Sa Kapatid ni Lambert,
Si Lambert naman na Hawak na ngayon ng tatlong lalaki na tauhan ni Don Felife,
"Kuya tama naaa!!!!!
Sigaw ko sa kanya,
Dahil sa Nakikita ko ngayon Parang mas nasasaktan si kuya sa mga natatamo niyang suntok at tadyak sa Kapatid ni Lambert,
Nakikita ko ang Galit sa Kapatid ni lambert' sa bawat suntok at tadyak na natatamo ni kuya,
Pero bakit kahapon halos hindi makalaban si Lambert kay kuya,
Napatingin ako kay Lambert na sinisigaw ang pangalan na Ashlem,
"Ashlem stopped that!!!"
Napaisip akong bigla sadya bang tinanggap lang ni Lambert ang bawat suntok ni kuya para sa kanya,
Nakita ko na duguan na si kuya halos Putok na din ang labi at maga na ang Mukha,
"Kuya!!!!!"
Napatakbo ako kay kuya dahil sa takot ko na baka mapatay ito ng Galit na Galit na si Ashlem,
Nakita ko din ang pabiglang pagkawala ni Lambert sa pagkakahawak sa kanya ng tatlong lalaki,
Patakbo din siyang pumunta sa pupuntahan ko,
Pagkayakap ko sa katawan ni kuya sabay lapit ni Lambert at ubod ng lakas sinuntok si Ashlem na Kapatid niya,
"Kuya tama na!! Pakiusap!"
Umiiyak na sabi ko kay kuya habang yakap ko siya,
Kung ano ang natamo na sugat ni Lambert mas grabe ngayun kay kuya,
Narinig ko na nagmumurahan ang magkapatid,
Napatingin ako sa kanilang dalawa habang akap ko si kuya,
"Umalis na kayo!!!!!"
Sigaw ko sa Kanila na kinagulat ni Lambert,
"Darling wag mo gawin ito Kaya ako nagpunta dito para ibalik ka sa akin"
Umiiling ako sa kanya habang nakaupo na yakap ko si kuya,
"Stella darling Kaya kong tangapin ang suntok at Galit ni Rafael wag ka lang niya makuha sa akin"
Nakikiusap na sabi niya,
Naramdaman ko na tumayo si kuya'kaya inalalayan ko ito,
"Kung ganoon Mr Casimiro hinahamon Kita!"
Biglang salita ni kuya na nasa tabi ko,
Napatingin kaming tatlo kay kuya,
"Si Savannah Kapalit ng Kapatid ko!!"
"Kuya!!!"
Gulat na bigkas ko sa sinabi niya,
"E' Gago ka pala e!! Sinong namang baliw ang Papayag sa kagustuhan mo!!!!"
Galit na pasigaw ni Ashlem Kay Kuya,
Hindi nila pinansin ang Galit ni Ashlem
Nagtitigan lang si Kuya at Lambert,
Pagkatapos ng mahabang titigan na iyon
Napabaling ang tingin ni Lambert sa akin,
Halos ipabatid ng mga mata niya kung gaano niya ako kasabik Mayakap,
Pero kahit ganoon din ako na parang gusto ko siyang yakapin,
May konting Galit na din akong Nadarama dahil sa sinapit na masasakit na salita ni kuya mula sa Kapatid niya,
Nagmahal lang naman ang kuya ko pero pinandirihan lang ng babaeng iniibig niya,
At yun ay ang Kapatid pa ng lalaking iniibig ko din..
"Stella naalala mo yung sinabi ko sayo' Lahat gagawin ko wag ka lang mawala sa akin!"
Nagulat ako sa sinabi niya' Parang nahuhulaan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin,
"Nababaliw ka naba Kuya?!"
Gulat din na sagot ni Ashlem,
"Dahil lang sa babae nagkakaganyan kayo!!!!"
Patuloy na sigaw niya na gali na Galit,
"Shut up Your dirty mouth!!"
Sigaw sa kanya ni Lambert habang nakatingin pa din sa akin,