Nakaalis na sila Lambert at Ashlem nandito kami ngayon sa malaking sala ng Hacienda Mondragon kung Saan ginagamot ko ang mga sugat ni kuya,
Kasama din namin si Sophia na hindi maitago ang Pagkaawa niya kay kuya,
Pati si Don Felife na seryosong nakatingin kay kuya,
"Buti na lang at wala dito ang aking esposa kung hindi baka hinimatay na iyon sa nerbyos"
Narinig ko na sabi ni don Felife,
"Anong balak mo Rafael sa napakalaking hamon mo sa isang Casimiro?"
Mataas na boses ni don Felife sa pagtatanong niya kay kuya,
Napatingin ako kuya na naging seryoso ang mukha at ang lalim ng iniisip,
"Alam ko Tito Felife tatanggapin niya ang hamon ko dahil nakikita ko sa kanya Kung gaano siya kapursigido na makuha si stella!"
Matigas na sagot ni kuya na hindi ako tinitignan,
"Kung sakali man na pumayag nga siya Raf ano naman ang plano mo sa dalagang si Savannah?"
Lalong nagalit si kuya, Nagliliyab ang mata niya sa nang mabanggit ang pangalan na Savannah,
"Ipaparanas ko sa kanya Kung gaano kasakit ang Pandirihan at mawalan ng anak!!"
Sagot ni kuya ulit ni kuya kay don Felife,
"Kuya"
Naiiyak na tawag ko sa pangalan niya,
Bakit naging ganito si kuya? bakit kinain ng Galit ang puso niya?
Patuloy na tanong ko habang umiiyak,
"Stella"
Tawag niya sa pangalan ko tumingin ako sa kanya habang hawak ko ang bimpo na pinamumunas ko sa mga dugo na nasa katawan niya,
Masyadong seryoso ang mukha niya,
"Alam ko na gagawin lahat ni Lambert para makuha ka kaya pag dumating man ang araw na iyon gusto kong pahirapan mo siya!!"
Gulat na gulat ako sa lahat ng sinasabi ni kuya,
"Kuya..?"
Naiiyak na sagot ko,
"Patawad stella kung pati Ikaw nadamay gusto kong iparanas mo kay lambert kung ano ang ginawa sa akin ni savannah!!"
Naninikip ang diddib ko sa mga sinasabi ni kuya, Parang nahuhulaan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin,
Kaya ko ba iyon gawin sa lalaking natutunan ko nang Mahalin? at sa lalaking ama nang anak ko?
Napatingin ulit ako kay kuya na bakas pa din ang Galit at umiiyak,
Naaawa ako sa kanya dahil bata pa lang kami siya na ang lagi kong sandigan at tagapag tanggol ko,
"Gusto kong iparanas kay lambert kung paano pandirihan ng babaeng minamahal niya stella!!!"
Umiiyak na sabi ni kuya,
"Gusto kong makita ni Savannah kung ano dadanasin ng kuya niya na patuloy na dinadanas ko ngayon stella!"
Walang nang tigil ang pag agos nang luha ko dahil sa gustong mangyari ni kuya,
Niyakap niya akong bigla dahil sa nakikita niyang itsura ko,
"Hindi sila dapat kaawaan dahil mga Pakitang tao lang ang mga ugali nila stella"
Gusto kong sabihin Kay kuya na hindi totoo iyon'! Dahil nakilala ko na ang isang lambert Casimiro,
"Kuya anong gagawin mo kay savannah?"
Natatakot na tanong ko, dahil sa nakikita ko sa kanya sagad hangang buto ang galit niya para sa dalaga,
Pag nagkataon lalong malaking gulo ito,
Naiiyak na isip ko,
"Tulad ng sinabi ko stella ipaparanas ko sa kanya ng doble ang naranasan ko!"
"Nagsimula ang lahat ng ito dahil kay savannah at pinagpatuloy ng Kapatid niya' kaya pati Ikaw nadamay dahilan para mabuntis ka nang hayop na iyon!!"
Galit na galit na bigkas ni kuya,
Pinunasan ni kuya ang mga luha na walang tigil sa paglandas sa mga mata ko,
Halo halong sakit ang naranasan ko ngayon,
Nasasaktan ako para sa kalagayan ni kuya at sa hinihiling niya,
Nasasaktan din ako para Kay lambert dahil sa gagawin ko na hinihing ni kuya,
"Pagkatapos ang lahat ng ito stella aalis tayo dito kasama ang anak mo duon na tayo sa Spain titira kay daddy"
Sabi niya ulit sa akin, Gusto kong sabihin sa kanya na bakit hindi pa kami umalis ngayon at kalimutan ang lahat ng binabalak niya,
Pero sa nakikita kong Galit sa kanya hindi niya ako pakikinggan,
"Maasahan ko ba iyon stella?"
Tanong niya sa akin,
Tumango ako sa kanya ng umiiyak,
"Oo kuya gagawin ko!"
Garalgal na sabi ko sa kanya,
Isang linggo ang lumipas na nanatili pa din kami sa Hacienda Mondragon,
Pinatignan din ako ni kuya kung siguradong buntis nga ako,
Natuwa ako kasi dala ko sa sinapupunan ko ang anak ng lalaking minamahal ko,
Pero nasaktan din ako dahil kasama ang anak ko sa magiging dahilan ng pag kawasak ng isang Lambert Casimiro,
Nakausap ko na din ang ama namin humingi siya ng patawad sa lahat ng nagawa niya,
Hiniling din niya na pagkatapos daw ng lahat ng importante na gagawin ni kuya ay uuwe na daw kami sa kanya,
Hindi ko alam kung meron siyang alam sa mga binabalak gawin ni kuya,
Nasa kuwarto ako habang hinahaplos ko ang wala pang umbok na tiyan ko,
"Baby patawad kung sa ganitong sitwasyon ka napunta patawrin mo sana si mommy kung bakit kailangan gawin ko ito sa daddy mo!"
Umiiyak na kausap ko sa tiyan ko,
Bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si Sophia,
Pinunasan ko ang luha ko, Naupo siya sa tabi ko,
Sa loob ng isang linggo na pananatili ko dito siya lagi ang kausap ko at nasasabihan ko nang lahat ng hinaing ko,
Sobrang bait at mapag kumbaba niya kaya napalagay agad ang loob ko sa kanya,
"Stella ok ka lang?"
Pag aalala na tanong niya,
Umiling ako sa kanya' dahil kahit sa kanya man lang gusto ko ilabas ang sakit na nararamdaman ko,
"Sana Sophia hindi ako kamuhian ng anak ko pag nalaman niya kung bakit wala siyang ama na kalalakihan"
Umiiyak na sagot ko sa kanya,
"Magkakaroon din ng Solusyon iyan stella at alam ko isa ang anak mo sa gagawa ng paraan para maging maayos ang lahat ng mangyayari sa inyo"
Malungkot na sagot niya sa akin,
"At si kuya Raf alam ko' kahit gaano man kalaki meron ang galit sa puso niya unti unti din mawawala iyon pag nakasama na niya si Savannah"
Napatingin ako sa kanya, Sana nga ganoon ang mangyari bulong ko sa isip ko,
"Paano mo naman nasabi iyon?"
Nakangiti ko nang tanong sa kanya,
"Makapangyarihan ang Pag ibig stella kahit kailan hindi ito matatalo ng kahit na anong galit ang mayroon sa paligid natin"
Nakangiti niyang sagot sa akin,
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may kumatok sa pinto,
Bumukas ito at pumasok si maria ang personal na alalay ni Sophia,
"Señorita Sophia may mga tao sa ibaba nanduon si señorito Lambert at ang Kapatid niya na si Savannah"
Sabi niya sa amin sa mahinang boses..