"Kumakain kaba ng ganun iha'?"
Tanung niya sa akin,
"Opo naman Manang"
Napatingin si Manang sa akin nung mag umpisa na akong kumuha ng pingan maglagay ng pagkain ko,
",iha hindi mo naba hinhintayin si lambert?"
Tanong niya sa akin, hmp! bahala siya pagtataray ng isip ko,
"Nagugutom na po ako Manang e'
Sagot ko na lang sa kanya,
Nakita ko ang pagkain sa mesa mga pang agahan,
May nakita din ako itlog na maalat,
kumuha ako ng isa at hinati ko sa gitna ng hindi ko binalatan,
Muntik pa ako masuka dahil sa amoy nito,
Nung maramdaman ko na masusuka ako agad akong tumakbo sa lababo,
Wala namam ako isinusuka pero parang bumabaliktad talaga ang sikmura ko,
Biglang lumapit sa akin si Manang na nag aalala,
inabutan niya ako ng isang baso na tubig,
"bakit ano ba nangyari sa iyo iha'?"
Tanong niya habang hinahagod ang likod ko,
"Manang bulok na po ata yung itlog na maalat"
Sabi ko sa kanya,
lumayo siya sa akin at kinuha yung itlog at inamoy
Bumalik ako sa pagkakaupo habang tinitignan niya ako ng mabuti,
Bakit ganun makatingin si manang,
Sa isip isip ko,
Biglang dating na naman ni lambert'
Hindi ko siya tinignan may alarm clock ba sa kanya ang pag gising ko at alam niya kung anong oras ako gigising para kumain,
Naiinis na bulong ko,
Nitong mga nakalipas na mga araw napapansin ko madalas ang pagkainis ko kay lambert'
Kahit wala naman siyang ginagawa na ikakagalit ko,
Siguro dahil na din sa pag-iisip ko na nagpapanggap lang siya,
napansin ko na tumalikod na si Manang na tinapunan pa din ako ng tingin,
"Hood morning darling"
Halik niya sa noo ko at umupo sa harapan ko,
Bacon lang ang kinain ko kahit gutom ako pero parang wala akong gana,
Pumasok si Manang na may dalang manggo juice,
Napatingin ako dito pagkalapag niya agad ko itong ininom,
Parang hindi ko sila nakikita na dalawa dahil sa pag inom ko,
Pagkaubos ng isang baso nagsalin ulit ako pero para na naman babaliktad ang sikmura ko dahil sa naamoy ko,
Nakatingin sa akin si lambert habang nagdudurog ng itlog na maalat na may kamatis,
Napataas ang boses ko dahil sa naamoy ko,
"ilayo mo nga sa akin iyan ang baho!!!"
Nagulat si lambert sa pag sigaw ko,
Si Manang na ang nagpaliwanag sa inasal ko,
"iho' akina iyang mga itlog at maghugas ka kaagad ng kamay kanina pa siya naasiwa sa amoy ng itlog na maalat"
Napatingin ulit sa akin si lambert at agad ko naman siyang inirapan,
Kanina ko pa napapansin si Manang na hindi ako hinihiwalayan nang tingin,
Dahil sa nawalan na ako ng gana sa naamoy ko,
Manggo juice na lang ang halos laman ng tiyan ko nung umaga na iyon,
Napansin ko din na binulungan ni Manang si lambert na kinalingon niya ulit sa akin,,
Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya at bigla itong naging masaya,
Pagkatapos kumain bumalik ako nang kuwarto para magpahinga wala ako sa mood sumama sa kanya sa mangahan,
Nakahiga lang ako pero hindi ako natutulog nakapikit lang ako,
Napaisip ako bakit parang ang bilis ko magalit nitong mga nakalipas na araw'
Napaisip din ako sa pagusuka at pagkairita ko sa itlog na iyon,
Napaupo akong bigla mula sa pagkakahiga nung maalala ko na hindi pala ako dinatnan ng monthly periods ko,
Isang buwan at dalawang linggo na buhat nung magkaroon ako,
Pinagpawisan ako ng malamig,
hindi! hindi puwede mangyari ito!
Kung totoo ang hinala ko nagtagumpay nga si lambert,
Naiyak ako sa isipin na iyon,
Nasa ganoon ako na pag iisip nung may marinig ako na Putok sa labas,
Hindi ko alam kung Putok ba ng baril kaya napatakbo ako pababa,
Nakita ko si Manang at Anna na nakatingin sa labas ng pinto na takot na takot,
Hindi nila napansin ang paglapit ko,
Lumapit ako para tignan ito,
Nanlaki ang mata ko na nakita ko si kuya
na halos mag apoy ang mata sa Galit,
marami siyang mga Kasama,
Nakita ko din sa kamay niya ang isang baril,
"Kuya!!"
Lumuluha na tawag ko sa kanya,
Napalingon sa akin si lambert na nakatalikod sa akin habang nakaharap Kay kuya,
Naagulat ako sa itsura ni lambert Putok ang gilid ng bibig nito at may dugo
Kanina ay galit ang mata' pero biglang napalitan ng takot nung makita ako,
"Stella huwag kang lalabas"
Pakiusap na utos niya sa akin,
Naawa ako sa klase ng tingin niya at sa dugong umaagos sa labi niya,
"Stella lumabas ka sa impyernong bahay na iyan!!!"
Sigaw ni kuya sa akin,
Pero si lambert ang sumagot sa kanya,
"Dito lang siya hindi siya sasama sa iyo!!"
Galit na sigaw din ni lambert,
Nakita ko ang lalong galit ni kuya Rafael ngayon ko lang siya nakita na nagalit ng ganuon,
"Anong karapatan mo Mr Casimiro!!!"
"Ano bang balak mo sa kapatid ko?!"
"Paiibigin mo tapos ano? yuyurakan mo din ang pagkatao tulad ng ginawa sa akin ni Savannah!!!"
Kita ko ang Galit at matitigas na salita ni kuya nung binaggit niya ang pangalan na Savannah,
"Gago ka!! Ikaw ang may kasalanan sa kapatid ko!!!!
Sigaw ni Lambert
Dahil sa sinabi ni kuya sumugod sa kanya si Lambert,
Hindi alintana ni lambert kahit may baril na hawak si kuya,
Natakot ako para sa kanilang dalawa,
Nakita ko na tinapon ni kuya ang baril at tinangap ang paghahamon ni lambert',
Susugod Sana ang mga tao na Kasama ni kuya kay lambert' pero sumigaw siya na walang makikialam,
"Kuya tama na!!!!!!"
Sigaw ko pero parang hindi nila ako naririnig,
"lambert pls!! tumigil kana!!!!"
Sigaw ko din sa kanya,
Napansin ko na napahinto siya kaya dahilan iyon para lalo siyang masaktan ni kuya,
Pero nakabawi din siya agad, at patuloy din na nakipagsukatan ng lakas kay kuya,
Halos parehas na silang sugatan at duguan sa labi at pasa sa mata,
Paarehas sila ng lakas dahil hindi nalalayo ang katawan nila,
Hinang hina ako sa nakikita ko,
Ang dalawang importante na lalaki sa buhay ko ay nagpapatayan sa harapan ko,
"Tama naaaaaaaaaa!!!!! tumigil na kayo!!!!!"
Patakbo kong sigaw at kinuha ang baril na itinapon ni kuya sa hindi kalayuan,
Pinaputok ko ito sa itaas at itinutok sa sintido ko,
Takot at gulat silang napalingon sa akin,
Hindi ko na halos makita silang dalawa dahil sa patuloy na pag agos ng luha ko..
Kung heto lang ang tanging paraan para tumigil sila wala akong Pag-alinlangan na kalabitin ang baril na hawak ko,
Si Lambert na labis ang poot kay kuya dahil sa sinapit ng Kapatid niya..
Si Kuya na Nakita ko ang pagkapoot sa mata habang binabaggit niya ang pangalan ni Savannah..