Habang hindi nakatingin sa akin si Manang pinunasan ko ang mga luha na naglandas sa mga mata ko.
Bigla naman dating ni Lambert. dahil wala itong suot pang itaas kita ang pagtulo ng mga pawis niya.
Napatingin siyng bigla sa akin ng Nakangiti.
"ohh iho' maupo kana at mag aayos na ako. ng makakain na kayo"
Inayos ko ang sarili ko hindi ako nagpa-halata sa iba pang nalaman ko,
Umupo siya sa harapan ko.
Nagpu-punas siya ng pawis habang nakatingin sa akin.
Nginitian ko siya.kailangan kong kumilos ng hindi siya nakaka-halata,
lumapit ako sa kanya kinuha ko ang bimpo na ginagamit niya na pamunas at ako na ang nagpunas sa likod niya.
Pagka-tapos ko siyang punasan nagulat pa ako sa bigla niyang paghila sa akin.
Napaupo ako sa kandungan niya.
"Darling may problema kaba?"
Tanong niya sa akin. umiling ako at nginitian ko siya.
"Napagod lang ako kahapon"
Sagot ko sa kanya.
Hinalikan ko na lang siya sa labi para hindi niya basahin kung ano man ang nakikita niya sa mata ko.
Yung simpleng halik na gagawin ko. Bigla niyang sinalubong ng mainit na halik.
Tinugon ko naman ito habang nakayakap ang dalawa kong kamay sa batok niya habang naka-kandong pa din ako sa kanya.
Ang lalim na nang halik namin nang pumasok si Manang.
"Ayy nagka-kakainan na!"
Napatingin ako kay manang buti na lang hindi niya nabitawan ang hawak niyang kaldero na may laman.
Akma akong tatayo nang lalo lang humigpit ang pagka-kayakap sa akin ni Lambert.
Napatingin ako sa kanya, hinalikan lang niya ako sa labi.
"Kakain tayo"
Matipid kong sabi sa kanya.
"Kakain tayo ng ganito darling"
Sagot lang niya sa akin.
Naka-ngiting napapailing si Manang sa amin,
Habang inaayos ko ang kakainin namin ni Lambert. May sinabi siya kay manang,
"Manang mula po ngayon kayo na lang po ang maglilinis ng kwarto namin ni stella"
Napatingin ako kay lambert pero hindi niya ako tinignan.
"Ayoko po na may ibang papasok duon para maglinis bukod po sa inyo"
Napatingin ako kay manang dahil sa sinabi ni Lambert,
"Sige ba iho'"
Sagot lang ni Manang.
Kumain kami ng ganoon ang posisyon namin.
Habang ang isang kamay niya gamit niya sa pagkain niya. habang ang isa ay nanatili sa bewang ko.
Pinilit kong kumain kahit wala ako na gana.
Ayoko kasi na makahalata siya.
Ang galing mo mag-panggap Lambert naiiyak na bulong ko.
Pagkatapos namin kumain inaya niya ako magpunta ng Manggahan,
Pinagpalit na muna niya ako ng kasuotan.
Pagdating namin sa manggahan bumitaw ako sa pagka-kahawak sa kanya. pumunta sa puwesto nila Sitas.
Hindi na ako nag-abala na tignan kung ano ang naging reaksyon niya.
Hindi na importante sa akin iyon.
Ngumiti agad sa akin si sitas pagkakita niya sa akin.
Naupo ako sa tabi niya.
"Kamusta nalasing ka ng huli natin pagkikita a"
Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Konti lang naman. pero nahilo lang talaga ako"
Sagot ko naman sa kanya.
"Konti lang daw. e halos hindi ka na nga makalakad pero kinilig ako sa inyo ni Señorito Lambert a"
Sabi niya na. na hindi intinago ang pagkakilig niya.
Nginitian ko lang siya.
"Pinasasabi nga pala nu kuya Rex pasensya kana daw ha'"
Napatingin ako sa kanya,
"Bakit naman?"
Pagtataka na tanong ko,
"iniinis lang daw talaga niya si señorito Lambert"
Sagot niya sa akin. nagtaka naman ako bakit kailangan gawin ni Rex iyon?
"Bakit naman daw iniinis niya si lambert?"
"Ewan ko ba sa mag-kapatid na iyon kung bakit parang naiinis sila sa pamilya Casimiro"
Nag karoon tuloy ako ng kagustuhan malaman tungkol sa sinabi ni sitas.
"Sinong sila? e diba pinsan mo si Rex?"
"Si Kuya Vince at Kuya Rex hindi ko talaga sila pinsan"
"Si Tatang Sebastian kasi ang Nagligtas sa kanila ng bata pa sila"
Pag-uumpisa ni sitas. hindi ko alam kung bakit parang gusto ko na malaman ang tungkol kila Rex.
"Minsan Pauwi si tatang dito galing siyang Maynila. habang nasa biyahe may narinig siyang umiiyak na bata,"
"Nakita niya si kuya Rex at Kuya Vince na maraming sugat' lalo na si kuya Vince nag+agaw buhay pa ng panahon na iyon"
"Nang gumaling na sila. sa amin muna sila tumira. pero ayaw din nila mag-salita kung taga saansila? kaya kinupkop na lang sila ni Tatang"
"Kaya itinuring ko na silang pinsan ko"
Habang nagku-kwento si Sitas nakikita ko sa gilid ng mata ko ang panay na sulyap sa akin ni Lambert.
Hindi ko siya tinitignan dahil nakikinig ako sa mga kuwento ni sitas
"Kaya mga isang taon din tumira sa amin sila kuya Rex. Dahil may kumuha din sa kanila na matagal na pala silang hinahanap"
"Kaya tuwing birthday ni tatang nag-pupunta talaga sila dito. hindi lang nakapunta si kuya Vince kasi nasa Canada siya"
Pagtatapos niya sa kuwento niya sa akin.
Natapos ang Maghapon na iyon na kila sitas ako naglagi.
Pinu-puntahan lang ako ni lambert pag kakain na kami.
Hindi ako nagpa-pahalata sa kanya.
Kahit nasasaktan ako sa lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya.
Lumipas ang mga ilang araw. ilang linggo at halos mag dalawang buwan na ganoon ang sitwasyon namin,
Hindi nagbabago ang pakikitungo niya sa akin.
Pero ako lalo ako nasasaktan.
Pag nagla-lambing siya sa akin at napupunta sa pagtatalik hindi ako tumatangi.
Kung ito ang plano niya tatang-gapin ko..
Kung gusto niya ang nangyari sa akin ang nangyari sa kapatid niya tatang-gapin ko.
Tatang-gapin ko ang parusa niya habang hinahantay ko si kuya Rafael.
Nagising ako ng wala na ulit si Lambert sa tabi ko.
Patayo pa lang ako sa higaan na para ba na babaliktad ang sikmura ko.
Kaya napatakbo ako sa loob ng banyo.
Nan-lalamig ang katawan ko habang sumusuka
Nasobrahan ata ako ng pag-kain ng Manggang hilaw kahapon kasama si sitas.
kakapitas lang kasi ng mag umpisa kumain si sitas kaya parang natakam din ako.
Kaya kumain na din ako.
hindi ko alintana kung maasim siya. Basta nasarapan ako sa mangga. siguro dahil na din sa bagong pitas Siya.
Hindi ko alam kung nakailan na mangga ako dahil hindi na din ako nakakain ng hapunan dahil sa kabusugan ko.
Pagkaligo at pagkabihis ko tumungo na ako sa ibaba.
Wala ako nadatnan na tao sa kusina.
Pero may pagkain na sa mesa.
May nakita din ako na mangga na nabalatan na.
umupo ako at kinuha ko iyon.
biglang pasok ni Manang na napatingin sa kinakain ko.
"iha' baka Sikmurain iyang tiyan mo kumain kana muna"
Nilayo ko ng konti sa akin ang mangga. Naalala ko na nagsuka nga pala ako dahil dito.
"Bakit maraming mangga Manang na binalatan?"
Tanong ko sa kanya.
"Gagawin ko kasi na ensalada iyan"
Sagot ni Manang..