Isang araw na kong hindi kinikibo ni Sven kaya sobrang nakakalungkot. Hanggang ngayon ay wala akong naiintindihan sa mga ibinibintang nya sakin, dahil di naman nya ipinapaintinding mabuti sakin ang nangyari. Dinadaan nya ko sa init ng ulo nya kaya nauuwi lang kami sa mas mainit na pagtatalo. Napabuntong-hininga ako dahil biyernes na ngayon at bukas ang dating ng mga kamag-anak nila, hindi ko tuloy alam kung pupunta pa ba ako dun o hindi na dahil sa ganito naman ang sitwasyon namin ni Sven. "Bella, hindi parin ba kayo ayos ni Sven?" Umiling lang ako sa tanong ni Cleo at kita ko ang pag-ngiwi nya. "I'm sorry, girl. Kung hindi sana kita iniwan sa gitna ng dance floor ay wala sanang nakalapit sayo na ibang lalaki." Ako naman ang napa-iling sa sinabi nya. "Cleo, it's not your fault. Kasalana