Chapter 9

2183 Words

Dahil malapit na ang aming graduation ay naging busy ang lahat sa pag-aaral. Sa lunch nalang din kami nagkakasama ni Sven pag hindi busy ang isa't isa. Sina Cleo, Hanna, at Nicole nalang ang madalas kong nakakasama. Si Kuya Mon at Suzy, may sariling mundo naman lagi ang dalawang yun. Sina Oliver, Peter, Jake naman ay mga busy sa pagba-basketball nila. At sina Haxlee, Jan at Richmond ay madalas kasama ni Sven. Si Damien lang ang hindi ko na nakikitang pumasok. Wala akong balita sa kanya. Maski ang apat na malalapit sa kanya ay tikom ang mga bibig pag hinahanap na namin si Damien sa kanila. "Isabella, are you done reading?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng isa sa mga classmate ko na si, Ana. Nandito ako sa library para magbasa-basa, sina Cleo kasi ay hindi ko mahagilap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD