Lumipas ang mga araw na binabalik-balikan ko ang paraisong binigay sakin ni Sven. Tuwang-tuwa ako dahil mas gumaganda ang mga bulaklak na inalaagaan ko mismo. Kumuha ng dalawang caretaker si Sven para mas matingnan at maalagaan ito pero mas gusto ko paring ako ang nag-aalaga dito dahil bigay ito sa akin ni Sven at sobrang mahal na mahal ko na ito. "Mang Pedro, mauna na ho ako. Pupunta pa po kasi ako sa mansyon ng Montemayor ngayon. Dadalaw lang po." Paalam ko sa isang katiwala ni Sven habang nakatingin sa cellphone ko dahil kanina ko pa tinatawagan si Sven ay hindi man lang sumasagot, kahit sa text ay wala ring sagot. "Sige po, Ma'am. Ingat po." Nakarating ako sa mansyon ng Montemayor ng maayos. Hindi alam ni Sven na darating ako ngayon dahil nga hindi nya sinasagot ang mga tawag o text