Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay pinipilit kong iwasan si Sven. Hindi ko siya kaya pang harapin. Hindi muna ngayon. Wag muna ngayon. Lumipas ang tatlong araw na puro iwas ang ginagawa ko sa kanya, pero ang masakit don? Wala siyang ginagawa kundi ang tanawin lang ako. Wala siyang ginagawang hakbang para magka-ayos kami. As in wala. Napatawa ako ng pagak habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin na nandito sa kwarto ko. Tatlong araw na Isabella, na walang Sven na naghahatid sundo sayo sa school. Na walang Sven na nangungulit at naglalambing sayo. Na walang Sven na nagtetext o tumatawag sayo. Na walang Sven na suma-sabay sayo sa lunch. Bakit? Busy siya kay Scarlet. Busy siya sa babaeng special sa buhay nya. Ako ba? Ano ba ko sa buhay ni Sven? Tumulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman k