Maayos na kami ni Sven. Humingi na kami ng sorry sa isa't isa at nangakong magsasabi na ng lahat ng bagay sa isa't isa maski napakaliit pa na bagay. At ang number one ay, mag-tiwala sa isa't isa anuman ang mangyari. Pumasok ako sa school ng may malawak na ngiti sa labi. Maganda na ang araw ko ngayon, nakaka-ngiti na ako, at siguradong tampulan na naman ako ng tukso ng buong barkada. "Okay na sila ni Sven kaya blooming na siya ulit ngayon, hindi na mukhang zombie." Pang-aasar ni Richmond na ngayon ay tumatawa. "Okay na pala kayong dalawa, edi tara na mamaya sa 013 Club!" Yaya ni Jan habang nakangisi. "Let's celebrate!" Excited na wika ni Nicole habang pumalakpak pa. Sabay-sabay sumang-ayon sina Oliver, Peter at Jake. Habang si Haxlee at Sven ay tahimik lamang. Tuwang-tuwa naman sina Cl