Tulad ng dati ay nagising akong wala na si Reid. Hindi na iyon bago sa akin. Napakunot noo ako nang may narinig akong nagri-ring. Nagpalinga-linga ako at nakita ko ang isang cellphone na nakapatong pa sa kahon nito. Pinanlakihan ako ng mata nang makita kong nag-flash ang pangalan ni Reid sa screen. “H-hello?” sagot ko. “That phone is yours, use that from now on to update me.” Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatay na nito ang tawag. Hindi na rin iyon bago sa akin. Napangiti ako habang tinitingnan ang bago kong cellphone. “Halatang mamahalin!” bulalas ko, noong nakaraang araw lang ay nakita kong gamit ng kapatid niyang si Brook ang kaparehong brand. Maingat kong isinilid sa aking bag ang cellphone saka umalis na ng bahay. Dahil sa maaga pa naman at wala rin akong pamasahe ay naglakad a

