Maghapon akong hindi ginambala ng grupo nila Missy. Napaka-peaceful ng hapon ko dahil wala saila sa paningin ko. “Speaking of the devil,” bulong ko nang makita ko ang grupo nila na nasa field habang nanonood sa mga lalaking naglalaro ng football. Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Dusk. Napakunot-noo ako kung bakit nandito siya sa EU samantalang suot niya ang uniform ng Western University. Sa 'di kalayuan ay may nakikita pa akong iilang grupo ng mga estudyante galing WU. At dahil sa gwapo si Dusk halos lumuwa naman ang mga mata nila Missy. “Allison!” sigaw ni Dusk habang kumakaway. Agad namang napalingon sa kinaroroonan ko. Tumakbo papunta sa akin si Dusk habang ang sama naman ng tingin nila Missy sa akin. “Hi, nahanap din kita,” bahagya pa itong napakamot sa kanyang noo. “Bakit ka

