Suot-suot ang school uniform na ibinigay sa akin kanina ay tuwang-tuwa akong nagpaikot-ikot bago tuluyang bumagsak sa kama. Bukas na magsisimula ang unang araw ko sa Empire University, muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Maganda ang pagtatapos ng araw na 'to, maliban sa makakapag-aral ako sa napakagandang school ay araw-araw ko pang makikita si Eleven. "Araw-araw, Eleven. Araw-araw!" Nakangiti kong turan. Hindi ko maipagkakailang kinikilig ako. Habang nakahilata ay napansin ko ang dreamcatcher na isinabit ko sa kisame sa ibabaw ng kama, agad kong kinapa ang sariling leeg, dun ko napansin na nawawala na pala ang kwintas ko na binigay nung Ale, agad akong napaupo, natulala ako at nanghihinayang, iyon ang pinakaunang bagay na natanggap ko mula sa isang taong 'di ko kilala. M

