"Bait mo kanina ah," pambubuska sa akin ni Blaze saka ako inakbayan. "May pula ka naman dito." Sabay dukot ng pulang panyo sa sa aking bulsa. "May itim rin." Sabay dukot ng panyong itim sa kabila kong bulsa. Sanay na ako sa bilis ng kamay ng kakambal ko, 'di pa man kumukurap ay nasa mga kamay na nito ang kahit na anong bagay na nais nito. "Oh kitams, may marshmallow pa," nakangising turan ni Blaze, bago ko pa man maagaw ang isang pack ng marshmallow ay nabuksan na 'to ni Blaze at pinapapak na. "Tsk! Di ka ba marunong magdala ng para sa 'yo?" wari'y di makapaniwala kong turan sa kanya. Kung meron mang bagay na magkatulad kami, 'yon ay ang pareho naming paborito ang marshmallow. "Meron, kaso ubos na. Galit ka ba, Reid?" ngumungusong sagot ng nito habang kumakain ng marshmallow. "I told

