Firm and dominant, he knowingly intimidates everyone in the hallway. He smirked after bringing up that poker-faced, while primly walking while wearing a deep expression-- a deep dark drowning expression.
"Oh my God, look. Who is he?" a woman's voice, obviously drowned by his charm. Alam niya, narinig niya, pero wala siyang pakialam. Sino nga ba ang di hahanga sa kanya, sino'ng di hahanga sa isang Haze Reidden Monteverde. Every girl wants to have him. They want to claim his heart, but how could they when he has none?
Nakapamulsa siyang pumasok sa bakanteng silid, tumigil siya at niluwagan ang kurbata ng uniporme, he unbuttoned one then he snap his neck, making a sound of cracking among his joints. Mas lalong sumingkit ang mga mata nito, while those light brown eyes becomes darker, nang makita ang tatlong lalaking nakagapos sa upuan at natutulog. Nagtatagis ang mga bagang na humakbang siya palapit.
"You're here, aka ko ay hindi ka na darating!" Untag ng kakambal niya na nakaupo sa mesa habang nilalaro ang isang baseball bat, dahilan upang magsitayuan rin ang mga lalaking nasa paligid.
"Ayaw ipagalaw ni Second eh, pinapaantay ka." Wika ng isang lalaking nakahalukipikip dahilan upang mapangisi siya at ginulo ang buhok ng kakambal. Marahil nga'y magkamukha sila, pero may pagkakaiba sa pagkatao, sa prensipyo at sa gusto.
"Second," namamangha niyang turan sa kakambal, ngumisi naman ang huli at lumayo sa kanya.
Cracking his knuckles while grinding his teeth, he slowly approached the three captives. Isinilid niya ang mga kamay sa bulsa at walang pasabing sinipa isa-isa ang mga upuan dahilan upang matumba at bumagsak sa sahig ang mga nakagapos na lalaki, taranta 'tong nagising at galit na nagsisisigaw. Hindi pa siya nakontento ay sinipa niya pa isa-isa sa sikmura ang mga 'to.
"Kala mo kung sino ka, kapag nalaman 'to ng grupo namin, patay kayong lahat." Sigaw nito kay First na tila ba mapipigtas man aling oras ang mga ugat nito sa galit.
"Ikaw," Baling ng isa sa kanila sa kakambal ni First, "kalasan mo ko at sisirain ko 'yang pagmumukha mo, isasama ko 'yang kakambal mo at nang magkamukha pa rin kayo!" dugtong nito. Mapanghamon na turan ng isa sa tatlong lalaki. Sa inis ay napalapit na ang kakambal niyang si Second upang sana'y hampasin ito ng baseball bat, ngunit sumenyas siya at napatigil 'to.
Humakbang siya papalapit sa tatlo at mula sa likuran ay dinukot niya ang isang double-edged folding knife. Nilaro-laro niya ito ng walang kahirap-hirap sa kanyang kamay.
"Ano ha, takot kayo kaya ayaw niyo kaming kalasan? Suntukan tayo at tingnan natin kung sino sa atin ang matitira," dagdag naman ng isa. Nag-uumapaw ang kompyansa ng mga ito sa sarili, nais niya ay makapag roam around the city.
"Seriously? May gana pa kayong magtapang-tapangan? Do you think hindi niya kayang butasan iyang katawan niyo?" makahulugang turan ni Second habang tumatawa. Lumapit pa ito sa tatlo at saka sinilip ang mga pagmumukha nito.
"Do you know why I like blades and knife, rather than bullets and gun?" ibinitin ni First ang dapat sana'y sasabihin saka ngumisi.
"Of course, an idiot like you will never know. Cause if you do, you will never dare to enter my empire on the first place." Dagdag niya pa, bahagya pa siyang umiling saka tumingala na para bang dismayado sa mga kaharap.
"It's way more fun killing someone with blades rather than a gun. Imagine how painful it will be na unti-unting nahihiwa ang iyong laman? Gross yet satisfying, blood will be everywhere. Don't worry. To be killed by me is an honorable death." First's deep voice echoed across the dusty room. Siya na lang ang nagpatuloy dahil mukhang walang balak magsalita ang tatlo sa harap niya. Kung gaano ito kayabang kanina ay siya namang pagtiklop nito.
Mababakas ang takot sa mata ng tatlong lalaki, lalo pa nang humakbang pa to palapit sa kanila. Sa isang iglap ay pinutol niya ang mga lubid dahilan upang makakalas ang mga 'to. Tumayo ang tatlo upang atakehin siya. Itinaas niya ang kaliwang kamay habang ibinabalik ang kutsilyo sa likuran, palatandaang ayaw niyang makialam ang mga kasamahan niya.
Ngumisi ang isa sa mga lalaki wari ba'y nayayabangan sa kanya at minamaliit siya. Sabay na sumugod ang tatlo sa kanya, isang minuto lang ang lumipas, nakasalampak na ang tatlo sa kanto ng pader, patang-pata at takot na takot. Napaigtad pa ang mga 'to nang lumapit siya. He sits on one's haunches, slightly kneeling forward.
"S-sino ka ba?" napangisi siya nang marinig ang tanong na 'yon. May bahid ng yabang sa tono ng pananalita nito. Nagtagis ang kanyang mga bagang, para bang gusto niya na lang itong bigwasan.
"Im touched by the idea that you came here just to know me," mapanuya niyang turan habang nakapamulsa.
"Mamamatay ka, kapag nalaman to ni Gasudo!" sigaw ng matabang lalaki.
"Gasudo, biruin niyo, buhay pa pala yun, First?" singit ni Second habang itinutukod nito ang siko sa balikat ng una.
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya ang tatlo at napatingin sa kakambal niya nang marinig ang tawag sa kanya, bago ito nakapagsalita ay pabagsak na yumuko ang mga to habang itinutukod ang mga kamay sa sahig.
"I-ikaw si First?" bakas ang panginginig sa mga boses nito. Huli na nang makilala siya ng mga 'to. "Sorry, First. We didn't mean to mess up with you!" Nanginginig ang mga kamay na pakiusap ng isang lalaki.
"Send my regards to Gasudo and tell him this; Within this Empire, nobody shall be above me, for I am everything." Malamig niyang turan. Tumayo siya at tinalikuran ang tatlo.
"Heaven doesn't want me, Hell doesn't want me to take over, and Limbo can't decide either." That deep scary voice na lumukob sa buong silid kahiyt sino ay manginginig. Mula sa bulsa ay hinugot niya ang isang puting panyo, nagpunas ng kamay at itinapon sa sahig. Gulat na napatingin ang mga kasama niya sa puting panyo, habang 'di naman makapaniwalang napangisi ang kakambal niyang si First. Para namang nabunutan ng tinik ang tatlo nang makitang puti ang inilaglag sa kanila.