"Hoi, ano na? Hindi ka ba bababa?" Nakahalukipkip na wika ni Steph matapos tapikin ang bintana ng kotse at pinagbuksan ako. Kanina pa kami nakarating at nandito kami ngayon sa parking lot.
"Ayaw!" Nakanguso kong turan habang maya't-mayang sinusulyapan si eleven na nakasandal sa pulang kotse na nasa tabi lang ng kotse namin at nilalaro ang susi ng sasakyan.
Ba't kaya pula ang sinasandalan niya, samantalang puti naman 'yong kotse niya kanina? Agad na hinanap ng mata ko kung saan nakapark ang puting kotse nito ngunit di ko mahanap, naisip ko na baka nagpalit siya ng kotse dahil naibunggo niya 'to kanina.
"Allison!" Napatingin ako kay Steph nang sumigaw siya.
"Mamaya na. Ba't naman kasi manong dito pa kayo nagpark." Pagdadabog ko.
"Wala na pong vacant ma'am. Alam mo ma'am, you should face your fears, don't fear your face." Pagpapangaral ni manong, nangangaral ba talaga o nang-aasar.
"Alam niyo manong Earl, panggulo kayo, anong fear your face?" Sita ni Steph kay manong.
"Baba na, Allison!" aalma pa sana ako kaso nahila niya na ako palabas. Agad kong itinakip ang buhok sa buong mukha at nang di niya ako makita.
Nagmamadali akong naglakad upang iwasan siya, how I wish na ninuno ko si San Guko at nang makapagteleport man lang ako.
"Miss!" Lagot na, sabi na nga bang makikilala ako nito. Kasabay ng pagtigil ko ay ang pagbigat ng hininga ko, ano nang gagawin ko?
Inayos ko ang buhok saka pilit na ngumiti, "Y-yes?" Batid kong nanginginig ang tuhod ko maging ang labi ko kahit pa na nakangiting-aso lang ako. Sariwa pa rins sa isip ko ang ginawa ko kanina. Sana nga lang ay hindi niya ako namumukhaan.
Nakita ko kung papano nito kalmadong inabot sa akin ang panyo habang nakangiti. "You dropped it," aniya, halatang di ako namumukhaan nito, bagay na ipinasasalamat ko.
Napatingin ako sa mukha nito, singkit at malatsokolateng mga mata pero bakit parang Casanova ang aura, iba sa dating ng lalaking hinalikan ko kanina, napatingin ako sa buhok nito, ganun naman parin ang cut kaso medyo iba ang color. Marahil ay di ko lang napansin.
"Thank you." Mas nilawakan ko pa ang ngiti matapos tanggapin ang inabot niyang panyo. Aba, ang sarap kayang mahulugan ng gamit lalo na't ito ang pupulot at sasauli.
"Oh, sorry." Mahina kong turan matapos kong sadyaing ilaglag ang mga aklat na dala-dala ko. Agad niya naman 'tong pinulot, napakagat labi ako.
Tumayo siya at inabot sa akin ang mga aklat, para akong malulusaw sa mga ngiti nito lalo pa nang maglapat ang mga kamay namin. Ilang segundo rin kaming nagtitigan hanggang sa tumunog ang phone nito.
"Excuse me." Aniya saka ako tinalikuran upang sagutin ang tawag. Napatingin ako sa malapad nitong balikat habang binubusog ko ang tainga sa napakaganda nitong boses.
"Reid," Rinig kong bungad nito sa kausap.
"I'll be late." Dahil sa naka-loudspeaker ang phone nito ay naririnig ko ang kabilang linya, biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang maririnig ang nagsasalita mula sa kabilang linya.
"Why?" Kunot noong tanong nito sa kausap.
"I have to change my car," sagot naman ng kausap.
"What happened?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng lalaking nasa harap ko.
"Nah, nothing serious, it's just that I barge in to some kind of trouble. Some crazy woman." Wari'y natatawa pa ang kausap nito. Grabe sino kaya ang baliw na tinutukoy nito.
"Women, hindi ka naman nauubusan ng babae sa paligid," pabirong turan ng isa habang mahinang tumatawa. Dinig ko naman ang pagtawa ng lalaki mula sa kabilang linya.
"Landi lang te?" Sabay hila ni Steph ng damit ko mula sa likuran, palayo sa lugar na yun.
"Teka, mag-uusap pa kami," saad ko habang tinatangay ako palayo ng kaibigan ko.
"Anong teka-teka? Akala mo hindi ko napansin ha, hinulog mo pa ha. Sinadya mo yun." Pabulong na turan ni Steph habang naglalakad kami papunta sa isang building.
"Paminsan-minsan lang naman." Sabi ko na lang, napabuntong hininga na lang si Steph. Alam naman nitong hindi ko ugaling magpapansin sa mga lalaki.
"Paminsan-minsan nga lang, sobra-sobra naman," sapat lang para marinig ko ang pagmamaktol nito. Syempre, hindi pa ito nakaka-move on sa ginawa kong paghalik sa estranghero kanina. "Naku, huwag mo iyang gagawin dito sa school kung sakaling makapasa ka at dito mag-aaral," tila nagbabantang turan ni Steph.
"Hindi ko naman gagawin ha pero curious lang ako, bakit? Ano bang meron sa school na 'to?" kunot noo kong tanong sabay tingin sa paligid.
"Dito kasi, may mga level ng mga estudyante base sa status ng buhay o ng family background. Ang mga elite ay mahirap mong makasalamuha kaya kung ma-link ka man sa isang elite ay delikado ka, tulad noong lalaking iyon kanina, mukhang kabilang 'yon sa mga elite ng Empire University." Napanganga ako habang nakikinig sa detalyado nitong paliwanag. "Ayaw mo naman sigurong pagkaisahan ka o pag-initan ng mga babae dito?" Dugtong nito. Agad akong nagpalingo-lingo. Ayaw ko ng gulo ang gusto ko lang ay makapag-aral at makapagtapos.
Habang nasa hallway ay agaw pansin sa akin ang grupo ng mga estudyanteng nasa pasilyo ng third floor. Iba ang vibes ng mga ito na sa unang tingin mo pa lang ay may mga estado talaga ito sa buhay. "Sino ang mga 'yon?" tanong ko nang hindi ko na talaga matiis.
"Mga upper class rin but not the Elite. Ang mga upper class ang kadalasang nakakasalamuha ng mga Elite kaya mataas din ang tingin sa kanila." Napatango ako habang nakikinig sa paliwanag ni Steph.
"Ikaw ba? Upper class ka?" tanong ko at tumango siya. Sumakay kami ng elevator at hindi ko maiwasang isipin kung sumasakay din ba ang mga Elite sa elevator na 'yon o may sarili sila. Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumigil ito sa ikalimang palapag kung saan bumungad sa amin ang isang opisina. Agad akong kinabahan habang nakatingin sa malaking bulletin ng paaralan. This is my last opportunity and I hope makuha ko ito lalo na't gustong-gusto kong makapagtapos.
"Good luck!" Wika ni Steph habang hawak-hawak ang kamay ko bago namin hinanap ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa.