Chapter Six: Allison - A Kiss

1090 Words
Kanina pa naghihintay sa labas ng apartment ko ang sasakyan ni Steph. "Good morning Ma'am Allison." Nakangiting bati ng driver ni Steph na si Manong Earl. "Manong naman! Sabi ng Allison na lang po. Feel na feel ko na pong maging mayaman niyan." Pabiro at nakangiti kong turan kay manong. "Aba! Mayaman naman po talaga kayo. Noon nga lang." aniya. "Manong!" Pagsita ni Steph dito. Ngumiti ako, alam ko namang walang balak si Manong na saktan ako. Kahit pa na mabulaklak ang bibig nito at masyadong mapagbiro eh naiintindihan ko naman na sadyang ganun lang magsalita si manong sa akin dahil medyo close na kami at bago pa man siya maging driver ni Steph ay nagging driver na siya ng pamilya naming. Naupo si Steph sa likuran ni Manong Earl habang ako naman ay nasa kanang bahagi ng back seat. Tahimik lang kami sa loob habang marahang tumutugtog ang musikang pinaandar ni Manong. Sumasabay lang ako sa bawat liriko nang bigla akong nakaramdam ng gutom, agad kong hinimas ang kumakalam na sikmura saka napanguso. "Gutom ka?" Tanong ni Steph. Tumango ako bilang sagot. "Panong di ka magugutom eh ang tagal mong nagising." Aniya habang tinataasan ako ng kilay. "May canteen ba dun?" Natanong ko na lang. "Malamang Allison, school 'yon." Aniya na ikinatawa ko. Sadyang naaaliw talaga ako sa tuwing nagsusungit na si Steph. Isinandal ko ang ulo saka pumikit. Nakakaantok talaga ang sumakay sa malamig na sasakyan sabayan pa ng nakakaantok na music. Unti-unti na akong nilulunod ng antok nang pabiglang tumigil ang sasakyan, nasubsob pa ang mukha ko sa kasunod na upuan. "My Gosh manong! Nakadrugs ka ba?" Bulalas ni Steph. Napakamot ng batok si manong saka mahinang tumawa. "Sorry ma'am, may biglang nag-cutting eh. Malapit pa namang magred light." Nanghihinayang nitong paliwanag. "Aba! Alin diyan?" Naiinis na tanong ni Steph, agad namang itinuro ni manong ang puting kotse na nasa harap namin. Napaawang ang bibig ko nang makita ang kotseng nakita ko sa antique shop noong nakaraang araw. May kung ano sa sasakyang 'yon na tila ba hinahatak ako upang tingnan kung sino ang nagmamaneho. "Habulin niyo manong, tabihan niyo po!" Natataranta kong utos kay manong Earl. Nakita ko ang agarang paglingon ni Steph sakin at ang paghanga sa mga mata nito saka ngumisi, "I think I like what you're thinking." Sabi ni Steph habang mas lumalawak ang mga ngiti. Inaakala ata nito na gusto kong gantihan ang kotseng 'yon. "Manong, ano na? Tabihan niyo po 'yong mayabang na 'yon." Dali-daling sabi ni Steph habang tarantang tinatapik ang balikat ni manong. Sumunod naman ang huli at tinulinan ang takbo. Nagawang sabayan ni manong ang puting kotse at tabihan. Agad kong sinilip ang mukha ng lalaking nagmamaneho ng puting kotse. Nakababa ang atip ng convertible nito kaya naman lantad na lantad ang driver. Agad kong ibinaba ang window glass ng sasakyan upang mas matitigan kong maigi ang lalaki. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, kahit pa natatakpan ang mga mata nito ng salamin, alam kong siya ang lalaking nasa panaginip ko. "Eleven!" Bulalas ko. Naalala ko bigla na naidlip pala ako at sa oras na 'yon, nagising ako sa katotohanang, panaginip lamang 'to. At sa pangalawang pagkakataon napanaginipan ko siya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, parang totoo, parang gising ako. Gising ako sa panaginip na nilikha ko? Pilyo akong napangisi, panaginip nga lang 'to kaya susulitin ko. "Manong! Dumikit ho kayo!" Utos ko, narinig ko ang pag aproba ni Steph at agad namang pinagdikit ni manong ang kotse namin sapat lang upang maabot ko ang lalaking 'yon. Agad kong inilabas ang kalahati ng katawan sa bintana ng kotse saka inabot ang lalaki, alam kong nabigla 'to nang tanggalin ko ang shades nito. Nagkatitigan kami, napangiti ako. "Eleven..." Usal ko saka ikinulong ang mukha nito sa mga palad ko at buong suyo itong hinalikan. Ilang segundo lamang nang maglapat ang mga labi namin ngunit ramdam ko ang init nito na para bang totoo. Pagtataka at pagkabigla; iyon ang nakikita ko sa nanlalaki nitong mga mata. "F*ck!" Bulalas nito saka niya nakabig ang manebela papunta sa amin dahilan para mabunggo nito ang kotse namin. Isang malakas na busina at ang paghatak ni Steph ang nagpalayo sa akin mula sa kanya. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Steph, nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakakatitig sa akin. "W-wow! Di ko alam na liberated ka pala!" Bulalas niya. "G-gising ako?" Parang tangang tanong ko dito. Agad akong namilipit sa sakit nang kinurot niya ang pisngi ko. "O diba, gising na gising ka?" Aniya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig habang ramdam ko ang pang-iinit ng mukha ko. "Anong nagawa ko Steph!" Wala sa sarili kong turan. Tahimik lang si manong ngunit alam kong maya't maya 'tong sumusulyap sa rear view mirror. Umayos sa pagkakaupo si Steph saka ako tinaasan ng kilay, "Just wish na di niya matandaan ang mukha mo." Napakagat na lang ako ng kuko sa nerbyos. "Nakakahiya ang ginawa ko Steph, nakakahiya talaga!" Di ako mapakali, maya't-maya kong sinisilip kung nandyan pa ba ang puting kotse. Lumingon ako upang makita kung sumusunod pa ba sa amin ang lalaking 'yon. Laking pasasalamat ko nang wala 'to sa paligid. Pilit kong pinapakalma ang sarili saka umayos ng upo. Napahawak ako sa sariling labi, muling nagbalik sa isip ko ang ginawa ko kanina, nakakahiya talaga. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang mapalingon ako at makita ang lalaking hinalikan ko kanina. Hawak-hawak ng kanang kamay nito ang manebela habang ang isa naman ay naglalaro sa itim nitong sunglass, kinagat-kagat niya pa ang dulo nito saka ako kinindatan habang nakangisi. Agad akong nag-iwas ng tingin saka isinara ang bintana ng kotse. Parang sigarilyong nauupos ang puso ko, kelangan ko pa atang magbanyo dahil naiihi ako. "My Lord! Ano bang nagawa ko. Patawarin mo po..." Naiiyak kong turan. "Tumahimik ka nga Allison. Nangyari na, okay?!" Paninita ni Steph sa akin. "Waaa Steph! Wala na ang first kiss ko... Hindi na ako buo, Stephhh-" umiiyak kong turan. "Kung makareact ka, para kang inano d'yan eh. Dapat nga 'yong lalaki ang magreklamo dahil 'yon ang ninakawan mo ng halik." Napakamot na ng ulo si Steph. "Akala ko kasi-. A-akala ko, natutulog lang ako, akala ko panaginip pa rin 'yon." I said in between sobs. "Wow! Ang high mo. Ano bang tinira mo? You're not normal Allison ha, you can't even define what is dream and what is not!" Nagpunas ako ng luha saka uminom ng tubig. Tama si Steph, nahihirapan akong kilatisin ang totoo sa hindi. Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD