Chapter Five: Allison - Hope

1153 Words
"Allison!" taranta akong napatayo nang marinig ang sigaw na 'yon. "Steph! Ano bang problema mo?" sumbat ko sa kaibigan kong nakadungaw sa may bintana. "Aba, ikaw pa talaga may ganang magalit ha. Samantalang pinaghintay mo ako dito nang ilang minuto. Para sabihin ko sayo Ms. Areum Allison Santander, tanghaling tapat na po. Samantalang ikaw parang dreaming under the moonlight pa, may pangiti-ngiti pa." tinuro-turo niya pa ang araw. "Galit ka na ba sa lagay na 'yan?" labas sa ilong at walang gana kong tanong. "Ay hindi. Ang saya ko friend, yey! Parte-parte. Ayan! Sobrang saya ko kasi late na tayo para sa entrance exam mo sa university. Sobrang saya ko lang rin naman kasi nakatayo ako ngayon dito sa maputik mong bakuran habang sinusunog ng nag-aalburutong araw 'tong mala-perlas kong batok. My gosh!" inis at may pagkamaarte nitong turan na ikinatawa ko. "Buksan mo na nga 'yong pinto, kanina pa ako katok ng katok kung di pa ako umikot ay di ko pa malalamang nakabukas 'tong bintana mo." pagtatalak nito saka umalis sa may bintana. "At last!" Exaggerated nitong turan, saka nagpalinga-linga, waring may hinahanap. "Wala bang aircon?" kunot-noo'ng tanong nito. "Wala." maikli kong sagot. "Ano ba 'yan. Tingnan mo nga 'tong apartment mo Allison." bulalas ni Steph habang dumidipa-dipa pa. "May sementadong pader, banyo, isang mesa at upuan. Tiles ang sahig. May mahihigaan. Anong problema?" sagot ko dito habang inaayos ang ilang gamit. "Allison naman, wag mo ngang ibida 'yang pader mo na kung di mo pa nilagyan ng wallpaper ay di pa gaganda. At FYI Allison, kalahati lang ng apartment mo ang may tiles." sumbat niya habang nagsasalin ng tubig. "Nilagyan ko na ng floor mat, Steph. Kaya ayos lang." sabi ko dito. "Maliban pa diyan. Look Allison, ang apartment mo kaya ang pinakamaliit sa lahat at nasa tabi pa ng tapunan ng basura." aniya habang nakahalukipkip. "Maliit nga lang pero mura naman, kaya ayos lang." nakangiti kong turan. Pinulot ko ang tabo at basahan na ginawa kong tigasalo ng tubig ulan sa butas ng bubong kagabi. "Ayan! Kita mo yan! Butas pa ang bubong mo, babahain ka dito, Allison." ang OA niya talaga. "As long as hindi ako malulunod, ayos lang." sagot ko dito saka pumasok sa banyo upang hugasan ang tabo. "Ba't ba kasi ayaw mo pang tumira sa amin. Malaki ang kwarto ko, kasya tayong dalawa dun at kung ayaw mo naman ng kasama sa kwarto ay may bakante namang room dun." panghihikayat niya. Bakas ang kalungkutan sa boses nito. Sa katunayan nga'y matagal niya na akong pinipilit na sumama. "Steph, nag-usap na tayo diba. Kaya ko ang sarili ko at okay lang ako dito." baling ko dito habang nagpupunas ng kamay. "Yan! Yang, okay lang, ayos lang. Yang mga salitang 'yan eh, paulit-ulit na lang. Tatak Allison na 'yan. Ano te, trademark lang?" natawa ako sa sinabi niya. "Allison naman. Kawawa ka masyado dito." sabi niya saka pasalampak na naupo sa kama. "Wow! Who's this 11:11?" namamangha niyang tanong habang hawak-hawak ang sketch book. "Akin na nga yan." binawi ko agad 'to sa kanya. "Meron kang hindi sinasabi sa akin." nanliliit ang mga matang turan nito. "Ano ba, wala 'yan!" untag ko. "Anong wala, eh namumula ka. Pero infairness, ang gwapo." bulalas niya habang tinitingnan ang drawing nang maagaw niya 'to uli. Tama naman si Steph, umiinit talaga ang pisngi ko. Sa hiya siguro. "Sino ba kasi 'yan?" pangungulit niya. Kinuha ko 'to mula sa kamay niya at isinilid sa drawer. "Napanaginipan ko lang." sagot ko. "What? Panaginip lang?" Di makapaniwalang turan ni Steph. "Alam mo ba, ayon sa reader's digest. Unfamiliar faces in your dreams are already dead, and mostly they are watching you while you sleep." Sabi ni Steph sa nananakot na tono. "Di ka nakakatakot." Sabi ko dito. "Sa bagay, sino ba namang matatakot sa ganyan ka gwapo. Eh kung bampira 'to, tyak magpapakagat ako. Hahaha" Aniya. "Baliw. Pero mas okay ng siya ang napapanaginipan ko. At least wala na 'yong masasama at nakakatakot na panaginip." Sabi ko. Ang totoo ay nanghihinayang ako sa isiping baka patay na ang lalaking 'yon. At masaya sa tsansang pinapanood ako ng isang gwapong estranghero habang natutulog ako. "Ibig sabihin, wala ng lumang bahay, lumang piano, maalikabok na kwarto. Wala ng sirang sasakyan, masukal na daan madilim na silid, maruming tubig at wala na ring masama at nakakatakot na mama?" Naeexcite na tanong ni steph. "Sa ngayon, wala." Sagot ko dito. Pinaalis ko siya sa kama saka ito inayos. Kapwa kami natigilan nang may kumatok ng malakas sa pinto. Di pa man ako nakakalapit sa pinto ay nabuksan na ito at kapwa tumambad sa harap namin ni Steph ang Landlady. "Bastos!" Rinig kong bulong ni Steph. Nakapamewang 'to nang tumigil sa paglalakad matapos ang ilang hakbang, "Kukunin ko na ang pangtatlong buwang renta." Masungit nitong turan. "Pwede po bang kapa-" agad akong binara ng matanda. "Tatawad ka nanaman ng araw? Sumosobra ka na ah, pasalamat ka at pinagbibigyan pa kita. Sige na, kailangan ko na ng bayad." sabi nito habang ikinukumpas ang kamay. "Eh, walang-wala po talaga ako ngayon manang. Don't worry po, next week po baka makahanap ako ng side line. Medyo kinapos lang talaga, lalo na po't bigla niyong itinaas ang renta." pakiusap ko dito. "At kasalanan ko pa? Aba'y maswerte ka nga at nakuha mo 'tong apartment na 'to kahit wala kang ini-down! Ang sabihin mo, walang ka nang side line dahil wala ng pumapatol sayo." panunumbat nito. Nainsulto man ako sa sinabi ng matanda ay tiniis ko na lang. "Tanda, magkano ba?" biglang tanong ni Steph. "Steph!" bulalas ko saka akma siyang pipigilan. "Bakit, ikaw magbabayad?" tinaasan pa nito ng kilay si Steph. "Bakit, ayaw mo?" tinaasan rin siya ng kilay ni Steph, napasulyap sa akin ang matanda. Halatang naiirita sa akin. "12,000. Tatlong buwan." biglang bumaba ang tono ng matanda. Tss, mukhang pera. Dumukot ng pera si Steph sa wallet niya at ibinigay sa matanda. "12,000 lang, sa halagang yan lang, kinailangan mo pang saktan ang tao? Manang, wag mong ipagmayabang 'tong apartment mo, kasi hindi 'to apartment eh. Bodega 'to. Ang panget po, kasing panget ng ugali niyo. Nakikita niyo ba 'yang banyo, naku para pong mukha niyo." sabi ni Steph saka pabagsak na ibinigay ang pera sa matanda. Isinilid ng matanda ang pera sa bulsa niya matapos bilangin. "Ang bata-bata mo pa ang talas na ng dila mo!" sabi ng matanda habang dinuduro si Stephanie. "Matanda na po kayo pero di po kayo karespi-respito. Baka gusto niyo pong magsampahan tayo?" dito na natahimik ang matanda, umalis 'to saka pabagsak na isinara ang pinto. *** "Salamat Steph." bulong ko dito habang naglalakad kami papasok sa loob ng university. "It's a bestfriend's duty." nakangiti niyang turan. Kinakabahan ako sa entrance exam pero ayos lang naman. Sana naman, makapasa ako. "Eleven, help me please." Bulong ko habang hawak-hawak ang kwintas. Napangiti ako nang maramdaman ang pagkawala ng kaba matapos sabihin ang mga katagang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD