Chapter 6

1374 Words
Amber’s POV “SUMAMA ka sa akin ngayong gabi at kakalimutan ko ang kabardagulang ginawa mo sa trabaho.” Hindi ko alam kung tama ba itong naging pasya ko. Hindi ko alam kung ano ang kinahinatnat ng gagawin kong ito basta tanging alam ko lang ay nakaupo na ako ngayon rito sa front seat ng Luke na iyon. Napapikit pa ako nang marinig ko ang mabilisang pagsara ng pinto habang sinusundan siya ng paningin na umiikot sa kaniyang kotse hanggang sa tuluyan na niyang nabuksan ang kabilang pinto saka siya sumakay at hinarap ang driver’s seat. Napatingin ako sa aking relos. Alas syete na pala ng gabi at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin sa mga oras na ito. Hindi naman niya siguro ako hahalayin? Wala naman siguro siyang balak na gawan ako ng masama, hindi ba? Sino ba naman ako para gawan nang ganoon lalo pa sa babaeng katulad ko. Mayaman at nasa kaniya na ang lahat kaya alam kong wala lang ako sa paningin niya. Pero bakit niya ginawa ang mga ito sa akin? Sa dinami—daming babaeng magagandang alam kong hinahangaad ang kaniyang atensyon ay bakit ako pa na isang housekeeper lang o isang tagalinis sa kompanya niya? “S—saan tayo pupunta? W—wala ka namang gagawing masama sa akin, hindi ba?” nanginginig ang aking boses habang binibitawan ko ang mga tanong na iyon. Hindi ko siya magawang tingnan at sa puntong ito ay nakatingin lang ako sa harapan nitong parking area. Hindi pa naman kami nakalabas nitong kompanya kaya habang nasa loob kami nitong parking lot ay alam kong safe pa ako, binabalot ito ng CCTV kaya alam kong malalagot siya kung sakaling may gagawin siyang masama sa akin! Hindi ko alam kung bakit pero kaagad kong napansin ang tawa niya. Ni muntik nga siyang maubo dahil sa sinabi kong iyon na animo’y talagang nakakatawa ang naging tanong ko sa kaniya. Baliw ba siya? Seryoso ang tanong ko tapos sasagutin lang niya ako nang pagtawa?! “Assuming ka masyado, Miss San Jose,” ang tanging binitawan niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang balutin ng matinding inis dahil sa sinabi niyang iyon. Sino ba naman ang babaeng hindi mag—iisip nang masama kung aalukin ka nang ganito sa lalaking hindi mo naman kilala nang lubusan. Oo, I know him but only his name and not with his real personality! Malay ko ba kung kidnapper siya o kaya isang rapist! Akon a ba? Ako na ba ang next target niya? Da**t! Gagahasain ako ng isang Luke Montemayor?! Patuloy pa rin siya sa pagtawa sa mga oras na ito. “Don’t worry, Miss San Jose, wala ka namang gagawin kung hindi ang sumama lang sa akin. Ngayong gabi lang. All you must do is to pretend like we know each other. Basta sasabayan mo lang ang trip ko mamaya. I am with my cousins and friends kaya kailangan nating magpanggap para magmukhang close sa isa’t—isa. Okay ba ‘yon?” ngiting sambit niya sa akin. Sa sinabi niyang iyon ay mabilis akong nasindak. Hindi ko alam pero nakaramdam kaagad ako ng takot ngayon. “S—saan tayo pupunt?” ang kasunod kong naging tanong sa kaniya. “Sa bar,”” mabilis niyang sambit dahilan upang tuluyan na akong naging alerto. S—sa bar?! Mabilis akong kamang tatayo pero naalala kong nasa loob na pala ako ng sasakyan kaya tanging ginawa ko na lang ay ang hawakan ang pinto nitong kotse at sinubukang buksan pero nakalock na iyon. “Patawad sir Luke pero hindi ko kayang gawin ang anumang binabalak mo. Kailangan ko ng umuwi kaya buksan mo na lang ang pinto, please.” Mabilis kong sambit. Wala naman siyang ginawa. Hinayaan lang niyang nakalock itong pinto ng sasakyan na alam kong wala siyang balak na buksan iyon. Nanginginig ang aking kamay sa puntong ito at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng matinding takot. Lord, please help me. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? “Do you want your job, right Miss San Jose?” tanong nito sa akin. May halong pagbabanta pa ang kaniyang boses. Napahinto ako. Muli ko na namang naalala ang tanging rason kung bakit ako narito. “Alam mo ba kung ano ang maaaring mawala sa ‘yo kung sakaling tatawagan ko ang daddy ko at sasabihing madalas kang late na pumapasok sa trabaho?” pagbabantang tugon nito sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay pinilit ko na lang ang sarili kong maging kalmado at umupo na lang ng maayos. “You will lose everything not just your job but everything; money, decent job and everything.” Sambit nito sa akin dahilan upang mapilitan akong kumalma. S**t! He is blackmailing me! “Ano, sasama ka ba o hahayaang mawala ang mga iyon?” tanong nitong muli sa akin. Hindi ko na magawang sumagot pa sa sinabi niyang iyon. “Good. Don’t worry, I’ll bring you home before midnight. Just enjoy the night with me, then,” ramdam na ramdam ko ang pagngiti niya habang sinasambit iyon. Oo siya! Siya na ang panalo pero kapag napansin kong may ginagawa siyang hindi mabuti ay hindi talaga ako magdadalawang—isip na lumaban! Kaagad na rin niyang pinaandar ang kotse. Buong akala ko ay kasunod niyang gagawin ay ang pagpapausad sa kotse pero hindi niya iyon kaagad ginawa sa halip ay napansin ko na lang ang kaniyang mga tingin sa aking atensyon. “Anyway, we have to make callsign. What’s your bet?” tanong nito sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway. “Kailangan pa ba ‘yon?” tanong ko na halatang hindi ko gusto ang nais niya sa puntong ito. “Of course, Miss San Jose. We pretty knew each other, right? Paanong wala tayong callsign kung kunware ay matagal na tayong magkakilala. Just say your bet callsign,” mabilis nitong sambit na animo’y talagang wala na akong pagpipilian pa kung hindi ang sundin na lang ang anumang gusto niya. “Wala akong maisip,” mabilis kong sambit. Hindi naman ako nakatingin sa kaniya sa halip ay nakatuon lang ang aking atensyon sa kaniyang harapan. “Alright,” he paused a moment. Ilang segundo ko ring hindi narinig ang kaniyang boses na alam kong nag—iisip ng tinutukoy niyang callsign na iyon. “I have three options; baby, babe, and sweetie. Chose one then.” Sambit niya. Biglang namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niyang iyon. F**k! Bakit ganoong klaseng callsign ang gusto niya? Magpapanggap lang naman kaming kilala ang isa’t—isa at hindi bilang magkarelasyon! Hindi ako sumagot gayong wala naman doon ang gusto ko at sino ba siya para tawagin ko nang ganoon. “S—sir, pwede bang wala na lang ang callsign na ‘yan. Magpapanggap lang naman tay—” “Sweetie. We call each other sweetie and that’s final,” napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang sinabi niyang iyon. W—what?! Seryoso ba siya? “S—sir, uhm—” hindi ako napatagpos sa pagsasalita nang kaagad na bumalot ang malakas na boses niya sa aking tainga. “Tighten your seatbelt, sweetie,” mabilis niyang wika kasabay ang pagpapausad ng kaniyang sasakyan. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang sumang—ayon sa nais niya. Well, as long as I am not threatened, then I will go for it pero sa oras na alam kong nalalagay na sa panganib o hindi mabuti ang sarili ko ay hinding—hindi ako magdadalawang—isip na maglalaban kahit anak pa siya ng presidente ng pilipinas! Tahimik lang akong nakaupo sa front seat habang hinahayaan siyang manehuin ang kotse. The ride takes a couple of minutes hanggang sa makarating kami sa tapat ng bar na tinutukoy niya. Humugot ako ng malalim na hininga. All over in my entire life, this would be my first time going to a bar. “Just enjoy the night, sweetie. Kasama mo naman ako. Anyway, please call me that callsign later to strengthen our pretense,” sambit niya sa akin at siya na rin mismo ang tumanggal sa seatbelt na mahigpit na suot ko ngayon. F**k! Ang sagwa ng callsign na iyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD