Chapter 7

2255 Words
Amber’s POV Tahimik lang ako buong sandali habang nakaupo sa tabi nitong si Luke. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglibot lang sa kabubuang sulok nitong bar; ang tumingin sa mga taong narito sa loob. Pinilit ko ang sarili kong huwag sumagi sa aking atensyon ang mga taong kasama namin ngayon sa table. Alam kong ito ang tinutukoy niyang mga kaibigan niya. Matinding ilang ang nararamdaman ko ngayon. Nakaupo lang ako rito at nakaiwas ng atensyon sa mga kasama ni Luke pero pakiramdam ko ay sa akin nakatuon ang kani—kanilang atenyon. D*mmit! Bakit pa baa ko pumawag na sumama sa kumag na ito papunta sa bar na ito? Napatingin ako sa aking relos. It is already 6 o’clock in the evening at dapat sa mga oras na ito ay nasa bahay na ako at nakauwi na pero heto ako ngayon, wearing a corporate uniform, sitting beside this jerk, Luke Montemayor! Kapansin—pansin ko ang iba’t—ibang taong narito. May mga babae pang sobrang ikli na ng mga damit na kung hihilahin pa pababa ay tuluyan na silang nakahubad at ang mga shorts nilang halos kit ana ang puwet sa sobrang ikli. Bawat mesa ay nakikita ko ang mga alak na napaparoon at madalas sa mga lalaki ay may kinakasamang babae sa kani—kanilang mga tabi. So, it this the image of a bar? Buong buhay ko ay hindi pa ako nakapunta sa ganitong lugar. Kung hindi lang dahil sa kay Luke ay hinding—hindi ako makakarating dito.. Well, sinisiguro kong ito na ang huling beses dahil pagkatapos at pagkatapos nito ay matatapos na rin ang usapan namin ni Luke at pinapangako ko sa sarili kong tuluyan na rin siyang mawawala sa landas ko! Kung hindi lang dahil sa pang—bla—blackmail niya sa akin ay hinding—hindi ako papayag na dalhin niya ako rito! Sino ba naman ang baliw na babaeng sasama sa lalaking hindi mo naman kaano—ano. I know, he is the son of the owner of the company I am working but that doesn’t mean na magagawa na niya ang nais niyang gawin sa mga katulad kong trabahante lang sa kompanya nila! Kung hindi lang ako takot na mawala sa akin ang trabaho ko ay hindi na sana ako narito! Mula sa paglilibot ay bigla kong naitapon ang aking paningin sa mga kasamahan ni Luke ngayon. I wonder what Luke is doing this time gayong ni isang beses ay hindi ko naman siya binalingan ng atensyon. Nagulat ako nang magkatama ang paningin namin ng isang lalaking nasa harapan ko ngayon. He is looking at me now. Hindi ko man nakita nang mas malinaw ang kaniyang mukha but I can sense the different way of how he looks at my eyes. Kaagad akong umiwas doon lalo pa at biglang bumalot sa aking pakiramdam ang kakaiba at hindi maipaliwanag na kabog ng aking puso. Sa pag—iwas ko ng akin atensyon ay hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin sa puntong ito. “Luke! Hindi mo pa yata napakilala ang babaeng kasama mo ngayon?” mabilis na sambit ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Bumaling akong muli sa kaniya pero kaagad rin akong napaiwas muli nang mapansing nakatingin pa rin siya sa akin. Bumaling ako kay Luke. Nang sumagi ang aking atensyon sa iba pang kasamahan ni Luke ay doon ko na napansing sa akin na nakatuon ang kanilang atensyon. “Oo nga insan! Ipakilala mo naman ang bagong babaeng dala mo rito!” tugon ng isang babaeng hindi ko masyadong namukhaan. But through her voice, I can perfectly say na sobrang ganda niya. Bumaling ang atensyon ni Luke sa akin. Hindi kaagad siya nagsalita sa halip ay nakatingin lang siya sa aking mga mata. “Are you alright, sweetie?” tanong niya sa akin na siyang mas lalong nagpapaliyab ng ilang sa aking katawan. Damn him! Okay sana kung pabulong niya lang na sinabi iyon sa akin pero hindi! Parang sinadya niya yatang lakasan ang kaniyang boses habang binabanggit ang ginawa niyang call sign para marinig talaga ng mas malinaw ng kaniyang kasamahan ang tawagan na ginawa niya! “Ayieee! Sweetie! Kailan ka pa natutong gumawa ng callsign, ha Luke?” wika pa ng isang lalaking katabi ng lalaking nagpasimuno nitong lahat. Siguro kung hindi lang nagkatama ang mga mata namin ng lalaking iyon ay hindi sana ako maiisip sa nakakailang na sitwasyon na ito. Tahimik lang naman akong nakaupo sa tabi nitong si Luke, eh! “Naku, ang sagwa ng callsign na naisipan mo, Luke!” wika pa ng isang babaeng ngayon ko lang rin narinig ang kaniyang boses. Sa puntong ito ay mas lalo lang lumiyab ang matinding ilang na nararamdaman ko. Kung kumakain lang siguro ang sahig na kinaroroonan ko ngayon ay kanina pa ako namumuya at nalunok! Gusto kong umalis dahil sa matinding hiya pero hindi ko naman magawa. “Bakit? Maganda naman, ah? Ano ba ang problema sa callsign namin? Sabihin n’yo na lang na inggit kayo at nang mahanapan ko rin kayo ng ka—callsign ninyo! Hindi ba sweetie? Okay naman ang callsign natin, hindi ba?” aba, loko tong lalaking ito! Inulit pa talaga?! “Kung nandito lang si kuya ay tiyak kanina ka pa tadtad ng tukso, Luke! Ang corny mo! Sa dinami—daming babaeng dumaan sa kamay mo ay ngayon ka pa nagkakaganiyan. Bakit, tinamaan ka na ba?” ang babaeng may magandang boses ang muling nagsasalita. “Hayaan n ‘yo na si Axel, masaya na ‘yon kasama ang sekretarya niya!” wika pang muli ng lalaking nakatitigan ko kanina. Hindi ko man alam kung sino ang pinag—uusapan nila pero tanging alam ko lang sa puntong ito ay ang matinding ilang na nararamdaman ko. Gusto ko nang umalis rito! “Anyway, she is Amber, my girlfriend.” Pagpakilala pa sa akin ni Luke. Sa puntong ito ay tuluyan na talaga akong nawalan ng lakas para tumingin sa mga kasama niya. Tadtad na ako ng hiya sa puntong ito at parang wala na yata akong mukhang ihaharap sa kanila. Ang hirap at sobrang nakakailang! Sino ba ang hindi maiilang kung malalaman mong pinakilala ka ng mga kaibigan ng lalaking bigla ka na lang hinila at ang malala ay bilang girlfriend pa! “Hi, I am Levi, Luke’s friend and you are—sweetie?” kaagad na inabot ng lalaking nakatitigan ko kanina ang kaniyang kamay sa aking harapan. So, Levi is his name? Sa nakikita ko ay sobrang lapit nila nitong si Luke. Akmang tatanggapin ko na sana ang kamay nito pero pinigilan siya ni Luke. Kaagad na hinawi ni Luke ang kamay ng Levi na ito. “How dare you to call her our callsign!” mabilis na iniwas ni Luke presensya ko mula sa lalaking ito. “Aba, kung makaaasta ka ay parang alam ng babaeng ito ang tunay mong pagkatao. Kagabi lang ay ibang babae ang dala mo rito. Huhulahan ko, nakuha mo lang ito sa tabi—tabi ano?” si Levi na siyang nagpapatigil ng aking nararamdam. “Shut up, asshole!” mabilis na umiwas si Luke sa kay Levi at sa tono ng kaniyang boses at sa naging reaksyon niya ay halatang may bahid na katotohanan ang sinabi ni Levi na iyon. Anong klaseng pagkatao ni Luke ba ang tinutukoy ng Levi na ito? At bakit nasabi niyang napulot lang ako ni Luke sa tabi—tabi? Ano ang tingin niya sa akin, nila sa akin ngayon sa tabi ni Luke? Pinilit kong tumahimik na lang sa puntong ito. Matapos ang gabing ito ay kalilimutan ko na ang lahat. Ibabaon ko sa limot ang nangyari sa gabing ito at iisipin na lang na parang isang bangungot. Iisipin kong isang malaking bangungot ang nanagyari ngayon sa loob ng bar kasama ang kumag na lalaking ito, si Luke. The night goes colder and wilder. Habang naglilibot sa iba’t—ibang mesa sa loob ng bar na ito ay pansin na pansin ko na ang mga taong unti—unti nang naging lasing. Naging matao na rin ang dance floor na kamakailan lang ay kunti pa lang ang sumasayaw doon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay unti—unting nalagay sa alanganin ang buhay ko o baka kaisipan ko lang iyon. Ito ang unang beses na pumunta ako sa bar at hindi ko inakalang ganito pala ang kalakaran sa loob—kahit saan ka tumingin ay may mga alak. Hindi ko alam kung matatakot ba ako hindi. Hindi ko alam kung nararapat ko bang ibigay ang tiwala ko sa lalaking ito. “Kay sweetie naman!” rinig kong sambit ng lalaking nasa kabilang sulok nitong table dahilan upang makuha na naman ang aking atensyon. Kapansin—pansin ang saya mula kay Luke at sa mga kaibigian niya habang ako ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Luke. “No, hindi siya umiinom.” Sambit ni Luke dahilan upang makahinga ako ng mas maluwag—luwag. “Weeh, di nga? Girlfriend mo ba talaga siya, Luke? Sa pagkakaalam ay laklakera ang mga baba emo, eh!” mabilis na sambit ni Levi dahilan upang magtawanan silang lahat. Palihim akong napatingin sa Luke na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkatao siya pero base sa mga naririnig ko ngayon mismo mula sa kaniyang kaibigan ay parang unti—unti nang nabubuo ang imahe niya sa isipan ko. “Yes, she is. Ayaw n’yong maniwala?” wika ni Luke na may halong pagmamayabang pa sa kaniyang boses. “Sige nga, ipakita mo sa amin na talagang girlfriend mo siya. Baka isang araw, malalaman na lang namin na may lalaking sumugod rito to claim the girl you are hanging out with!” sambit muli ni Levi. Sa puntong ito ay nagsimula na namang lumakas ang kabog ng aking puso. Napatingin akong muli sa relos at mula roon ay pansin ko ang oras—alas otso na pala ng gabi at dapat sa mga oras na ito ay tulog na ako sa bahay. Pansin ko ang pagbaling ng atensyon sa akin ni Luke. Hindi man niya sinabi sa akin pero namamataan ko ang katatagan mula sa kaniyang mga mata and that is to follow what his friends are requesting at iyon ay ang ipamumukha sa kanilang talagang girlfriend niya ako. “Mabilis lang ‘to,” mahinang bulong nito sa akin. Amoy na amoy ko pa ang alak mula sa binubuga niyang hininga sa bawat pagbitaw ng kaniyang katatagan. Hindi na ako nakapagbitaw pa ng salita. Gusto ko siya iwasan pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nakatali ang leeg ko mula sa mga kamay niya. Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pakiramdam ko sa puntong ito. Kasabay ng pagbulong niyang iyon ay ang pagdapo ng kamay niya sa aking hita. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang palad mula roon. Marahan niyang nilapit ang kaniyang bibig sa aking mukha. Sa puntong ito ay mas lalo ko lang nasisimot ang presensya ng alak mula sa kaniyang bibig. Hindi ako kumurap at nanatili lamang na nakatuon ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. Kaagad niya akong hinalikan… “Naniniwala na ba kayo?” mabilis itong umiwas mula sa akin at binalik ang atensyon sa mga barkada niya. “Pang—ilang babae na bai to, Luke? Sure na ba ‘to? Baka bukas o sa susunod na araw ay ibang mukha na naman ang makikita namin,” hindi ko na pinansin pa kung kanino galing ang boses na iyon basta tanging alam ko lang ay kaagad silang nagtawanan matapos iyong sambitin. Hindi ko alam kung bakit sa dinami—daming babae ay ako pa. Parang unti—unti ko nang naaninag ang totoong pagkatao sa likod ng anak ng boss ko. Sa likod ng nagngangalang Luke Montemayor. Tuloy pa rin ang masasayang usapan nila habang ako ay parang unti—unti nang umuusok dahil sa inis. Hindi na makatarungan ito. Ang usapan namin ay sumama lang ako sa kaniya pero hindi ko inalakalang ganito pala ang madadatnan ko. Parang iba ang tingin nila sa akin mula sa tabi ng isang Luke Montemayor! Parang naghahalo na ang mga kaisipan sa aking utak. Hindi inalis ni Luke ang kamay niya sa aking hita kaya ako na mismo ang humawi n’on. Hindi ko na sila pinansin pa. Mula sa kalagitnaan ng kanilang pag—uusap ay mabilis akong tumayo at kasing bilis ng hangin kong nilisan ang table nila. Mabilis kong tinahak ang daan palabas nitong bar. Wala na akong ibang gustong gawin sa puntong ito kung hindi ang makalayo sa mga mat ani Luke at ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero kusa na lang na pumatak ang mga likido mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit biglang bumalot ang matinding sakit sa aking nararamdaman. “Amber,” rinig ko ang boses ni Luke na alam kong hinahabol ang mabibilis kong paghakbang pero hindi ko na siya pinansin pa. Nang tuluyang makalabas sa bar ay kaagad rin akong huminto at kasabay ng paghinto ko ay ang pagpalis ko ng luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisnge. “Amber, w—what’s wrong? B—bakit, m—may mali ba?” tanong nito sa akin kasabay ang paghawak niya sa aking kamay. Hinarap ko siya gamit ang natitirang lakas mula sa aking katawan. Mabilis kong iniwasan ang mga kamay niya at kasabay ng pag—iwas kong ‘yon ang ang pagsampal ko sa kaniyang pisnge dahilan upang mapailing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD