Amber’s POV “Amber, w—what’s wrong? B—bakit, m—may mali ba?” Hindi ko alam kung bakit matinding inis at galit ang nararamdaman ko nang marinig ko ang tanong niyang ‘yon. May mali? Ano sa tingin niya ang ginawa niya kanina? Sa tingin niya ay tama ang ginawa niya kanina sa loob ng bar? Ano ang karapatan niyang tanungin ako kung may mali ba? Bulag ba siya o sadyang manhid lang? “M—mali?” ang unang katatagang nabitawan ko. Halata mula sa aking boses ang panginginig dahil sa matinding inis. Pakiramdam ko ay naapakan ang pagkatao ko dahil sa ginawa niya sa akin kanina sa harapan mismo ng kaniyang mga kaibigan. Hindi lang niya ako napahiya kung hindi tinapakan rin niya ang dignidad na mayroon ako. Ano ang tingin niya sa akin? Sa puntong ito ay mas lalo lang bumabaha ang luhang pumapatak m