Amber’s POV “Goddamn it, Miss San Jose. Bakit ayaw mong magsalita?!” Ang matigas na boses niya ang kaagad na bumalot sa kabuuang silid. Sa puntong ito ay hindi ko na magawang gumalaw pa o kahit ang bumaling man lang sa kaniyang atensyon. Para akong nasa gubat at nasa likod ko ang isang mapanganib na tigre at sa oras na haharap ako ay tuluyan ako nitong kakagatin at uubusin nang buo. “S—sir,” ang tanging katatagang sinabi ko. Mabilis niyang binitawan ang aking kamay. Hindi ko alam kung ano na naman ang gusto niya. “Kung pinapatawag mo ako rito tungkol sa mga katatagang binitawan ko noong gabing iyon, kung pinapatawag mo ako rito para parusahan ako dahil doon ay sana huwag mong idamay ang trabaho ko. Galit ako noong gabing iyon at inaamin ko ‘yon, sana po huwag ninyo akong patalsikin