Luke’s POV “Luke! Tara! May dalawang chicks ako ngayon, ibibigay ko sa ‘yo ang isa,” rinig kong wika ni Levi na alam kong nasa tabi ko lang sa mga sandaling ito. Hindi ko siya binalingan ng tingin sa halip ay nanatili lamang akong nakatingin sa malayong parte nitong plaza. I am sitting alone at hindi ko alam kung paano nalaman ng mokong na ito na nandito ako. Gusto kong mapag—isa at ayaw ko munang harapin ang mundong ginagalawan ko. Para bang mas nanaig sa aking kaisipan na ang sarili ko na lang muna ang sasamahan ko and I will avoid entertaining to other people’s business. “Pass muna, bro.” mahinang wika. Alam kong pansin na pansin na rin niya ang kakaibang tunog ng aking boses—ang tunog na animo’y binabalot ng matinding lungkot na ni pati ang sarili ko ay hindi magawang ipaliwanag an

