Luke’s POV “Bote para sa kaibigan ko at bote naman para sa akin, cheers!” rinig kong sigaw ni Levi ngayon sa aking harapan ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Kakarating ko lang at ngayon pa lang ay nagsisimula na akong mag—adjust sa paligid. The club was filled with noise. Malakas ang tunog kaya wala akong masyadong naririnig na ingay mula sa mga taong nasa paligid. Mahigit isang taon din akong hindi nakapunta rito at inaamin kong talagang naninibago pa ako sa kapaligiran. Para na rin itong tahanan ko noon. Gab—gabi ay narito ako at kasama si Levi at gabi—gabi rin ay iba’t—ibang babae ang kasama at ikakama ko. Pero nagbago ang lahat ng iyon when I met someone na hindi ko inakalang magpapabago sa takbo ng aking buhay. But noq, I decided to try. Parang may biglang bumulong sa isipan

