Chapter 2

1099 Words
Amber’s POV Hindi ko na namalayan pa ang pangyayari. Kasunod kong naramdaman ay ang pagkasabog ng bagay na hawak-hawako ngayon. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Nais kong tumakas o hindi kaya ang lamunin na lamang ng lupa at nang hindi na ako makaramdam pa ng matinding kaba. I can’t measure the heartbeat that I have right now. Sa sobrang bilis nito ay daig pa nito ang nasa karera. I can now feel my sweat falling in my head down to my neck. Ni ang magsalita ay hindi ko na magawa pa. Ilang minuto akong nakatayo sa kanyang harapan. Hindi ko man tanaw ngunit alam kong kitang-kita niya ang aking katayuan ngayon. Alam kong naktitig lamang ang kanyang mga mata sa aking katawan and damn! I can’t feel anything but the severe fear and fast heartbeat! Bakit ba sobrang carelessa ko? Kung naging maingat lang sana ako ay sana hindi ko nabasag ang nag-iisang gamit sa mesang ito! That was just a piece of glass with a name printed in front of it kaya siguro hindi iyon malaking deal para sa kanya. Alam kong may sinabi siya kanina ngunit hindi ko na iyon napansin pa dahil sa matinding kaba na aking naramdaman. Ngayon ay kahit papaano nakabalik na rin ang aking sarili sa dating presensya nito. Ngunit huli na ang lahat. Ramdam ko na ang init sa aking katawan at ang panginginig sa aking mga kamay at gawi. “Miss, what… are… you... doing… here in my office?” naging mabagal ang kanyang pagkakasambit sa katatagang iyon na alam kong upang marinig ko nang maayos ang kanyang pagkakasalita. Hindi ako sumagot sa tanong niyang iyon sa halip ay marahan na lamang akong yumuko at tiningnan ang bagay na kanina pa bumagsak sa aking harapan. I can’t see anything but a small piece of glass scattering in front of me. Pumikit ako at gamit ang natitirang lakas sa aking katawan ay hinarap ko siya. Pinilit kong maging matapang at nang hindi niya mahalatang matinding takot ang siyang nararamdaman ko sa puntong ito. Ngunit ibang reaksyon ang nararamdaman ko nang tuluyan ko nang makita ang kanyang reaksyon. Ang seryosong mukha ang bumungad sa aking paningin. Pansin na pansin ko mula sa kanyang mga mata ang mapunuyong paningin na animo’y pinag-aralan ang aking tindig. Hindi ko magawa ang umiwas ng paningin kaya ramdam na ramdam ko ang matinik nitong pagtingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang pagtingin ay kanina pa ako pinaglalamayan sa kanyang harapan. He has an emotionless face. Ni hindi ko magawang bashin ang emosyong mayroon siya ngayon ngunit ramdam na ramdam ko ang tanging ekspresyon niya ngayon at iyon ay ang alam kong matinding inis. Pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan kahit pa halatang-halata sa ngiti kong iyon ang matinding takot. Hilaw na pagngiti ang napakawalan ko. “Si-sir…” hindi ko kaagad magawang sambitin ang aking sasabihin. Nanatili lamang sa kanyang mga mata ang aking paningin. “It just a piece of glass. Ipapagawan ko na lang po ng bago.” Bakat sa mga katatagan kong iyon ang panginginig na hamig habang kapansin-pansin pa rin ang hilaw na pagngiti sa aking labi. Hindi kaagad siya nagsalita sa halip ay nanatili lamang siyang nakatingin sa aking mga mata. Pansin na pansin ko ang dahan-dahang pag-awang ng kanyang panga. Sa puntong ito ay wala na akong magagawa pa kung hindi ang umiwas na lamang ng paningin lalo pa at halata na sa kanyang ekspresyon ang susunod niyang gagawin. “Just a piece of glass, huh?” malamig na sambit niya. Kahit papaano ay nagawa kong pakalmahin ang aking sarili ngayong hindi na ako nakatitig sa kanyang mga mata. “Hi-hindi ko po sinasadya si---” “You don’t know the value of that glass! Do you think you can replace it that easy?!” Napapikit ako nang marinig ko ang malakas na pagsambit niya sa katatagang iyon. Inaamin kong sa puntong ito ay binabalot ng matinding takot at panginginig ang aking sarili. Hindi lang dobe kung hindi triple ang nararamdaman ko kanina. Sa boses niya ay parang mas mahalaga pa sa buhay ko ang bagay na iyon. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang mapapikit habang raamdam na ramdam ang matinding takot ngayon. Damn! Kainin mo na ako lupa, now na! “Luke…” pamilyar na boses ang kaagad na bumalot sa buong silid. Hindi ako bumaling doon ngunit alam kong bumaling ang lalaking kaharapan ko ngayon. Nanatili lamang akong nakapikit habang pansin na pansin sa aking pagmumukha ang matinding takot. Takot dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Dammit! Parang ito na yata ang katapusan ng aking trabaho. Hindi na ako magugulat pa na bukas ay maghahanda na naman ako ng panibagong resume at maglilibot na naman sa buong siyudad na ito upang maghanap ng bagong trabaho. “Dad! Who is this lady and why she’s here? She even broke one of my important things!” malakas na pagsambit nito. So, ito ang tinutukoy na anak ni Mr. Montemayor. Halata sa kanyang boses at asal. “I told her to clean your office, Luke.” “So, she’s one of our cleaners here?” halata sa kanyang boses ang pangungutya. Sa puntong ito ay dahan-dahan ko nang naramdaman ang pagkahiya. “Dapat mong igalang ang lahat ng staff natin rito, Luke!” ngayon ay dahan-dahan nang umangat ang boses ni Mr. Montemayor. “Alam mo kung gaano ka-importante sa akin ang bagay na iyon. That’s even worthful that her life, dad!” malakas na sambit nito. Ngayon ay hindi ko na maiwasan pa ang makaramdam ng matinding pagkahiya. Sa sinabi niyang iyon ay parang tinapakan na rin niya ang pagkatao ko! “Aalis na lang po ako, Sir. Sorry po talaga sa pagkakamali ko,” mahinang sambit ko. Nakayuko pa rin ako’t hindi magawang tingnan ang presensya ng mag-ama. “You should!” mabilis na sambit ng anak ni Mr. Montemayor. “Luke!” mabilis na sambit ni Mr. Montemayor. “Hindi ka aalis, Miss San Jose. Walang aalis. You are just doing your job.” Wika nito na alam kong nakatitig lamang sa akin ang kanyang ekspresyon. Wala akong ibang magawa kung hindi mapayuko na lamang at namnamin ang takot at matinding hiya. Sa puntong ito ay parang bigla akong nawalan ng lakas na loob upang tingnan silang mag-ama. “Tapusin mo na ang ginawa mo, Miss San Jose. Ako na ang bahala sa aking anak. Luke, come to my office. We have something to talk,” wika nito saka hindi nagtagal ay tuluyan ko na ring narinig ang paghakbang nila papalabas nitong opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD