Chapter 3

825 Words
Amber’s POV Buong araw kong nilibot ang buong kompanya upang maglinis. Kahit papaano ay unti-unti na ring nawala ang hiya na siyang naramdaman ko kanina. Nagpokus na lamang ako sa aking trabaho gayon iyon lang naman ang tanging paraan upang masuklian ang kabutihang loob ni Mr. Montemayor. Hindi ko inakalang nagawa niya akong ipagtanggol sa kabila ng lahat. Hindi lubos maisip kung ano ang halaga ng bagay na nabasag ko kani-kanina lang gayong sobrang galit sa akin ng kanyang anak. Siguro ganoon lang talaga ang mga mayayaman. Wala silang pakialam sa nararamdaman ng mga mahihirap. Tanging nais lamang nila ay ang kanilang pansariling kapakanan. Ang sarili niyang interes at kailanman ay wala silang pakialam sa nararamdaman ng iba. Kung hindi lang sila umalis sa kanina sa silid ay hindi ko na alam pa kung magagwa ko pa ba ang magpatuloy sa aking trabaho. Nakatuon lamang ang aking atensyon sa paglilinis ng banyo. Ngayon ay nasa Male’s Room ako at gamit ang mop na hawak-hawak ko ay nakayuko ako at panay ang pagpunas ng sahig. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin ko ang dalawang pa ana humaarang sa aking paglilinis. Hindi ko inangat ang aking paningin sa halip ay nagpokus na lamang ako sa pagmo-mop. Umiwas ako ng direksyon ngunit hindi ko inakalang sa paglipat ko ng direksyong iyon ay muli na naman akong hinarangan. Napahinto ako at muli na namang umiwas ngunit sa puntong ito ay ganoon pa rin ang aking nadatnan, muli na naman niya akong hinarangan. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang mapapikit at kasabay ng pagpikit kong iyon ay ang tuluyang pag-init ng aking isipan. Napakagat ako ng sarili kong labi at umawang ang aking panga s ainis. “Pwede ba kung wala ka rin lang namang gagawing matino ay umiwas ka sa harapan ko? Hindi mo na alam na---” napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang pagmumukhang bumungad sa aking harapan. Hindi ko na magawa pa ang magsalita gayong sa puntong ito ay parang tinahi ang aking bibig lalo pa nang muli na namang bumalot sa aking paningin ang kanyang presensya. “Si-sir Luke…” ang tanging katatagang nabitawan ko. Sa puntong ito ay tuluyan nang nanginginig ang aking boses ni hindi ko na magawa ang magsalita nang mas malinaw. “Sino kaya sa atin ang may ginawang hindi matino?” sambit nito habang halata sa kanyang boses ang pagmamayabang. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang pagtingin sa aking gawi at tanging magagawa ko na lamang sa puntong ito ay ang mapaiwas ng paningin at kahit papaano ay maibsan ko ang matinding ilang na aking nararamdaman. “A-ano ba ang kailangan mo?” utal na sambit ko. Ilang segundo lamang ang lumipas at mabilis kong napansin ang paggalaw niya. Mula sa sahig kung saan nakatuon ang aking atensyon ay bumaling iyon sa kanyang paggalaw. Nagulat ako sa kasunod niyang paghakbang. Mabilis niyang isinara ang pintong nitong Male’s Comfort room. Mabilis akong napalunok ng sarili kong mga laway. Ni hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Nais kong sumigaw dahil sa takot ngunit hindi ko naman magawa. “Si-sir ano ang iyong binabalak?” nanginginig ang aking boses. Sa puntong ito ay nais kong lumabas sa comfort room na kinaroroonan ko ngunit hindi ko naman magawa. “Hindi mo alam kung ano ang halaga ng bagay na binasag mo, Miss San Jose,” mahinang sambit nito at sa puntong ito ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagdahan-dahang paghakbang nito papalapit sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang umatras ngunit kaagad rin akong napahinto nang makarating ako pader nitong comfort room. “Si-sir, maawa po kayo…” mahinang sambit nito sa akin. “Ilang taon ka na bang nagtratrabaho bilang tagalinis sa kompanyang ito, Miss San Jose?” Mahinang sambit nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin. Hindi ko iyon magawang sagutin sa halip ay patuloy lamang ako sap ag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi nagtagal ay dahan-dahan ko nang naramdaman ang kanyang kamay na dumapo sa aking hita. Dahan-dahan niya iyong hinipo at kaagad ring bumaling sa aking buhok. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko sa puntong ito. “Bakit hindi mo magawa nang maayos-ayos ang iyong trabaho, huh?” tugon nito sa akin habang halatang-halata sa kanyang boses ang pagbabanta. “Hindi ko po sinasadya Sir Luke. Maaari naman sigurong mapalitan iyon hindi ba?” Mas lalo lang niyang iginiit ang kanyang sarili sa akin. Ngayon ay amoy na amoy ko na ang kanyang panlalaking pabango. “Alam mo Miss San Jose,” muli ay nararamdaman ko na naman ang kanyang kamay na dahan-dahang humihipo sa aking binti. “May mga bagay na kailangang pagbayaran, whether you intended to do it or not.” Pagpapatuloy nito kasabay ang paglunok ko ng sarili kong mga laway. Hindi ko na alam pa kung paano ako makakatakas sa lalaking ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD