Amber’s POV
Mabilis kong tinahak ang daan papasok sa Montemayor Inc. Alas otso na at alam kong late na ako sa trabaho. Ilang buwan na akong nagtatrabaho dito ngunit ngayon lang ako unang nahuli sa pagpasok. Sino ba naman ang hindi malate kung hating gabi ka nang nakatulog. Hindi ko alam ngunit hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa aksidenteng nangyari kahapon.
Iyon ang unang beses na magkatagpo ko ang anak ni Mr. Montemayor sa loob ng kompanyang ito and I didn’t expect all of that will happen. Kahapon, pag—uwi ko ay iniinda ko pa rin ang panginginig ng aking tuhod habang inaalala ang galit na pinakita sa akin ng anak mi Mr. Montemayor sa akin.
Hindi ko na pinansin pa ang mga taong nadadaanan ko. Bumati pa nga sa akin ang guard ngunit hindi na ako huminto pa sa paglalakad sa halip ay ngumiti na lamang ako bilang pagsagot sa bati nito sa akin. Wala na akong oras pa. Kung lalagpas sa 5o minutes ang pagiging late ko ay tiyak na tuluyan na akong hindi makakapasok sa araw na ito.
Ilang segundo rin akong nag-abang bago bumukas ang elevator papunta sa third-floor kung nasaan ang opisina ng mga housekeeping. Nang bumukas ito ay kaagad na rin akong pumasok saka ko mabilis na pinindot ang 3rd floor button at hinintay na lamang na magsara itong elevator.
Huminga ako ng malalim saka iyon ibinuga. Sana makaabot pa ako sa oras. Hindi ako maaaring lumiban sa trabaho ngayong araw lalo pa at maraming nakalaan sa sahod ko ngayong buwan.
Pumikit ako at sinubukang kumalma. Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko na ang tunog ng pagsara ng pinto nitong elevator ngunit ilang segundo lamang nang mapansin ko ang paghinto ng tunog na naririnig ko. Kasabay ng paghinto na iyon ay ang tunog ng paa na alam kong papalapit sa akin at papasok rin sa loob ng elevator na ito.
Mabilis akong napamulat ng aking mga mata. Nang imulat ko ito ay tuluyan nang nakasara ang pinto. Marahan kong ibinaling ang aking paningin sa sahig saka marahan na ibinaling sa paa ng taong nakatayo ngayon sa aking tabi.
Pamilyar sa akin ang kaniyang pabango. Nang mamataan ko ang kaniyang sapatos at ang postura ng pang-ibabang katawan niya ay kaagad rin akong napalunok ng sarili kong laway.
Dammit!
Hindi ko alam ngunit nang mamataan ko ang imahe ng pang-ibaba nitong katawan at ang pabango nito ay kaagad na nabuo sa aking isipan ang matinding takot. Alam ko rin na sa mga oras na ito ay dahan—dahan na ring nabubuo ang panginginig sa aking katawan.
“Hanip, ah! Daig mo pa ang isang manager kung pumasok sa trabaho,” tuluyan ko nang naramdaman ang matinding panginginig sa aking katawan nang marinig ko ang boses na iyon.
“S—sir…” ang katatagang nabitawan ko habang marahan kong inangat ang aking paningin mula sa paa nito paangat sa kaniyang mukha.
“Really, Miss san Jose? You are not just careless but stupid. Ilang buwan ka na bang nagtatrabaho sa kompanyang ito?” isang mapanuyong boses ang pinakawalan niya. Alam na alam ko at nararamdaman ko ang pagiging istrikto ng boses nito.
“S—six months na po, sir.” Mahinang boses na sambit ko. Iniwasan ko siya ng tingin. Sa halip na tumingin ako sa kaniyang mukha ay sa pader nitong elevator ako nakatuon para kahit papaano ay maibsan man lang ang takot at panginginig sa aking katawan.
“Anim na buwan?” gulat ang siyang bumabalot sa kaniyang boses. Ibig sabihin ay anim na buwan ka naring pumapasok nang ganitong oras? Sa pagkakaalam ko ay 7:45 pa lang ay dapat nandito na ang mga staff lalo ka na bilang housekeeper. Alam ba ni dad ang mga nangyayari dito?” wika nito na siyang nagpapagulat ng aking paningin.
Damn this man! Hanggang kailan ba siyang magsisilbing balakid sa pagiging housekeeper ko dito? Hanggang kailan ba siya magiging balakid sa trabaho ko?!
“Sir! P-please. Huwag na po sanang makarating ito sa dad mo. Saka ito pa lang po. Ito pa lang po ang unang beses na nangyari ito. Hating gabi na kasi akong nakatulog kagabi kaya matagal akong nagising kanina. Saka dahil po iyon sa nangy—”
“So kasalanan pa ng may—ari nitong kompanya ang pagiging late mo? Kasalanan pa naming matagal kang nakatulog kagabi at matagal kang nagising?” naaninag ng aking mga mata ang sarkastikong pagngiti nito. Hindi ko man tanaw ngunit alam na alam kong namumuo na naman sa kaniyang mukha ang pagiging istrikto nito.
Hanggang kailan talaga balakid ang lalaking ito sa buhay ko!
“W-what I mean sir is—uhm,” hindi ko magawang ipagpatuloy ang sasabihin ko lalo pa at nag—iisip pa rin ako ng magiging dahilan ko sa puntong ito.
Dammit! Paano bai to?
“There nothing to explain, Miss San Jose. It is so clear that you are being an irresponsible worker. A worker that should not be keep in this company,” mabilis nitong sambit at dahil doon ay inipon ko ang buong lakas na mayroon ako sa katawan ko saka siya mabilis na hinarap.
Pinakita ko sa pamamagitan ng aking eskpresyon ang matinding pagmamakaawa. Hinarap ko siya nang buong makakaya ko.
“Sir, maawa po kayo. Kailangan ko po talaga ng trabaho. Please hindi na po sana makakarating ito sa kay Mr. Montemoyor,” napahinto ako. Huminga ako ng malalim saka lumunok ng sariling laway. “H-hayaan n’yo po at hinding—hindi na ito mauulit pa.” pagpapatuloy ko pa habang may namumuong pangako sa aking boses.
Hindi kaagad siya sumagot sa halip ay mas lalo lang lumapad ang ngiti mula sa labi nito. Sa imaheng pinakita niya ay halatang wala siyang pakialam sa akin o sa kung ano man ang maaaring mawala sa akin.
This jerk! Bakit ba kasi pinanganak pa ito sa mundo!
“Sorry Miss San Jose but I can't tolerate this kind of action. Expect a call from my dad after a few hours from now.” Wika nito sa akin.
Ilang segundo pa at akmang magsasalita na sana ako nang mapansin ko ang pagbukas nitong elevator. Kasunod kong napansin ay ang paglabas niya mula dito sa loob.