•CHARM POV• Napabuga ako ng hangin at napasapo sa noo. Hindi ko alam 'kung anong gagawin ko para malibang ang sarili sa mga oras na dumadaan. Para akong prinsesa na nakakulong sa malaking mansyon na ito. Pakiramdaman ko ay papatayin ako ng pagka inip dito. Napahalukipkip ako sa kinauupuan ko habang katapat ang malinis at malaking swimming pool na naririto. Tanghaling tapat kaya naman kitang kita ang ganda at kintab ng paliguang ito dahil sa sinag ng araw. Isang linggo na ang nakakaraan simula nang sunduin ako ni Sir Adam mula sa probinsya at isang linggo na ring nauulol ang mga kaibigan ni Justin. Para silang asong tahol ng tahol tuwing umaga, nangangalampag ng gate at sumisipol na parang tumatawag ng sakuna. Patay 'kung patay sila sa magkapatid na Ica't Aca, eto namang dalawa ay para