"Kailan pa po ang lagnat niya, Misis?" nag-aalalang tanong ni Elise sa ina ng batang karga na niya ngayon. Nasa dalawang taong gulang ito at dito pa lang naisugod ng ina sa kanilang free medical mission. "N-Noong isang araw pa. Simpleng lagnat lang naman kaso w-walang maipambili ng gamot kaya..." paliwanag ng Nanay. Nakatingin si Elise sa babae. Medyo magulo ang buhok nitong hindi maayos na nakapusod at nakasuot ng isang malaki at lumang T-shirt. Bakas ang matinding pag-aalala nito para sa anak na inaapoy ng lagnat sa mga bisig niya ngayon. Naisip niya kung gaano kahirap para sa isang magulang ang pagkakasakit ng mahal na anak gayong walang perang ni pambili ng gamot... Pinagpapasalamat ni Elise at proud siya sa ospital na pinagtatrabahuan dahil may mga ganitong libreng serbisyo i