"Elise..." Natigilan si Elise isang araw nang makita niya si Stefan sa ospital—sa kaniyang harapan. "Stefan..." Mukhang sinadya siya nito doon. Mag-isa lang ito at walang kasamang asawa o anak para sa checkup gaya noong nakaraang nagkita sila dito. "C-Can we talk?" may halong pakiusap 'yon. "Let us talk, please..." Elise found herself slowly nodding her head... "Ano ang gusto mong pag-usapan, Stefan?" diretsong aniya nang nasa loob na sila nang sasakyan nito. Saglit lang ang break niya at kailangan na agad bumalik sa duty kaya hindi sila pwedeng lumayo. Kanina ay nakita niya si Josef na kasama ni Stefan nang bumaba sila rito sa basement. Nanatili ito ngayon sa labas. "I'm sorry..." Nakaupo sa shotgun seat at diretso lang ang tingin sa kanilang harapan. Pang-ilang beses na ng