This hangover! I want to punch someone right now. I’m tired to get up but I need to attend an important meeting later kaya naman wala akong choice kung hindi ang bumangon at idilat ang mga mata ko kahit na ayoko.
A familiar scent caught my attention.
Ang amoy na ‘yon na hindi ko makalimutan simula ng makilala ko s’ya or should I say simula ng makita ko s’ya.
I was so addicted to her scent kaya hanggang ngayon ay hindi ko ‘yon mawala sa sistema ko.
Hindi ko mapigilan ngumiti kahit na masakit ang ulo ko ng makita ko s’ya sa tabi ko. I was stupid! I know for screwing her but I couldn’t undo what happened. Nangyari na ang nangyari.
I slept with the person beside me. She will regret what happened and I know that for sure pero para sa akin wala akong pinagsisisihan sa nangyari, kung meron man ay ung lasing ako at hindi ko alam kung paanong may nangyari sa aming dalawa.
“When you wake up everything will change,” bulong ko sa kanya.
Bahagya s’yang gumalaw kaya umayos ako ng higa at nagpanggap na tulog. Gusto kong makita reaksyon n’ya kapag nakita n’ya ako pero alam ko rin naman na walang mangyayaring maganda kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka may magawa ako na mas ikakagalit n’ya.
I don’t remember what happened last night and how we ended up in bed. Hinayaan kong makaalis s’ya ng wala akong ginagawa para pigilan o kausapin man lang s’ya.
Kaibigan s’ya ng taong malapit sa kaibigan ko ngayon, ayokong magkaroon ng problema kaya magpapanggap na lang muna akong walang alam sa nangyari dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang pigilan ang mga susunod kong hakbang sa oras na pagtuunan ko s’ya ng oras.
As for now may kompanya akong kailangan asikasuhin at kaibigan na dapat tulungan dahil naliligaw na ng landas. Bumangon na ako at nagsimulang mag ayos para makaalis na.
When I arrive at the company nagkakagulo na silang lahat.
“Sir nandito po ang father n’yo,” sabi sa akin ng secretary ko.
“I know,” sagot ko sa kanya at dumiretso sa opisina ko kung saan naghihintay ang ama ko.
“You’re late son!” bungad na bati n’ya ng pumasok ako sa loob.
“What I owe you a visit dad?” tanong ko sa kanya.
“Did you already review the files I send to you? My secretary had a hard time sending you the file because we can’t contact you,” sabi n’ya sa akin.
Gusto kong matawa sa sinabi n’ya. His secretary use all of her connection para lang makita ko ang files na ‘yon. She even asked her friend to personally told me that I should see the files but instead we ended up doing something steamy last night. The file was left forgotten because of what happened.
“Are you still with me son?” tanong sa akin ng ama ko kaya nagbalik ako ng tingin sa kanya.
“Para do’n lang ba kaya ka pumunta dito?” tanong ko sa kanya. “Your mom want to see you son,” sabi n’ya sa akin at tinapik ako sa balikat.
“She can visit me here dad,” sabi ko sa kanya.
“Umuwi ka!” mariing sabi n’ya sa akin kaya mapakla akong natawa.
Umuwi? Sa bahay kung saan lahat ng iniiwasan kong makita ay nandoon.
“I dare not too dad,” sabi ko sa kanya.
“Still haunted son?” he asked.
“Let’s just talk about business dad and the file you asked!” sabi ko na lang sa kanya.
“Okay” sabi n’ya at nagsimula na kaming mag usap tungkol sa negosyo.
Hanggang sa dumating si Grant, “Did I disturb something?” tanong n’ya sa amin at mukhang nag-aalangan pa s’ya dahil nandito ang ama ko. “Hi tito,” bati n’ya pa n’ya kay dad.
“No hijo,” sagot ni dad dito.
Tumingin s’ya sa akin at tumango lang ako para maibigay na n’ya ang kailangan ko sa kanya.
“I stop by to give you this Caius,” sabi n’ya at inabot sa akin at matagal ko ng kailangan na file sa kanya. “I’ll have to go!” sabi n’ya at umalis na.
“Still not done with that project of yours?” tanong n’ya sa akin at nakatingin sa folder na inabot sa akin ni Grant.
“Dad stop minding my business,” sabi ko sa kanya at inabi ang ibinigay ni Grant.
Napailing na lang s’ya. “I just want to remind you that you should stop digging the past son, sometimes we need to stop to move forward and forget what happened to continue living in the present,” sabi n’ya sa akin.
“Akala ko ba negosyo ang pag-uusapan natin dad?” tanong ko sa kanya. Napailing na lang s’ya at ipinagpatuloy ang pinag-uusapan namin kanina bago dumating si Grant.
Buong maghapon na puro negosyo lang ang pinag-usapan namin ng ama ko, wala naman ng bago at sanay na ako sa tuwing may kailangan s’ya sa akin. “I’ll visit the set up for your new drama next week,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Why?” tanong ko sa kanya.
“You’ll using one of our resort kaya dapat nandon ako para makita ang pinagkakaabalahan ng anak ko,” sabi n’ya sa akin at tumayo na.
“Dad cut the crap,” sabi ko sa kanya at tumawa s’ya.
“I heard you like the manuscript of that drama,” sabi n’ya sa akin. “Then?” tanong ko sa kanya.
“That’s not you son, I asked someone to give me a copy and base on your personality hindi mo magugustuhan ang storya na ‘yon.” sabi n’ya sa akin.
“I’m giving them a chance dad,” sabi ko sa kanya.
“If you say so” sabi n’ya sa akin at umalis na.
Napailing na lang ako sa inasal n’ya.
Nang makaalis s’ya muli kong pinasadahan ng tingin ang binigay na folder ni Grant sa akin. Matagal ko ng kailangan ‘to pero bakit hindi ko magawang buksan ngayon? Napabuntong-hininga na lang ako at muling ibinalik sa loob ng drawer ang folder na ‘yon saka ako lumabas ng opisina ko.
“Let’s visit the studio,” sabi ko sa kanya sa secretary ko at mabilis kaming umalis.
I want to see someone right now.