Kabanata Twelve - Mia POV

1067 Words
Kanina ko pa hinahanap ang cellphone ko pero hindi ko pa rin ‘to makita at naiinis na ako dahil kailangan ko pang bumalik sa studio ngayon dahil may kailangan akongt tapusin na trabaho pero hindi ko alam kung paano ko ‘yon magagawa kung hindi ko matawagan si Luna dahil nawawala ang cellphone ko. Kulang na lang baliktarin ko na ‘tong kwarto ko para lang mahanap ang phone ko pero wala talaga. Nag ayos na lang muna ako ng sarili ko dahil kailangan kong umalis ngayon. Habang nasa loob ako ng banyo ay muli kong naaalala ang nangyari kagabi kaya naman bago kung saan pa mauwi ang lahat ay mabilisn na akong nagbanlaw para makapagbihis. Muli kong hinanap ang cellphone ko sa loob ng bag ko pero wala pa rin akong nakita. “Ay bahala na nga!” naiinis na sabi ko sa sarili ko at kinuha ang bag ko saka muling lumabas para pumasok dahil may trabaho pa ako. Ayoko sanang pumasok ngayon dahil masakit ang buong katawanan ko lalo na ang ibabang parte pero wala akong choice kailangan ako sa trabaho ngayon. Dadaan pa sana ko sa ospital pero wala na akong oras para kamustahin si Luna at Lance dahil late na ako. Nang makarating ako sa studio hinanap ko agad ang mga kasamahan ko at nakita ko silang nagkakagulo sa gilid kaya medyo kinabahan ako. “Anong meron?” tanong ko sa kanila. “Mabuti naman at nandito ka na. Nakakaloka sis dahil nandito si Sir Caius para tingnan ang mga mangyayari sa shoot” sabi nila sa akin na ikinalaki ng mata ko. Mabilis hinanap ng mata ko si Caius kung nandito ba s’ya sa paligid at mabuti na lang dahil wala s’ya. Hindi pa n’ya ako nakikita. Wala naman akong problema kung may boss na nandito pero si Caius kasi ‘yon at may nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Parang sumama ata ang pakiramdam ko ng wala sa oras at gusto ko na lang umuwi. Ayokong magkita kami ni Caius at hanggang maaari ay iiwas ako sa kanya hanggang kaya ko kahit alam kong imposible dahil isa s’ya sa boss ko. Hindi pa ako handang humarap sa kanya ngayon pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi. Sana lang talaga wala s’yang naaalala sa kung ano man ang nangyari kagabi. “Guys kailangan ko atang umuwi, iiwan ko muna sa inyo ‘tong manuscript” sabi ko sa kanila at akmang aalis ng may humarang sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong n’ya sa akin at nakakunot ang noo. Kadadating ko nga lang naman tapos aalis agad ako, late na nga rin ako nakapasok. Ayokong makipagtalo sa kanya kaya sinagot ko na lang ng maayos ang tanong n’ya. “Masama pakiramdam ko Mark at kailangan kong umuwi,” sabi ko sa kanya. Totoo naman na masama ang pakiramdam ko kanina pa pero kaya ko naman. Ayoko lang makita si Caius kaya gagamitin ko na lang na dahilan ‘to para maiwasan s’yang pilit. Bigla naman nagbago ang ekpresyon ng mukha n’ya. He looks worried. “Kailangan ka dito ngayon Mia bilang head writer pero kung masama ang pakiramdam mo sige papayagan kitang umuwi muna,” sabi n’ya sa akin at nakikita ko sa mukha n’ya ang pag-aalala. Napayukom ako ng kamao ko para pigilan ang emosyon ko dahil sa totoo lang ganitong ganito s’ya sa akin noon nung kami pa. “Thank you,” sabi ko na lang at aalis na pero hinawakan n’ya ang kamay ko. “Ihahatid na kita sa inyo,” sabi n’ya sa akin pero umiling ako. “Hindi na Mark, kailangan ka dito” sabi ko sa kanya at inalis ang kamay n’yang nakahawak sa kamay ko. “Kailangan ka rin dito Ms. Valera, so why do you need to leave at this early?” tanong ng kakadating lang na si Caius at seryosong nakatingin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya at gusto ko na lang umalis na pero paano ko magagawa ‘yon kung yung taong iniiwasan ko ay kaharap ko na ngayon diba. “She’s not feeling well Mr. McClay and we can do the shoot without her, we still have other writers that can facilitate the shoot on her behalf” sagot ni Mark kay Caius. Hindi inaalis ni Caius ang tingin n’ya sa akin kaya naiilang na talaga ako sa totoo lang. “What happened?” tanong n’ya at ung tanong na ‘yon ay para sa akin. “I just work late last night that’s why I’m not feeling well Mr. McClay so can you please excuse me because I need to go so I can rest for a while,” sagot ko sa tanong n’ya. Hindi naman na sila nagsalita pa kaya naman mabilis na akong naglakad palayo sa kanilang dalawa. Kahit hirap akong maglakad ay nagawa ko pa rin makalayo sa kanila. “Before you leave Ms. Valera I think you left something,” muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Caius at sinabi ‘yon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat “What do need Mr. McClay?” tanong ko sa kanya. “I don’t need anything actually but because you asked I think I need a drink with you again, what do you think?” tanong n’ya sa akin. “I’m serious here Mr. McClay,” sabi ko sa kanya. “I’m not joking Ms. Valera” sabi n’ya sa akin. “I’m not in the mood for a silly talk Mr. McClay so if you will excuse me, I need to go home so I can rest” sabi ko at naglakad na palayo sa kanya. “Mia!” tawag n’ya sa akin at ngayon sa pangalan ko na mismo kaya napatigil ako. “What?” tanong ko sa kanya at hinarap s’ya. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kung ano ang hawak ng mga kamay n’ya ngayon. “How?” wala sa loob na pabulong kong tanong. He smirk and move closer to me. “You left this in my bed,” bulong n’ya sa tenga ko at naglakad palayo sa akin pagkatapos n’yang ilagay sa bag ko ang cellphone na kanina ko pa hinahanap. I just had goosebumps because of that. But wait, he knows? He knows what happened? He remember?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD