Caius POV
Hindi ko alam kung bakit ako nandito at nakikinig sa mga sinasabi ni Axel sa harap ko ngayon. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para matauhan s’ya sa kagaguhan na gusto n’yang gawin? Hindi ko gustong makielam sa buhay n’ya pero sinusubukan ni Axel ang pasensya ko sa totoo lang.
“Hindi ka nag iisip ng tama Axel,” sabi ni Grant kay Axel.
Wala ng bago simula noong iniwan s’ya ng taong mahal n’ya. Love sucks!
“Axel malaki ka na, bahala ka na sa gusto mong gawin sa buhay mo pero ‘wag mo kaming balikan kapag natauhan ka na sa mga gagawin mo!” sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya.
Madami akong kailangang gawin bukod sa magbigay ng sermon sa isang kaibigan na hindi naman marunong makinig. I still have a lot of meeting to finish.
“Sir Caius kailangan po ng pirma n’yo para sa new series na lalabas,” sabi sa akin ng secretary ko ng sumakay ako sa kotse ko.
“John talk to them that I want to meet the crew tomorrow. I want to make sure that my money will not be wasted. Tell them to prepare the manuscript and send it to us today before the meeting tomorrow so I can review the plot,” sabi ko sa kanya at pumikit.
“Okay sir,” sagot n’ya at umandar na ang sasakyan.
Kailangan ko pang pumunta sa isang meeting ngayon bago ako bumalik sa opisina at harapin ang board members para sa monthly meeting namin. The finance department will present the finances of the company to the board members and after that I still need to attend a dinner meeting with one of the investor.
“Sir nandito na po tayo,” sabi ng driver kaya umayos na ako at lumabas ng sasakyan para harapin ang ka meeting ko ngayon.
Wala akong ginawa maghapon kung hindi tapusin ang lahat ng meeting ko at pasalamat na lang ako dahil na cancel ang meeting ko ngayong gabi pero may kailangan akong daanan bago ako umuwi.
I need to check on someone.
“I’ll drive,” sabi ko sa driver ko at kinuha ang susi ng kotse ko sa kanya.
Mabilis akong nagmaneho papunta sa destinasyon ko ng makasakay ako sa kotse ko. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko naman ‘to dapat gawin pero kailangan. A mess that can help my friend.
I park my car and get out. I want inside the hospital to check on them. I’m not a cupid or something, I’m also not a saint but seeing them struggling I need to step up.
I arrange everything and leave them silently but someone caught my attention. The woman I saw last time I came here with Axel. She’s not the sister and I guess she’s close to them.
She reminds me of someone and before I lost myself, I left the building already.
Those eyes, innocent but…
Mia POV
Pagod na pagod ako pero kailangan ko pa rin magbantay rito sa ospital dahil wala si Luna. Alam kong hindi ko naman obligasyon ang magkapatid pero pamilya ko na rin sila. Makakapagtrabaho naman ako habang nakabantay ako kay Lance.
Nakakastress lang dahil madami akong kailangan tapusin ngayon. Our head writer told us earlier na kasama kami sa bagong series at ang nakakaloka isa ako sa haharap sa meeting bukas. Okay lang naman pero ung tapusin ang manuscript ngayong araw at ipasa agad, iba na ‘yon pero wala naman akong magagawa.
Puyat is real. Wala na atang laman ang katawan ko kung hindi puro kape dahil kailangan ko ‘to ngayon. Pangalawang kape ko na ‘to simula ng dumating ako dito kanina at mauubos ko na ngayon.
Wala pa ako sa kalahati ng manuscript pero gusto ko ng matulog! Wala na atang epekto sa akin ang kape.
Kung sino talaga ‘tong big boss na ‘to baka maisumpa ko kapag nakita ko. Ang daming demand!
Napatigil ako sa ginagawa ko ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya naman lumingon ako sa may pinto pero wala naman tao saka naiwan ko palang naka bukas ng bahagya ang pinto dahil lumabas ako kanina para manghingi ng mainit na tubig sa labas.
Tumayo ako at isinarado na ang pinto.
“Lance kelan ka kaya makakalabas? Ung ate mo malapit ng tumabi sayo d’yan dahil alang pahinga,” sabi ko kay Lance na para bang masasagot n’ya ako. “Kahirap ng ganito nakakabaliw,” sabi ko sa sarili ko at tinapos na ang ginagawa ko.
KINABUKASAN late na akong nagising dahil puyat ako. Buti na lang ginising ako ni Luna at nagmamadali tuloy ako ngayon.
Nakakainis lang na ang aga ng call time tapos pinuyat kami para mapasa ung manuscript!
The meeting will start at seven o’clock today, six o’clock na pero kailangan ko pang dumaan sa bahay para magpalit ng damit dahil hindi naman ako nakauwi kahapon para kumuha ng damit. Kailangan na kasi ng kasama ni Lance dahil nasa trabaho si Luna.
Goodluck na lang talaga sa akin.
Nang makarating ako sa bahay, mabilis akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Hindi ko na inintindi ang tawag sa akin ng mga kapitbahay namin dahil nagmamadali nga ako. Chismis lang naman ang habol ng mga ‘yan at ang topic si Luna.
Kahit mahal nag taxi na lang ako papunta sa studio kung saan gaganapin ang meeting at kung kelan ka nga naman nagmamadali saka pa ako na traffic.
Napatingin ako sa relo ko at almost seven na. Kailangan ko na atang tanggapin sa sarili ko na late ako at may sermon na naman ako. Ayokong magka-memo!
Takbo’t lakad na ang ginawa ko ng makarating ako sa studio at ng makita ko ang conference room pumasok agad ako.
“Sorry I’m late,” sabi ko sa lahat ng tao sa loob sabay yuko.
“Tsk! There is no room for someone who doesn’t value the time here,” sabi ng isang pamilyar na boses.
Wala sa loob na nag angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang tao na ‘yon pero hindi pa ‘yon ang ikinagulat ko kung hindi ang isang taong hindi ko inaasahan makita dito ngayon.
Bakit ngayon pa?