Muntik ng tumalon ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa nangyari lalo na sa sama ng tingin ng taong nabunggo ko ngayon. Sa dinami-dami ng tao s’ya pa talaga ung makakasalubong ko, hindi naman lingid sa kaalaman ko kung sino ang taong kaharap ko ngayon. He is known for his work and for being one of the richest bachelors in the country. Ang dami ko kasing iniisip dahil sa sinabi ni tita sa akin at ung trabaho ko.
“Sorry,” sabi ko na lang ulit at umiwas na sa kanya.
Hindi naman na s’ya kumibo pa at umalis na, kasama n’ya ang isa sa mga kaibigan n’ya at kung hindi ako nagkakamali ay si Axel Davis ‘yon. Halos parehas lang sila ng ugaling dalawa at laman sila lagi ng balita dahil na rin sa mayaman sila at sa mga negosyo nila. Sila ung mga taong dapat ay iniiwasan sa totoo lang dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin nila kung sakali man na mabangga mo sila o may gawin kang hindi maganda sa kanila lalo na si Caius McClay, ang taong nabangga ko ngayon lang.
Swerte ako dahil kahit paano ay hindi ako nasaktan kahit na muntik ko na s’yang matapunan ng kape na hawak n’ya. Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad pa papasok sa kwarto ni Lance kung saan naabutan ko si Luna na nakadukmo sa tabi ng kapatid n’ya na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Hindi ko na inistorbo si Luna dahil alam kong pagod s’ya at ibinaba ko na lang sa lamesa ang dala kong pagkain para sa aming dalawa. Umupo na lang ako sa couch sa gilid at ipinikit ang mga mata ko para makapag-isip. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ung offer ni tita sa akin na umalis ng bansa, wala naman kasi akong pinagkakagastusan ng malaki. Hindi naman ako katulad ni Luna na kailangan ng malaking pera ngayon dahil sa kapatid n’ya saka sumasapat naman ung sweldo ko sa trabaho ko sa ngayon.
Napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman mabalis ko ‘yong inilabas sa bag ko at sinagot ang tawag.
“Mia, we need you here in the studio,” sabi agad sa akin ng kasamahan ko.
“Bakit may problema ba?” tanong ko sa kanya.
Kakaalis ko lang tapos kailangan ko na naman bumalik ngayon.
“Nawawala ung script na ginawa mo para sa segment mamaya,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
“Teka babalik na ako d’yan,” sabi ko sa kanya at pinutol na ang tawag.
Hindi ko na nagawang magpaalam kay Luna at mabilis na akong lumabas ng kwarto ni Lance. Nagmamadali akong lumabas ng ospital at naghanap ng masasakyan na taxi papunta sa studio ngayon. Sa script na ‘yon nakasalalay ang trabaho ko, kapag nawala ‘yon kailangan kong makagawa agad ng panibago at hindi biro ang gumawa ng panibagong script dahil para sa segment mamaya ‘yon na kailangan ma-approban ng direktor at ng mga producers.
Hindi ko alam kung paanong takbo ang ginawa ko ng makababa ako ng taxi ng makarating kami sa studio para lang mahabol ko ang mga kasamahan ko. Nang makarating ako sa meeting room namin ay hinangal na hingal ako.
“Thank God you’re here Mia,” sabi sa akin ng assistant head writer namin.
“Ano pong nangyari?” tanong ko sa kanya.
“The file is missing, and you need to create a new script again,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
Isang linggo kong pinaghirapan ang script na ‘yon tapos ngayon nawala lang ‘yon ng parang bula.
“May kopya po ako,” sabi ko sa kanila at inilabas ang laptop ko para maipakita.
Nakahing naman ng maluwag ang mga kasamahan ko dahil sa sinabi ko na ‘yon. I always make sure na may mga kopya ako ng mga ginagawa ko dahil hindi kasi naiiwasan na mangyaring nawawala ang mga script lalo na kapag hectic ang schedule ng lahat.
Ibinigay ko sa assistant head writer namin ang kopya ng ginawa kong script at pare-parehas na kaming nakahingang maluwag dahil wala na kaming problema.
“Thanks Mia. Mabuti na lang at may kopya ka dahil pare-parehas tayong mapapagalitan,” sabi n’ya sa akin at alam ko naman ‘yon.
Kanina nga lang ay may warning na naman akong natanggap sa head writer namin at ayoko ng masundan pa ‘yon.
“Aalis na po ako,” sabi ko sa kanila.
“Mayaya ka na umalis Mia dahil kailangan pa natin ayusin ‘to para maipasa na,” sabi nila sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumalil sa upuan ko.
Habang abala kaming lahat sa pag aayos ng mga script ay biglang bumukas ang pinto ng meeting room at saka pumasok do’n ang isa naming kasamahan na hinabahol ang hininga.
“Anong nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya.
“Bad news,” sabi n’ya sa akin.
Napakunot ang noo naming lahat dahil sa sinabi n’ya at sinimulan na akong kabahan. Ano pa bang meron sa araw na ‘to at mukhang puro problema.
“Anong bad news?” tanong namin sa kanya.
“Ung script ng kabilang show halos parehas ng script na ginawa ni Mia at ang malala pa do’n ay approve na ung sa kanila,” sabi n’ya sa amin.
Napayukom naman ako ng kamao ko dahil sa sinabi n’ya na ‘yon. “Sigurado ka bang parehas?” tanong ko sa kanya.
“Oo dahil nakita ko mismo at hindi nga ako makapaniwala,” sabi n’ya sa amin.
“It makes sense kaya nawawala ang file na ‘yon. They snatch it from us,” naiinis na sabi ng assistant writer namin at kahit na ako ay naiinis din.
“I will file a complaint,” sabi ko sa kanila.
Hindi ako tatahimik na lang pagkatapos ng ginawa nila na ‘yon. Pinaghirapan ko kung script na ‘yon tapos nanakawin lang nila at sila ang makikinabang.
“Mia wala tayong ebidensya na ninakaw nga nila ung script saka ano pa bang mapapala natin eh napasa na nila. Kailangan natin ngayon ay gumawa ng panibagong script dahil mawawalan tayo ng ipapasa kung hindi,” sabi nila sa akin.
“Nabasa ko na ung script na ‘yon at ang ganda, it was our chance to be back at the spotlight again because of that script but someone rob it to us,” sabi ng assistant head writer namin.
Gusto kong magwala sa galit sa totoo lang pero hindi ko magawa dahil mas may kailangan akong unahin ngayon. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko, kailangan kong mag focus para magawa ko ang trababo ko.
“Let just make a new one,” walang buhay na sabi ko sa kanila.
Inabot na ako ng gabi sa studio para lang matapos ko ung script at ng matapos ko ‘yon ay ipinasa ko na agad sa assistant head writer namin saka umalis na dahil gusto ko ng magpahinga sa sobrang pagod. Hindi ko alam kung bakit ang malas ko ngayong araw na ‘to at sana lang bukas hindi na dahil baka mabaliw na ako.
Hindi na ako dumiretso sa ospital dahil kailangan ko pang ayusin ang gamit ko sa bahay dahil malapit na kaming mapaalis, isang linggo na lang ang palugit sa amin pero ito ako ngayon wala pang naayos na gamit kahit isa. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kalat na sumalubong sa akin.
Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang bahay na ‘to dahil tuwing umuuwi ako dito dumidiretso agada ko sa kwarto ko para magpahinga. I used to make this house clean as I can even though I’m busy with my work. Nawala na lang lahat ng interest ko sa madaming bagay ng iwan ako ng isang taong pinagkatiwalaan kong hindi ako iiwan.
Kesa dumiretso ako sa kwarto ko ay naglinis na lang ako ng bahay para ayusin ang mga gamit ko dito na kailangan ng itapon. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan dahil sa tao na ‘yon at kasabay ng pag-alis ko dito sa lugar na ‘to kasama na do’n ang alaala n’ya.