Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas pero hindi na pa rin lumalabas ang head writer namin. Gusto ko na talagang umalis pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang mga kasamahan ko dahil paniguradong mapapagalitan sila dahil sa akin at ayoko naman na mangyari iyon kaya kahit gusto ko ng umalis ay nandito pa rin ako at hinihintay na matapos ang meeting ng head writer naming sa kung sino man na investor iyon. Wala naman kasi akong alam na magkakaroon pala ng kami ng bagong show dahil madalas akong wala at ipinapapasa ko lang sa mga kasamahan ko ang natatapos kong script kaya ngayon wala akong ideya sa mga nangyayari sa paligid ko.
Napatayo kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto ng conference room kung saan nandoon ang head writer namin, para kaming mga estudyanteng naghihintay sa guro nila para magpapirma ng clearance sa itsura namin ngayon. Napasandal na lang ako sa pader at napapikit habang hinihintay na lumabas ang head writer namin dahil ang mga lumalabas pa ay ang mga kasama n’ya sa meeting at sa tingin ko ay ang investor na kausap nila sa loob dahil kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga kasamahan ko.
Hindi pa kaya matatapos ito dahil nagmamadali na talaga ako at kailangan ko ng umalis, madami pa akong gagawin saka kailangan ko pa rin makipagkita kay Fhey ngayon dahil may sasabihin s’ya sa akin pero mukhang hindi na mangyayari iyon dahil kapos na ako sa oras. Napadilat na lang ako ng kinalabit ako ng isa sa kamahan ko kaya umayos ako ng tayo.
“Tara na sa loob,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako sa kanya at sinundan s’yang pumasok sa loob ng conference room.
“Long time no see Mia,” sabi sa akin ng head writer namin kaya naman napayuko na lang ako.
“Hi ma’am Jane,” bati ko sa head writer namin at tumabi sa mga kasamahan ko.
“Put all your script on the table then leave,” sabi n’ya sa amin kaya iyon ang ginawa naming lahat pero bago pa man ako makaalis ay pinigilan na n’ya ako. “Mia, you can’t leave yet,” sabi n’ya sa akin kaya napahinto ako.
Akala ko ba naman ay makakaalis na ako peor hindi pala, bigla tuloy akong kinabahan sa tono ng boses ng head writer namin. Alanganin na ngumiti na lang ako sa mga kasamahan ko ng makalabas na sila at ngayon kami na lang ni Ma’am Jane ang naiwan dito sa loob ng conference room.
“Mia you are a good writer pero masyado kang nawawala sa focus mo at madalas ka pang wala dito sa studio kung saan dapat ay kailangan ka dahil isa ka sa utak ng show pero palagi kang umaalis o di kaya ay hindi sumisipot sa shooting!” sermon n’ya sa akin at bahagya ng tumaas ang kanyang boses.
“Pasensya na po ma’am, may mga inaasikaso lang po kasi ako kaya palagi akong wala” sabi ko sa kanya at napayuko na lang.
Napabuntong-hininga na lang s’ya saka umiling, “You need to be here next week for the closing of the segment at sa araw rin na ‘yon ko sasabihin kung sino ang susunod na magiging assistant head writer sa bagong palabas na gagawin natin tulad ng napag-usapan kanina sa meeting namin.” Sabi n’ya sa akin kaya napatango ako.
“Okay po ma’am,” sagot ko sa kanya.
“Kapag hindi ka pumasok ng araw na ‘yon magrereport na ako as HR and this will be my last warning for you Mia. Ayokong mawala ka dito dahil isa ka sa magaling na writer pero kung palaging ganyan ang ipinapakita mo ay wala na akong magagawa kung hindi isumbong ka,” sabi n’ya sa akin.
“Naiitindihan ko po ma’am,” sabi ko sa kanya.
“Okay, you may leave” sabi n’ya sa akin kaya lumabas na akong ng conference room.
Napabuntong-hininga na lang ako at umalis, wala naman na kasi akong gagawin dito at kailangan ko pang pumunta ng ospital ngayon. Nang makalabas na ako ng studio, pumara agad ako ng taxi at sumakay na ng makaalis na ako. Sinabi ko na lang kay manong kung saang ospital ako pupunta at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Madami akong trabaho na hindi nagagawa dahil sa sunod-sunod na problemang dumadating sa buhay namin ni Luna, ayoko naman na ma-stress pa s’ya lalo kapag sinabi ko sa kanya ang problema ko. Naawa na ako sa kaibigan ko na ‘yon dahil sa hinaharap n’yang problema ngayon kaya hindi ako makadaing sa kanya tapos mapaalis pa kami sa tinitirhan naming bahay ngayon.
Kailangan kong ayusin ang trabaho ko dahil alam kong hindi nagbibiro ang head writer namin sa mga sinabi n’ya. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho sa totoo lang dahil kailangan ko ng pera, hindi na rin kasi sumasapat ang pera ko ngayon lalo na at nagpapadala pa ako kay lola sa probinsya.
Napamulat ako ng mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko at muli akong napabuntong-hininga ng makitang si tita ang tumatawag sa akin kaya mabilis kong sinagot ang tawag n’ya.
“Tita bakit po?” tanong ko sa kanya. “Mia nakausap ko kasi ang tyang Lucy mo,” sabi n’ya sa akin at alam ko na kung saan mapupunta ang usapan na ‘to.
“Pasensya na po tita pero hindi ko pa po kayang umalis sa ngayon,” sabi ko sa kanya.
Ang gusto kasi nila ay sumunod ako kay Tyang Lucy sa America para doon na magtrabaho, maganda rin ang offer sa akin ‘don pero wala akong lakas ng loob na umalis ng bansa dahil mas gusto ko dito. Nakakaya ko naman lahat ng hirap dito at mas gusto kong malapit lang ako kay lola kahit na pa nasa probinsya s’ya at nasa Maynila ako.
“Pag-isipan mong mabuti Mia dahil sayang naman, ayaw namin na malayo ka sa amin pero para naman ito sa ikakabuti mor in,” sabi n’ya sa akin.
“Alam ko naman po ‘yon tita pero pag-iisipan ko pa po,” sabi ko na lang sa kanya. “Sige, tatawagan na lang kita ulit” sabi n’ya sa akin at ibinaba na ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na ng taxi ng makarating ako sa ospital. Ung isip ko ngayon lumilipad dahil sa sinabi ng tita ko sa akin. Ilang buwan na rin kasi nila akong kinakausap tungkol sa offer na ‘yon pero hindi ko alam kung tatanggapin ko ba talaga o hindi. Nahihirapan kasi akong magdesisyon sa totoo lang at kahit si lola kasi ay gusto na sumunod na ako sa tita ko para raw hindi ako nahihirapan dito, doon daw kasi may magandang kinabukan ang nag-iintay para sa akin.
“Watch where you are going,” masungit na sabi sa akin ng lalaking nabangga ko dahil sa kalutangan ko.
“Sorry,” sabi ko sa kanya at tiningnan s’ya.
Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang taong kaharap ko ngayon at parang gusto ko na lang kainin ako ng lupa dahil sa nangyari.
Ano ka ba naman Mia Louise, sa dinami-dami ng tao bakit siya pa?