Kabanata Two - Mia POV

1139 Words
Ang hirap ng buhay ngayon sa totoo lang, hindi madaling kumita ng pera lalo na kapag sunod-sunod ang problema mo. Simula ng mawala ang mga magulang ko hindi na naubos ang problema sa buhay ko at ganon na rin sa mga taong importante sa akin. Naawa na rin ako sa kaibigan ko pero wala naman akong magawa para maitulong sa kanya dahil kahit ako rin ay nagkakaroon ng problema sa pera kaya ang maitutulong ko lang sa kanya ngayon ay ang tulungan s’yang bantayan si Lance ngayon dito sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi nagigising si Lance kahit na na-operahan na s’ya, sabi naman ng doktor na kailangan naming maghintay at magigising din si Lance pero ramdam ko kay Luna ang hirap n’ya. Nakuha pa n’yang lumapit kay mamang para maoperahan si Lance at hindi ako tanga saka bingi para hindi malaman ang sinasabi ngayon ng mga kapitbahay namin tungkol sa kanya, alam kong hindi naman na kami magtatagal sa lugar na ‘to dahil mapapaalis na kami pero masakit pa rin para sa akin bilang kaibigan n’ya ang sinasabi nila tungkol kay Luna. “Mia kamusta na si Lance?” tanong sa aking ng isang kapitbahay namin. “Okay naman po si Lance, naoperehan na” sabi ko sa kanila. “Mia kung ako sayo lalayo ako kay Luna dahil baka magaya ka sa kanya, alam mo naman na pumapasok na s’ya kay mamang ngayon” sabi sa akin ng bruhang babae na ‘to. “Hindi ganong klaseng tao si Luna,” sabi ko sa kanya “Mauna na po ako dahil may trabaho pa ako” sabi ko sa kanila at nilayasan na sila. Wala akong oras para makipagbidahan sa kanila lalo na at ang kikitid ng mga utak nila. Alam ko naman na hindi ginusto ni Luna na lumapit kay mamang pero wala na lang s’yang choice dahil maaring mamatay si Lance kung hindi ito maooperahan agad. Masakit mawalan ng minamahal sa buhay, naranasan ko na ‘yon ng mamatay ang mga magulang ko. Kinse-anyos pa lang ako ng mamatay sila at para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng mangyari ‘yon, naiwan akong mag isa sa pangangalaga ng lola ka at hindi naging madali ang buhay naming dalawa. Naranasan kong magtinda ng mga basahan at sampaguita sa may simbahan para lang may pambaon ako kapag pumapasok ako sa eskwelahan. Hirap na hirap kami ni lola at hindi naman kami makaalis ng Maynila dahil wala kaming pera saka nag aaral ako at mahihirapan din kami kung uuwi kami sa probinsya dahil makikitira lang kami sa mga tyahin ko. Mabuti nga ay nandyan ang pamilya nina Luna dahil tinulungan nila kami pero hindi rin nagtagal ay nagkaroon sila ng problema sa pagkakasakit ng tatay n’ya. Simula ng mangyari lahat ng problema sa buhay namin ni Luna ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya at guminhawa ang buhay dahil sumunod din nawala ang mga magulang n’ya kaya nagdadamayan kaming dalawa hanggang sa tuluyan na nga s’yang natigil sa pag-aaral. Gusto ko rin na huminto pero hindi pumayag si lola at pinilit n’ya talagang makapagtapos ako ng pag-aaral ko dahil iyon ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin, hindi ko naman binigo si lola at ang mga magulang ko sa pangarap naming. Nakapag-tapos ako ng pag-aaral pero kahit na nakatapos ako ay nahihirapan pa rin akong maghanap ng trabaho. Mabuti nga ngayon ay may nahanap akong trabaho kahit hindi ganon kalaki ang sweldo ay pwede na. Nang makahanap ako ng trabaho ay nagdesisyon naman si lola na umuwi na sa probinsya at tumira kasama ng tyahin ko, gustohin ko man na pigilan s’ya pero hindi ko naman kayang bantayan na si lola dahil sa trabaho ko at saka gusto na rin ni tita na nasa kanya si lola para mabantayan, hindi ko naman pinapabayaan si lola at nagpapadala ako ng pera sa kanila para may pambili sila ng gamot kahit na ayaw ni tita na tanggapin ang pera ko dahil gusto n’ya ay makapag-ipon ako para sa sarili ko. Hindi ko naman kayang pabayaan si lola saka nakakasurvive naman ako dito kaya okay lang. Nang makarating ako sa pinagtatrabahunan kong entertainment agency kung saan isa akong writer, hinanap ko agad ang mga kasamahan ko dahil may ipapasa kaming script ngayon para sa susunod na segment kaya medyo nagmamadali ako. Hindi madali ang trabaho ko dahil madami akong kailangang gawin at kapag nagkaroon pa ng problema ako ang madalas masisi dahil bago pa lang ako. Mahirap ang trabaho ko na ‘to pero kailangan kong kayanin dahil para ‘to sa pamilya ko. “Mia mabuti naman ay nakaabot ka,” sabi sa akin ng isang kasamahan ko. “Nakapagpasa na ba kayo?” tanong ko sa kanila. “Hindi pa dahil hinihintay ka namin saka maaga pa naman at saka wala pa ung head writer natin dahil may kausap pa raw silang investor para sa susunod na project,” sabi n’ya sa akin. “Matagal pa ba ‘yon?” tanong ko sa kanya. Kailangan ko kasing pumunta ng ospital ngayon para bantayan si Lance dahil madaming kailangan gawin si Luna ngayon para sa trabaho n’ya. Magpapasa lang naman ako ngayon ng script at libre na ang oras ko kaya lang mukhang magtatagal pa ata ako dito dahil wala pa ang head writer namin. “Hindi ko alam pero mukhang malaking project kasi ang pinag-uusapan nila dahil ang balita namin ay bigatin daw ang investor na kausap ngayon sa loob,” sabi n’ya pa sa akin. Wala naman akong pakielam kung sino ang investor na ‘yon dahil wala naman akong kinalaman sa pinag-uusapan nila, kailangan ko lang talagang ma-ipasa ‘tong script na ‘to para sa next segment ng palabas namin. “Ikaw na lang kaya magpasa ng script ko pwede ba?” tanong ko sa kanya. “Uy Mia mapapagalitan ka ni Ma’am kung aalis ka, kabilin-bilinan n’ya na kailangan ay kompleto tayo kapag nagpasa ng script ngayon kaya maghintay ka na lang muna d’yan,” sabi n’ya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi naupo na lang sa upuan sa gilid. Wala naman kasi akong choice kung hindi maghintay dito dahil tama naman ang sinabi ng kasamahan ko na mapapagalitan nga ako ni ma’am kung aalis ako ngayon pero ang iniisip ko kasi ay walang nagbabantay kay Lance, iyon na nga lang pagbabantay sa kanya ang maitutulong ko kay Luna dahil hindi naman ako makapagbigay ng pera sa kanya dahil naipadala ko kay lola ang pera ko. Alam kong hindi ko naman dapat problemahin ang problema ng kaibigan ko pero pamilya na ang turing ko sa kanila at noong walang wala kami ni lola sila ang tumulong sa amin kaya hindi ko papabayaan ang kaibigan ko. Si Luna na lang ang pamilya ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD