Kabanata One - Caius POV

1053 Words
Walang perpektong buhay, lahat tayo dumadaan sa mga pagsubok. Hindi ako perpektong tao dahil nagkakamali rin ako tulad ng iba pero ang tingin ng lahat sa akin ay perpekto. I may be rich and smart, but I also have flaws. Life is not simple as everyone think it is, it is a gamble to survive from the cruelty of the world. It is hard to live when your below and when your above because people tend to be greedy and always want to be on top of everything, but they didn’t know that being on top is the hardest part because you will lose a lot of important things in the way. Being on the top is about sacrificing your own life and losing a lot of things in return. “Caius wag ka naman tumulala d’yan,” sabi ni Grant sa akin kaya nilingon ko s’ya. Nandito kami ngayon sa bar ni Karter dahil nagyaya silang uminom para magsaya at pati ako ay dinadamay nila sa kalokohan nila. Sa totoo lang wala dapat ako rito ngayon dahil madami akong ginagawang trabaho pero dahil hindi nila mapilit si Axel na sumama sa kanila kaya ako ang binulabog nilang dalawa sa opisina ko at hinila dito. Isa pa si Axel sa bumubulabog din sa akin dahil sa problema n’ya, akala ata ng mga kaibigan ko ay wala akong sariling problema na inaasikaso para ako ang humarap sa problema nila. “Wala ka na naman sa sarili mo Caius,” sabi ni Grant sa akin at inabutan ako ng alak. “Nandito ako dahil pinilit n’yo lang akong samahan kayo sa kalokohan n’yo ngayong gabi. Madami pa akong kailangang asikasuhin sa kompanya,” sabi ko sa kanila at tumayo sa inuupuan ko pero pinigilan ako ni Karter. “Wag kang killjoy Caius, si Axel nga hindi na sumama tapos lalayasan mo pa kami kung kelan nasa kalagitnaan tayo ng kasiyahan,” sabi n’ya sa’kin. Napailing ako sa sinabi ni Karter sa akin, “kaya hindi sumama si Axel kasi magulo na isip no’n ngayon,” sabi ko sa kanila ni Grant. “Ikaw ba hindi rin magulo ang isip mo ngayon?” tanong sa akin ni Grant saka ngumiti ng nakakaloko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inasal n’ya na ‘yon at napailing. Kilala ko silang lahat at alam ko kapag may alam sila tulad na lang ngayon sa inaasal nila. “Just fucking shut up!” mariing sabi ko sa kanila. “Wag puro trabaho Caius, hindi maganda sa buhay ang puro trabaho dahil baka masiraan ka ng ulo sa ginagawa mong ‘yan sa sarili mo,” sabi naman ni Grant sa’kin. Tinapik naman ni Karter ang balikat ko kaya nilingon ko s’ya, “hindi maganda sa kalusugan ang puro trabaho,” sabi n’ya sa akin. “Hindi rin maganda sa kalusugan ‘yang pagsusunog n’yo ng baga,” sabi ko sa kanilang dalawa. Tahimik talaga ang buhay ko kung malayo ako sa mga kaibigan ko pero sa tuwing nawawala naman ako mas sumasakit lang ang ulo ko dahil kapag binalikan ko sila puro sakit ng ulo ang sinasalubong nila sa’kin pagdating ko. Ako ang nagiging taga-linis nila ng mga kalat na sila mismo ang may gawa. “Umupo ka na ulit at sagot ka naming dalawa, mag e-enjoy ka promise” sabi ni Grant sa’kin at inabutan ako ng alak. Kinuha ko ‘yon sa kanya at ininom, inubos ko lang ang binigay nila sa akin at ng mapansin ko na nasa iba ang atensyon nila, iniwan ko na sila do’n para bumaba sa may bar counter. “Hard drink,” sabi ko sa bartender at ngumiti naman s’ya sa akin ng makita ako. “Bakit nilayasan n’yo sina sir Karter?” tanong n’ya sa akin at ibinigay ang hinihingi ko. “Wala akong mapapala sa amo mo,” sabi ko sa kanya at inubos ang alak na ibinigay n’ya sa akin saka pumasok sa loob ng bar counter para makielam sa ginagawa n’ya. “Dating gawi sir?” tanong n’ya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Nagsimula na akong mag mix ng mga alak para sa mga tao dito dahil ito ang naging libangan ko kapag wala ng pakielam sa akin ang mga kaibigan ko at nakuha na nila ang gusto nila sa akin kaya ngayon ay nakikipaglaro na sila sa mga babaeng kusang lumalapit sa kanila. Hindi kasi ako ang klase ng taong papasok sa isang laro na hindi ako ang mananalo sa huli. Hindi ako tanga para makipaglaro sa isang taong wala naman akong makukuhang kapalit, ayoko ng ganon. Ayokong tumulad “Hi handsome,” tawag sa’kin ng babeng umupo sa tapat ko pero hindi ko s’ya pinansin. Tulad nga ng sinabi ko wala akong balak na makipaglaro ngayon. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at inabot sa kanya ang alak na ginawa ko habang hindi s’ya tinitingnan. “Your rude,” sabi nito sa akin saka umalis. Natawa naman ako dahil sa sinabi n’ya, wala akong pakielam kung ganon ako sa paningin niya dahil lahat naman halos ng tao ‘yon ang tingin sa’kin. “Sir hindi ka pa rin talaga nagbabago,” sabi sa’kin ng tauhan ni Karter. “Hindi naman kasi ako katulad ng amo mo,” sabi ko sa kanya at tumawa s’ya. Tinapos ko lang ang ginagawa ko at umalis na ako sa bar counter, madami pa akong trabahong gagawin at wala akong oras para sayangin dito ngayon. Bahala na ung dalawa na ‘yon sa buhay nila at paniguradong nagsasaya na ‘yon sa taas ngayon kasama ang mga babae nila. Lumabas na ako ng bar at sumakay sa kotse ko para umuwi na. Madami pa akong trabahong kailangang tapusin na hindi ko pwedeng ipagpaliban na naudlot na nga dahil kay Grant at Karter. Mainam na rin na wala si Axel ngayon dahil isa pa ‘yon na madaming demand sa buhay. Magulo buhay ‘non ngayon kaya pati kami dinadamay sa gulo ng buhay n’ya. Kaya ayokong pumasok sa isang relasyon dahil magulo lang ‘yon at sakit sa ulo. Masaya na ako sa buhay ko ngayon na walang problema tungkol sa bagay na ‘yon. Ayokong tumulad sa kaibigan ko na malapit ng mabaliw dahil sa pag-ibig na sa huli ay masasaktan ka lang at mahihirapan sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD