Part 19: Bagong Mundo Part 1

2660 Words
Ace AiTenshi Feb 14, 2017   Part 19: Bagong Mundo Part 1   Noong imulat ko ang aking mga mata, natagpuan ko ang aking sarili sa isang maaliwalas na silid. Kulay puti ang buong paligid. Walang makikitang kahit na anong bagay sa loob nito maliban sa kurtinang puti rin na nililipad ng ihip ng hangin na nag mumula kung saan. Napaka tahimik din ng buong lugar, kahit yata ang pag bagsak ng karayom sa sahig ay maririnig dahil sa nakaka binging katahimikan na naka balot sa buong paligid.   Tila naman napako lang ang aking paa sa kinatatayuan. Hindi ko lubos maisip kung paano ako napunta sa lugar na ito kung gayong kasama ko lamang sina papa at kuya kanina doon sa basement ng aming bahay. Palibot libot ang aking mata kung saan ngunit wala talaga akong matanaw maliban sa kulay puting paligid.   Tahimik..   Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon ng makarinig ako ng boses na nag mumula kung saan. "Raven.." boses ng isang lalaki.   "Raven.."   "Sino ka? Hindi ako si Raven! Itigil mo na iyan!" ang sagot ko naman sabay takip sa aking tenga.   "Raven.. Halika dito.. Lumakad ka patungo sa akin.." ang wika pa niya.   "Hindi kita kilala, sino ka? Paki usap sabihin mo sa akin kung nasaan ako." ang tugon ko na may halong takot at pag aalala.   "Puntahan mo ako at malalaman mo ang sagot. Halika rito, nais kitang makita." sagot niya ulit.   "Sabi sa akin ni kuya Sam ay huwag ako nag titiwala sa mga taong hindi ko kilala." ang tugon ko. "Kilala mo ako Raven.. Halika.. Lapitan mo ako." ang malambing na wika nito.   "Nasaan ba ako? Bakit ako napadpad rito?" tanong ko.   "Ito ang aking mundo Raven. Halika rito.. Gusto mong malaman kung saan ka nag mula hindi ba? Lumapit ka sa akin at ipapakita ko sa iyo kung paano nag simula ang lahat.   "Nasaan ka?" ang tanong ko naman at doon ay inihanda ko ang aking sarili na puntahan siya.   "Nandito ako sa likod mo Raven." ang sagot niya dahilan para agad ako mapalingon sa aking likuran.   Dito ay nakita ko ang isang lalaking naka suot ng puting sweater at pajama, matangkad ito halos kapareho ni kuya Samuel. Ang kanyang mata ay kulay abo at singkit na bilugan, ang buhok ay itim na may kahabaan. Maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Ang lalaki ay ito ay nakita ko na sa aking panaginip. Kung hindi ako nag kakamali ay siya nga ang taong iyon.   Lumapi siya sa aking kinatatayuan kaya't bahagya akong napaatras. "S-sino ka? Hindi kita kilala." ang takot reaksyon.   "Makilala mo rin ako Raven.. Huwag kang matakot sa akin dahil hindi kita sasaktan. Ang nakikita mo ngayon ay isa na lamang recording ng aking ala-ala, isang hologram na ginawa ko maraming taon na ang nakalipas. Ang memory chip na kinuha ng iyong katawan ay nag lalaman ng aking mga ala-ala kaya't iyon ang nag dala sa iyo dito sa mundong ito." ang paliwanag niya   "Bakit mo ako dinala dito? Anong kailangan mo sa akin?" ang tanong ko ulit.   "Ako ang kasagutan sa iyong katanungan. Kung gusto mong malaman kung sino ako at kung saan ka nag mula ay madali kong magagawa iyon." ang sagot niya.   "Paano? Ano ang maaari kong gawin?"   "Hawakan mo ang aking kamay Raven. Halika." ang tugon niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.   Noong mga sandaling iyon ay tila nag dadalawang isip ako, nais kong malaman ang lahat ngunit natatakot naman ako sa mga bagay iyon, pilit kong itinatanong sa aking sarili kung handa na nga ba akong balikan ang aking pinag mulan. "Bahala na.." ang bulong ko sa aking sarili sabay abot sa kanyang kamay.   Ngumiti ito at doon ay unti unting nabura ang kanyang katawan at kasabay noon ang pag babago ng anyo ng paligid. Nawala ang sahig na aking tinatapakan at naging malaking butas ito na animo lagusang napapaligiran ng berdeng liwanag. Ang aking paligid ay punong punong mga binary codes na nag liliparan. Hindi ko ito nauunawaan ngunit batid kong nahuhulog ako pabagsak kung saan.   Habang nasa ganoong pag bagsak ako ay tila may mga imaheng nag fflash sa aking isipan katulad ng pag tayo ko sa isang mataas na lugar kung saan may bumabagsak na malaking bagay sa kalangitan. Kulay pula ang kalangitan at ang lahat nag sisimulang masira. Ang balik rin sa aking isipan ang imahe ng isang lalaki naka tabi sa akin sa higaan habang ako naman ay masayang nakayakap sa kanya.   Patuloy ako sa pag bulusok pa baba sa naturang lagusan hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang maliwalas silid. Sa aking harapan ay mayroon isang malaking kama na kulay puti, dito ay may naka higang batang lalaki, nakadapa at may suklob ng unan sa ulo.   "Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili habang nililinga ang buong paligid.   "Raven, nandito ka ngayon sa planetang Earth, taong 2269. Ngayon ay mamasagot na ang katanungang bumabalot sa iyong isipan. Sana ay maunawaan mo ang misyon mo sa buhay. Ang lahat ng makikita mo ay ang ala-ala kong iniligay ko sa memorychip na nasa iyong dibdib. Lagi mong tatandaan na nandito lamang ako para sa iyo Raven.." ang boses na nag mumula kung saan.   Nawala ang tinig..   Nasa ganoong pag iisip ako noong biglang bumukas ang pinto ng naturang silid at dito ay pumasok ang lalaking kausap ko kanina lamang. Naka suot ito ng sando at maiksing short. Nag tungo siya sa kama at hinila ang batang naka higa rito. "Kuyaaa naman eh. Inaantok pa ako!" ang reklamo ng bata sabay balikwas ng bangon at hinampas ng unan ang mukha ng lalaking gumising sa kanya.   Dito ay umakyat ang kakaibang kilabot sa aking katawan noong makitang ang batang lalaking nakahiga kanina sa kama ay walang iba kundi ako. Kung gayon ang lalaking ito ay ang kapatid ko? Hindi ako sigurado.. Ipinag patuloy ko na lamang ang panonood sa kanila.   Narito ang mga eksenang nasaksihan ko, malinaw ang mga ito at talagang makatotohanan. Tatawagin ko ang aking sarili bilang si Raven ayon na  rin sa  pag tawag ng kanyang nakatatandang kapatid.   "Tol, tanghali na. Late kana sa school. Tiyak na magagalit nanaman sa iyo ang prof mo. Bangon na dyan." ang wika ng nakatatandang kapatid.   "Kuya Pier tinatamad akong pumasok, mag padala ka nalang ng email doon sa school, sabihin mong may sakit ako, please.." ang sagot ni Raven.   "Hindi pwede tol, huwag ka ngang tamad. Halika na maligo na tayo." ang pangungunit nito sabay lundag sa tabi ng kapatid. Pinatungan niya ito at saka kinaliti hanggang sa mapuno ng tawanan ang buong silid.   Kitang kita ko rin ang pag lalambingan nilang dalawa. Halos kapareho lang din namin ni Kuya Samuel kapag mag kasama kami sa silid. Mag kayakap, nag kakaladyaan at paminsan minsan ay nag bibigay ng halik sa pisngi at labi ng isa't isa.  Si Kuya Pier, siya pala ang kapatid ko bago ako mapadpad sa buhay nina kuya Samuel. Pareho lamang din sila ni kuya Sam na makulit, malambing at gwapo. Ang kanilang mga ngiti ay nakapang hihina ng tuhod, ang kanilang mga labi ay animo mapulang balat ng mansana na masarap hagkan.   Nag patuloy ang pag papakita sa akin ng memorya ni Kuya Pier. Pabago bago ang scene ng bawat eksena na animo pelikula. Ipinakita sa akin ang buhay ko noon bilang isang estudyante, tamad mag aral, puro laro at barkada ang inaatupag. Si kuya Pier naman ay isang achiever, sobrang talino niya katulad ng aking tunay na ama na ginugugol ang oras sa pag reresearch at sa pag tuklas ng mga bagong kaalaman ukol sa teknolohiya. Dito ko napag tanto na hindi rin pala nag kakalayo ang buhay ko noon at ngayon dahil parehong umiikot sa agham ang mga bagay at taong nakapaligid sa akin. Mas high tech nga lang ang kagamitan nina kuya Pier dahil advance sila ng halos 210 years kesa kina kuya Sam.   Ang paligid sa aking nakaraang buhay ay sobrang high tech na  rin. Wala nang sasakyang de gulong dahil ang lahat ay lumilipad na. Ang mga gusali ay nag tataasan at ang sasakyang pang himpapawid ay hindi na eroplano o jet. Ang mga lumilipad na ay mga saucer at mga kahon na animo sasakyan ng alien na napapanood ko sa telebisyon sa panahon nina kuya Samuel. Ito ang mundo sa taong 2269, ang lahat ng bagay ay hindi na pinapatakbo ng gasolina kundi ng mga kuryente na nag mumula sa mamalaking tower sa paligid.   Minsan ay nakabasa ako ng isang theory ng isang scientist noong sina unang panahon. Nikola Tesla at ang kanyang vision ukol sa advance technology. Ang pag gamit ng kuryente para makagawa ng sasakyang lumilipad at naiibang sibilisasyon ayon na  rin sa modelo at desenyo na kanyang nais ay kaparehong kapareho ng nakikita ko ngayon. Ang utak ng tao ay malayo na ang narating sa panahong ito, hindi katulad sa taon namin nina kuya Samuel na 2060's ang pag gawa lamang ng robot ang patunay na malayo na ang aming narating, ngunit napag tanto ko na wala lang pala ang mga iyon kumpara dito sa panahon namin ni Kuya Pier.   (Author's note: Ang panahon nina kuya Samuel ay 2060's. At ang panahon naman ng dating buhay ni Ace/Raven at ni Kuya Pier ay 2260's mas advance sila ng 200 years. Ang ibig sabihin ay galing si Ace sa future.)   Muling nag bago ang sernayong ipinakita sa akin ng ala-ala ni kuya Pier. Ngayon ay natagpuan ko ang aking sarili sa sala ng bahay, si Raven ay naka upo sa sofa habang pinanood ang kanyang kapatid na si Pier sa pag aayos ng kanyang tuxedo. Ang eksenang ito ay nakita ko na dati pa habang nag aayos kami ni kuya Samuel ng sarili para umattend sa anibersaryo ng Nation Police.   Flash Back   "Binasa mo bang mabuti yung sasabihin mo bilang pasasalamat?" ang tanong ni kuya habang abala ito sa  pag aayos ng kanyang itim na tuxedo. Fitted ito sa kanyang katawan kaya't talaga namang nag uumapaw ang kanyang kagwapuhang taglay. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa kanya habang naka harap sa salamin at inaayos ang kanyang bow tie.   Ewan, ngunit sadyang makarisma lang talaga itong si kuya Sam, ang kanyang titig at ngiti ay nakaka pang hina ng tuhod.   Tahimik..   Patuloy ako sa panonood sa kanyang ginawang pag aayos sa kanyang sarili..   Maya maya tila nag bago ang anyo ng aking paligid. Ang kulay dilaw na dingding ng aming bahay ay naging purong puti, ang sofang inuupuan ko ay nag iba rin ang anyo. At laking gulat ko rin ng makitang may ibang lalaking nag aayos tuxedo sa harap ng salamin. Hindi ito si kuya Sam bagamat pareho sila ng tinding.   Hindi ko malaman kung paano nangyari iyon, bakit biglang nag bago ang aking paligid. Hindi ko rin kilala ang lalaking iyon na nakatayo sa aking harapan at naka ngiti habang suot ang tuxedo na pakat na pakat rin sa kanyang katawan. Ang kanyang mukha ay maamo, mapula ang labi, matangos ang ilong, singit na bilugan ang mga mata at halos nasa 6ft rin ang taas. Ngumiti ito sa akin at noong aabutin na niya ako ay biglang nag balik sa normal ang paligid.   Tahimik ulit..   Tila panandalian akong nawala sa ulirat..   "Eeyy, itaas mo yung paa mo, paano kita masusuotan ng sapatos? Bakit ba naka tulala ka dyan? Ayos ka lang ba?" ang wika ni Kuya Sam habang naka luhod sa aking harapan.   "Ah e, sorry kuya. May naalala lang ako." palusot ko nalang sabay bitiw ng matamis na ngiti bagamat pilit kong iniisip ang nakita kong iyon kanina.   "Tol, mag sapatos kana, baka malate tayo sa event. Opening ngayon ng kompanya ni papa kaya't bawal tayong mahuli." ang wika ni kuya Pier  sabay luhod sa harap ni Raven at sinuotan ito ng sapatos. Inayos rin niya ang suot ng kapatid at mabilis na hinila ito sa loob ng sasakyang lumilipad.   End of flashback (Scene from Part 12: Karibal)   Ang kompanya ng aking tunay na ama sa panahong iyon ay mga produkto rin ng teknolohiya, ang kaibahan nga lang ay mga high tech na armas at sasakyang pang kalawakan ang kanilang nilulunsad. Ang pangalan ng kompanyang iyon ay ACE na sa tagalog ay Alas. Ang organisasyon daw na iyon ay ang alas ng mundo upang mas lalo pang umunlad at malayo ang marating.   Host: Please Welcome the father of Ace Corporation. Dr. Warden Felicer Consunji"   Palakpakan ang lahat..   "Thank you. First of all i would like to acknowledge the presence of my two sons Pier and Raven Consunji.   Ace corporation is the leading and the pioneer team in terms of technological field . I think technology is an amalgam of means and ends but it exists because humans create and use it. It is both the machines and systems embedded within those machines often in minute forms in the form of micro-processors, which can be operated by individuals who don’t know how the machine or the technology works. Sa ngayon we are the largest name when it comes in developing machineries and weapons. Malayo na rin ang narating ng ating teknolohiya, sa ngayon ay nakapag lunsad tayo ng dekalidad ng sasakyang pang kalawakan na ginagamit ng ating mga sandatahang lakas upang sakupin ang ibang planeta sa malayong kalawakan.   Kung noong unang panahon ayon sa kasaysayan, bansa lamang ang sinasakop ng kapwa bansa ngayong makabagong panahon nararapat lamang na ang sakupin nating mga tao ay ang mas malalaking teritoryo sa kalawakan. Maraming planeta sa labas solor system, mga mahihina at hindi sibilisado iyon ang unang target ng ating mundo. Gamit ang makabagong sasakyang pangkalawakan at mga armas na ito, maaari tayong maging malakas at makapangyarihan!" ang wika ng aking tunay na ama na punong puno ng katapangan at pang hihikayat   Palakpakan ang mga tao..   Ako naman sa aking sarili ay nawalan ng kibo. Hindi ako makapaniwala na sa panahong ito ay ang tao na mismo at ang planetang Earth ang sumasakop sa ibang mundo. Mukhang malayo na nga talaga ang narating ng isip ng tao sa loob dalawang daang taon. Ang kanilang kaalaman ay mas lalo pang yumabong at naging mas makapangyarihan, yung tipong walang makapapantay at walang imposible basta kanilang naisin. Mukhang tama nga ang mga nababasa ko sa mga libro, na ang tao ang pinaka mabangis na nilalang sa buong kalawakan kapag sila ay natutong gamitin ang natatanging kaalaman sa pag likha ng mga bagay na kapaki-pakinabang.   "Astig diba tol? Sa pinag sama samang pwersa ng malalakas na bansa ay tiyak na makakalikha tayo ng panibagong planetang ating matitirhan lalo't parami na ng parami ang populasyon dito sa mundo. Kaya't patuloy sina papa sa pag develop ng mga sandata at sasakyang pandigma na magagamit natin sa pakikipag sapalaran sa labas ng kalawakan. Katulad na lamang ng mga flying saucer na iyan sa monitor, mataas ang pasilidad niyan kaya't imposibleng mabuwag." ang paliwanag ni kuya Pier.   "Masaya naman tayo dito sa  mundo natin, bakit kailangan pa ng iba?" tanong ni Raven.   "Dahil nais ng ating gobyerno na maging mas makapangyarihan, at isa pa ay pangarap ni papa ang ganitong bagay kaya't suportahan nalang natin siya." ang wika ni kuya Pier sabay lingkis ng kamay sa bewang ng kapatid.   Ito pala ang buhay na kinagisnan ko, ang buhay sa makabagong panahon kung saan ang planetang Earth ang isa sa pinaka maunlad na planeta at kung saan din ang tao ang pinaka makapangyarihan nilalang sa buong kalawakan. Mukhang inaani na nga nila ang kaalaman at talinong matagal nang ipinunla ng kanilang mga sinaunang ninuno mula sa kaalaman sa pag gamit bato, apoy, metal at makabagong kagamitan.   itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD