Ace
AiTenshi
Feb 14, 2017
Happy Hearts Day!
Part 20: Bagong Mundo Part 2
Nag patuloy ang pag papakita sa akin ng mga ala-alang iniwan ni Kuya Pier gamit ang memorychip na hinigop ng aking dibdib. Ang mga memoryang ito ay ang aking nakaraan sa mundo ng hinaharap. Medyo magulo kung iyong iisipin ngunit malinaw namang lumalabas na ako ay galing sa hinaharap na panahon, isang daang taong advance sa panahon ni kuya Samuel kung saan ako naninirahan ngayon. Kung paano nangyari iyon ay hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay mabibigyang kasagutan rin ang lahat pag dating ng takdang oras.
"Ang ganda ng langit kuya. Sana ay ganito nalang parati." ang wika ng aking sarili (ni Raven) habang naka higa sa bilugang braso ni Kuya Pier. Mag katabi silang naka higa sa berdeng damuhan habang kapwa naka tanaw sa kalangitan.
"Alam mo ba na ang bundok na ito ang bukod tanging bagay na hindi naapektuhan ng pag laki ng urbanisasyon. Pansin mo sa ibaba, ang lahat ay puro gusali, mga sasakyang nag liliparan. Dito lamang sa bundok na ito maaari kang lumanghap ng sariwang hangin. Naalala ko noong kasing edad mo ako, muntik na itong sirain ng gobyerno upang patayuan ng malaking paradahan ng sasakyan. Nag kaisa lamang ang mga taong bayan na tutulan ang planong iyon dahil sa buong siyudad ay ito lamang ang natitirang kabudukan. Kapag nawala ito ay walang nang berdeng makikita sa paligid. Mag buhat noon ay nag tatalaga na ng mga tao upang alagaan ang kaisa isang bundok na ito." ang paliwanag ni Kuya Pier.
"Ang asul na kalangitan, ang malamig at banayad na pag ihip ng hangin. Ibang iba ito kaysa doon sa siyudad na maingay, maraming tao at magulo. Sana ay mas dalasan pa natin ang pag punta rito kuya." ang wika ni Raven sabay yakap kay Kuya Pier.
Nakakatuwang panoorin ang aking sarili kung paano mag lambing kay Kuya Pier, halos ganito rin ako kay Kuya Sam kung tutuusin. Si kuya Pier naman ay maalaga at parati pala akong ini-spoiled noon. Kahit hindi ko na lubusang maalala kung gaano niya ako kamahal ay nakikita ko naman ito sa pag tanaw sa kanila mula dito sa kalayuan. Maswerte lamang ako dahil kahit saan ako dalhin ng panahon ay mayroon kuya nag aalaga at nag mamahal sa akin.
Umabot ng ilang oras ang pag tanaw ng dalawa sa kalangitan. Halos nakatulog na rin sila dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Maging ako ay nalibang din sa pag tanaw sa mga ito.
Tahimik..
Maya maya ay bigla na lamang may sumibat na mga umuusok na bagay mula sa kalangitan. Ang ilan dito ay sumabog na parang mga paputok sa langit. Ito ang dahilan kung bakit napabalikwas ng bangon ang dalawa. Kasabay noon ang pag lapit sa kanilang mga maintenance sa naturang lugar at pinalikas sila kabilang na ilang taong naroon sa itaas ng bundok.
Muli nag palit ng senaryo ang aking paligid. Ngayon naman ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng sala ng aming bahay. Dito ay nakita ko sina kuya Pier, ang aking sarili at ang aking tunay na ama na nanonood ng balita sa telebisyon.
REPORTER: Ang ilan sa sasakyang pang kalawakan ng planetang daigdig ay sinalakay di umano ng ilang sasakyang pandigma ng hindi pa nakikilang planeta. Pinaniniwalaang ambush ang naganap dahil sumalakay ang mga ito sa mga oras na nakababa ang ating depensa. Gayon pa man, nakipag sagupaan pa rin ang aking sandatahang lakas upang siguraduhing magiging ligtas ang ating daigdig laban sa mga mananakop.
Kabilang sa mga nasirang spacecraft ay ang mga sumusunod. ATU 675, ASC 767, ACE 001, ACE 546, at OHT 789. Ang ilang BBSC ay nawala rin at hindi naman kung saan ito naroon.
Para sa mga hindi nakaka alam, ang BBSC o Black Box Space craft ay isang itim na sasakyan na animo kahon ng posporo na nag lalaman ng mga program para sa advance technology. Marahil ito ang pakay ng mga di kilalang sasakyang sumalakay sa aking himpilan sa kalawakan." ang dagdag ng reporter sabay pakita sa screen ng telebisyon ang naturang blackbox.
Habang pinag mamasdan ko ito ay naalala ko ang kulay itim na sasakyang nasa laboratoryo nina papa sa basement ng kompanya. Ang ipinag tataka ko lamang ay kung paano ito napunta roon.
FLASH BACK
"Ito ang pinag mumulan ng ating yaman, ng ating talino at kakayahan." ang wika ni papa sabay bukas ng ilaw at dito nga tumambad sa aming harapan ang isang malaking sasakyang hindi mo mawari ang anyo. Ang hugis nito ay kuwadrado na animo kahon ng posporo ngunit purong itim nito na kumikisap ang mga bakal sa paligid. Maliit lamang ito na parang kamang double deck ang laki. "Ito ay isang UFO o sasakyang pang kalawakan na nag mula sa ibang planeta. Natagpuan ko ito noong ako ay kakasal pa lamang sa iyong ina. Bigla na lamang umilaw ang kalangitan at bumagsak sa aking harapan ang bagay na iyan." ang wika ni papa.
"Kung gayon, sino ang naka sakay diyan? Anong klaseng nilalang ang gumagamit ng ganyang uri ng sasakyan?" ang pag tataka pa rin ni kuya.
"Pasensya na anak ngunit noong matagpuan ko ito ay walang laman maliban sa mga aparatong punong punong ng advance technology. Narito ang mga kasagutan sa pag gawa ng mga matataas na kalidad ng mga kagamitan, sasakyan at kung ano ano pa. Mahirap ipaliwanag ngunit unti unti na akong naniniwala na ang mayroong isang nilalang sa likod ng talino ng mga tao. Katulad na lamang ng mga batikang scientist sa kasaysayan. Sina Tesla, Da Vinci at Einstein, kung paano sila nakakapag iisip ng malawak hanggang sa umabot na ito sa hinaharap na hindi na kayang marating ng tao. Ang kanilang mga desenyo patungkol sa hinaharap ay talagang kahanga hanga.
Katulad na lamang ni Nikola Tesla na father of electricity, Serbian-American inventor, electrical engineer, mechanical engineer, physicist, and futurist at mas kilala sa kanyang contributions sa mga design ng mga modern alternating current electricity supply system . Noong kayang kapanahunan ay nag binalak niyang mag patayo ng mga tore na tatawaging "tesla tower" gamit ang kidlat ay makapag kakalat siya ng enerhiya sa ibang bahagi ng daigdig. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sinuportahan ng gobyerno kaya't hindi natapos ang pag papagawa ng mga tore. Ang vision at mission ni Tesla ay gawing high technology ang buong planeta at sisimulan niya ito sa mga sasakyang lumilipad na pinapagana lamang ng elektrisidad. Kung ito ay natuloy, malamang napaka husay na nating sibilisasyon sa ngayon.
End of Flash back (Scene from Part 5: Sining ng Teknolohiya)
"Tangina, halos tatlo sa ating sasakyan ay nasira. Bakit ganoon papa?" ang nag tatakang tanong ni kuya Pier.
"Masisira talaga ang ACE dahil naka front ito bilang pang protekta sa iba pang sasakyang pang kalawakan ng mundo. Sa makatuwid, bago masira ang nasa likod na iba pang sasakyan ay kailangan muna nilang dumaan sa mga Ace spaceship at sirain ang mga ito bago sila tuluyang makapasok. Kung wala ang Ace malamang ay nasira na ang lahat ng sasakyang pang kalawan ng ating planeta." ang sagot naman ni papa.
REPORTER: Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag depensa ng ating sandatang lakas pang kalawakan laban sa mga kalapit na planetang mananakop. Hindi alam kung kailan matatapos ang pag sakalay ngunit naka handa ang ating gobyerno na mag padala ng karagdagang tulong at sasakyan sa labas upang makatiyak na tayo ay magiging maayos." ang dagdag pa ng reporter bago patayin ni kuya Pier ang telebisyon.
"Anong nang yayari kuya? Nag kakaroon na ba ng digmaan?" tanong ng aking sarili (ni Raven).
"Wala lang iyon tol, huwag mong isipin. Malakas ang mga sasakyan ng ating kompanya. Bukas lang ay taob na ang mga kalabang iyan. Tara libot nalang tayo." ang sagot ni kuya sabay gulo sa buhok ng kapatid at pinasan ito na parang isang bata.
"Pero kuya, nag kakagulo na doon sa kalawakan. Natatakot ako."
"Shhh, wala iyon tol, huwag kang matakot dahil nandito ako parati sa tabi mo."
Makalipas ang ilang sandali ay muli nanamang nag palit ang senaryo ng paligid. Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa silid nina Kuya Pier habang mahimbing ang dalawa sa pag tulog. Naka unan ang aking sarili sa kanyang matipunong dibdib habang kapwa naka hubad ng pang itaas na damit. Habang nasa ganoong posisyon ang dalawa ay palihim akong lumapit kay kuya Pier at maiging tinitigan ang kanyang mukha. Tila ba nakaramdam ako ng kakaibang kalungkutan habang pinanood ko ito sa kanyang pag tulog.
Tahimik..
Maya maya bigla na lamang itong naalimpungan at marahang dumilat. Tila ba naramdaman niya ang aking pag lapit sa kanya. Ilang saglit siyang lumingon sa aking kinalalagyan bagamat wala naman talaga ako doon. Pag katapos ay ibinaling niya kay Raven ang atensyon, kinumutan niya ito at niyakap ng mahigpit. Muli niya itong hinalikan sa noon at saka ikinulong sa kanyang bilugang braso.
Ilang saglit rin ako sa ganoong posisyon ng bigla na lamang unti unti akong nakaramdam ng pag kahilo, marahang gumagalaw ang paligid at kasabay nito ang pag yanig ng lupa dahilan para mapabalikwas ng bangon ang dalawa mula sa higaan. "Lumilindol tol, kumapit ka sa akin!" ang wika ni Kuya Pier sabay hawak sa kamay kapatid.
"Natatakot ako kuya, bakit lumilindol? Palakas ito ng palakas!" ang wika ng aking sarili.
Maya maya ay bumukas ng pinto at mabilis na pumasok si papa sa kanilang silid. "Mga anak, lumabas kayo! Bilisan ninyo! Hindi biro ang nagaganap sa labas!" ang natatarantang wika nito kaya naman nag tatakbo ang dalawa sa labas ng bahay.
Pati ako ay nakitakbo na rin..
Pag dating sa labas ay nag kakagulo na ang mga tao paligid. Ang lahat ay naka tingala at tila ba hindi malaman kung ano ang gagawin kaya naman naki tingala rin ako.
Dito ay nanlaki ang mga mata at halos umakyat ang kilabot sa aking ulo. "Ang eksenang ito ay nakita ko na sa aking panaginip! Ang mapulang kalangitan, ang yumayanig na lupa at ang malaking bagay na bumabagsak mula dito! Ito na iyon! Hindi basta panaginip lang ang lahat! Totoong naganap ang lahat ng ito!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang kulay pulang bagay na animo planetang bumangga sa mundo.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko makontrol ang panginginig ng aking kalamnan at mula dito ay unti unting sumagi sa aking isipan ang nalalapit na simula ng katapusan.
itutuloy..