Ace
AiTenshi
Feb 9, 2017
Part 16: Talento ng Tao
"Ngayon ay nasasaksihan natin ang launching ng pinaka bagong produkto ng AlphaACE corporation. Sila ang nangungunang pangalan pag dating sa dekalidad na desenyo ng makina at mga kagamitan sa ating tahanan. Ang AA Corp ay nag lulunsad ng mga class S na robotic machine na makatutulong sa ating mga gawaing pang araw araw." ang wika ng reporter sa telebisyon habang kino-cover niya ang event nila papa kung saan ipinakikilala sa publiko ang mga bagong makina katulad ng robot na taga linis, robot na maaaring maging gwardiya at robot na maaaring maupo sa mga elevator o sa iba pang sektor ng pasilidad.
Inilunsad rin ang bagong NeoXX1 na sasakyan na hindi na ginagamit ng gulong at pinapatakbo lamang ito ng espesyal na gas kaya't naka lutang lamang ito animo isang flying saucer na baba ang lipad. Sa mga section naman ng gadget ay inilabas na sa publiko ang pinaka aabangang AlphaMobile R67J na ang desenyo ay isang bracelet na may button at kapag pinindot ito ay lalabas sa iyong kamay ang isang hologram na feature ng cellphone. Maaring mag text, tumawag ng face to face kahit walang internet at makapag surf na libre sa web.
HOST: Please welcome, Mr. Elvis Beltran
Lumakad si papa sa harap ng podium at nag salita ito.
“Technology is an essential part of our lives today and few can imagine living without. We achieved a lot with the help of technology, for example we have the possibility to travel, keep in touch with friends on the other side of the earth and cure many illnesses. It means more freedom and choices for people but at the same time we have to consider the social imbalance, weapons of mass destruction and natural resource depletion. Technology shapes the future and it can help to make it compatible with nature. It can help us to develop clean energy, transport possibilities with less emissions and low-energy houses to save resources. Technology is not only about technology itself or more efficiency and discovering new methods and processes; we have to add the component of art which is about to make wise choices for the future of technology.
Ang tao ay nag tataglay ng walang hanggang kaisipan, hanggat gumagana ang ating makapangyarihang pag iisip ay tiyak na makabubuo tayo ng mga bagay na kapaki pakinabang sa ating lipunan. Ito ang patunay na tayo ay nasa bungad na ng mataas na level ng pag unlad at sa mga susunod pang taon ay tiyak na mas malayo pa ang mararating ng ating teknolohiya. Dito mag bubukas ang tarangkahan ng walang katapusang pag unlad at payabong ng ating mga kaisipan.”
Palakpakan sa buong venue.
Syempre ay natutuwa akong makita sa tv si papa dahil mukha itong artista. Manghang mangha ako samantalang si kuya naman ay walang pakialam. Abala lamang ito sa pag pindot ng kanyang gadget habang tawa ng tawa. Kung sabagay wala naman talagang hilig sa ganoon bagay si Kuya Sam kaya't hindi na ako nag tatakang wala ito sa tabi ni papa. "Hoy, huwag kang masyadong tumapat sa monitor tv. Gusto mo bang masira ang mata mo? Dito ka nga sa upuan." ang wika ni kuya sabay balibag ng kutson sa aking ulo.
"Kuya naman e, nanonood po ako." ang pag mamaktol ko naman.
"Pwede ka naman dito nood sa upuan. Gusto mo bang maagang lumabo ang mata mo?"
"Ayaw ko po kuya." sagot ko naman sabay upo sa kanyang tabi.
Patuloy kami sa panood ng tv hanggang sa ang interviewhin naman ay ang kaibigang siyentipiko ni papa. Si Maximo Martinez na syang tumitingin sa aking katawan kapag nag kakaroon ako ng general check up. "Ang tagumpay ng AA Corp ay tagumpay rin ng mga tao sa likod nito. Ito ang bunga ng aming pagod at pag sisikap. Ang aming dedikasyon sa pag likha ng mga bagong imbensyon ang siyang nag tulak sa amin upang makabuo ng ganitong kagagandang mga bagay na makakatutulong sa ating pamumuhay. At nakatitiyak kami na hindi pa rito nag tatapos aming pag likha ng mga makina. Ang talino ng ay walang hangganan kaya't masasabi kong wala ring hanggan ang pinto ng ating pag unlad. Maaaring sa susunod ng 7 pitong buwan, ang mga class S na produktong ito ay papalitan na rin ng class ES na mas pina high tech at pinaganda."
"Mga kaibigan, nakakamangha talaga ang mabilis na progreso ng ating bansa. Salamat sa ating mahuhusay na researcher at siyentipiko na siyang lumilikha ng walang katapusang pag unlad ng ating teknolohiya." ang naka ngiting wika ng reporter bago niya ibalik sa main anchor ang eksena.
"Maraming salamat Riza May Lawit, nag uulat mula sa AA Corporation. Samantala, puntahan naman natin si Ray Bayhag para sa kanyang report. Live din mula sa AA Corporation kung saan ginaganap ang launching ng mga latest technological equipment sa bansa." ang wika ng anchor.
"Salamat Sir Kaka. Live pa rin tayo dito sa likod ng AA Corporation kung saan sinisira ang daan daang Class A na robot at makina. Ayon sa mga empleyado ng korporasyon, ang mga Class A daw na makina ay hindi na ganoon ka high tech kaya't ang iba rito ay pumapalya na. Mas inam daw kung ito ay sirain na lamang." ang wika ng isa pang reporter habang ipinakikita sa screen ang mga class A na robot na dinidurog isa isa.
"Ang mga class A na robot ay nasapawan na ng mga class S. Ang mga ito ay wala nang pakinabang kaya't dinudurog namin, kukunin ang mga bakal at tutunawin upang makagawa ng mas marami pang class S na makinang mapapakinabangan ng lahat. Ganito talaga ang teknolohiya, kung mapapag iwanan ang modelo ng iyong kagamitan ay mapag iiwanan ka na rin. Taon taon may mga bago kaya't taon taon rin kaming nandudurog ng mga luma." ang wika ng operator ng sasakyang sumisira sa mga makina.
Tahimik..
Tila nawalan naman ako ng kibo sa aking nakita. Para bang nakaramdam ako ng kakaibang sakit at awa noong makita ang nakatambak ng robot sa bakuran ng korporasyon. Ang iba rito ay wasak ang katawan, ang mukha at bali ang mga braso habang isa isang dinudurog. Napalayo tuloy ako sa monitor ng telebisyon at doon ay napatulala. "Masama, masama ang mga tao." ang wika ko habang naka titig sa kanilang ginagawang paninira.
"Ha? Ano bang sinasabi mo tol?" ang tanong ni kuya sabay upo sa aking tabi.
"Nilikha nila ang bawat isang robot na iyan, pag katapos ay wawasakin lang nila sa isang iglap. Hindi makatarungan iyon." sagot ko.
"Tol, ano kaba, iyan ang nature ng technology. Kailangan natin mag give way sa mga bagong parating upang mas maging maunlad ang ating pamumuhay. Kaya sinisira nina papa ang mga Class A na iyan ay para makalikha sila ng bagong modelo mula sa mga ito. Sa apat na class A na robot na sinisira ay maaari silang makagawa ng isang class S na makina. Katulad na lamang noong nakararaang mga taon, ang mga class B at C na robot ay sinira upang makagawa ng class A. Ngayon ang parehong proseso ay inaapply din upang mas maging mabilis ang progreso ng mga produkto ng kompanya nina papa." ang paliwanag ni kuya.
"Mali iyon, ang mga tao ay hindi marunong makontento. Kapag luma na ang kagamitan nila ay itatapon na lamang nila ang mga ito o kaya ay ipamimigay. Hindi sila marunong mag pahalaga sa mga bagay na mayroon sila. Ang bawat isang nilalang dito sa paligid ay nag hahangad ng mas magandang bagay at kapag nakamit nila ang mga ito ay panandalian silang maliligayahan at pag kalipas ng ilang panahon ay mag hahanggad ulit sila ng mas maganda at mag hahangad at mag hahanggad pa.. Wala itong katapusan! Paulit ulit. Kawawa naman ang mga luma.. Paano kapag naluma ako? O may lumabas na mas makabagong makina kesa sa akin? Sasapitin ko rin ba ang sinasapit ng mga robot na iyan sa telebisyon?" ang tanong ko naman.
"Tol naman, hindi mang yayari iyon dahil kapatid kita. Pamilya ka namin kaya't hindi ka maaaring palitan. Huwag mo sanang itulad ang sarili mo sa mga robot doon sa tv." ang sagot ni kuya.
"Pare-pareho lang namin kaming gawa sa bakal, may kable at isinasaksak ang katawan sa baterya upang gumana. Wala akong pinag kaiba sa kanila at marahil pag sapit ng panahon ay maging kapareho ko na rin sila ng kapalaran." ang sagot habang nag sisimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Tol, please. Huwag kang mag isip ng ganyan. Halika na dito.. Please naman huwag kana umiyak." ang maamong wika ni kuya ngunit hindi ako lumapit sa kanya. Agad akong nag tatakbo palabas ng bahay at mabilis na nag tungo sa AA Corporation upang isalba ang mga sinisirang makina doon.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Ang alam ko lamang ay natatakot akong sapitin rin ang sinasapit ng mga robot na iyon sa tambakan ng wasak na kagamitan. Natatakot ako na kapag dumating ang araw na hindi ako kailanganin ng tao ay wasakin na lamang din ako o kuhanan ng mga parte sa katawan na mapapakinabangan. Iyan ang mga bagay na ayokong isipin dahil tiyak na kikirot lamang ang aking dibdib.
Ilang minuto rin akong tumatakbo hanggang sa marating ko nga ang likod ng AA Corp kung saan sinisira ng crane machine ang mga lumang robot. Agad akong lumundag sa kanilang bakuran at sinalo ang malaking metal na pandurog. Napahino ang makina at kasabay noon ang pag kagulat ng operator nito. "Huwag po! Huwag.. Maawa ka sa kanila." wika ko habang salo salo ang bakal na animo masong mas malaki pa sa akin ng ilang beses.
Sumilip ang operator sa kanyang sinasakyan at doon nga ay nakita niya ako sa ganoong posisyon. Kasabay nito ang pag sulputan ng ilang tao sa kompanya kasama na si papa. "Sir Ace, bitiwan nyo po iyan baka masaktan ka." wika ng operator habang itinataas ang naturang pandurog.
"Tama na.. May pakinabang pa naman ang mga ito. Hindi nyo dapat sila sinisira." ang wika ko naman. At doon nga ay nakita ko si kuya Sam na mabilis bumababa sa kanyang sasakyan. "Ace! Bakit nandito ka? Gulo tong ginagawa mo. Halika na rito." ang wika naman niya habang tumatakbo.
"Anak, ano bang ginagawa mo dito sa likod? Bakit pinipigil mo ang operator?" tanong rin ni papa at doon nga ay nag dagsaan na ang media sa paligid. Kanya kanyang kuha ng larawan sa eksenang nagaganap.
"Ayoko po.. Papa, kawawa naman ang mga robot na ito. Bakit kailangan silang sirain para lamang mag bigay daan sa mga bagong makina? Maayos naman sila at napapakinabangan pa. Ginagawa nilang mabuti ang kanilang trabaho bilang tagapag lingkod sa bawat tao. Bakit hindi niyo sila bigyan ng tiyansang umandar muli at mag bahagi ng kanilang kakayahan sa ating paligid?" ang sagot ko naman.
"Anak, ang mga class S na makina ngayon ay nag mula sa mga class A. Hindi tayo makakalikha ng mga Class S kung hindi tayo kukuha ng parte sa mga Class A. Upgrade lang ang ginagawa natin kaya't hindi natin sila tuluyang itatapon." mahinahong sagot ni papa.
"Tol, ano ba? Halika na rito! Ayoko nang maging laman tayo ng pahayagan. Malilintikan ka sa akin!" ang gigil naman na salita ni kuya Samuel.
"Upgrade? Eh paanong iuuprade ang mga ito kung hindi na mabasa ng scanner ko? Wala nang buhay ang mga ito, wasak na ang kanilang mga circuit. 0.000000 0.00000 0.00000 error, error ang nakikita ng mata ko. Ibig sabihin ay 0.00012% lang ang tiyansang maayos sila." sagot ko naman.
"Tol, halika na dito please. Huwag kana magalit." ang wika naman ni kuya habang lumalapit sa akin.
"Itigil nyo na ang paninira. Hindi ba kayo naaawa sa kanila? Kung sa bagay robot lang naman kami. Mga makinang walang pakiramdam kaya't wala kayong paki alam sa amin. Natatakot lang naman ako na baka sa susunod na mga taon ay ako na ang sirain ninyo dahil hindi ako uso. Hindi na kayo nakuntento sa kung anong mayroon kayo, minsan ang pamumuhay ng simple ay mas maunlad pa kasya sa mga ito! Ayoko ng mga ito! Ayokoo!" ang sigaw ko sabay suntok sa crane machine dahilan para umusok ito at sumabog.
Kasabay noon ang mabilis kong pag lundag sa bakuran ng kompanya upang lumayo sa kanilang lahat. Takbong walang humpay ang aking ginawa hanggang sa masira ang aking mga sapatos at mapahinto na lamang ako sa isang tulay na inaagusan ng ilog sa ilalim.
Doon ay napaupo na lamang ako sa isang tabi ay niyakap ang aking sarili tuhod. Kasabay nito ang pag tulo ng luha sa aking mga mata. Nalulungkot ako para sa mga kauri kong makinang sinisira na lang basta basta at sa kabilang banda naman ay natatakot rin ako dahil sa patuloy na pag unlad ng talino ng tao, tiyak na makakalikha sila ng mas mahuhusay na makina at darating ang panahon na hindi na ako kakailanganin pa.
Habang tumatagal ay paunlad ng paunlad.. Ang luma ay nawawala at ang bago ay sumisikat.. Ngunit pag kalipas ng ilang araw ang bago ay maluluma rin at papalitan ito ng mas kaaya aya. Isang sirkulo na hindi natin maaaring takasan. Sumabay man tayo o himinto ay tiyak na hindi titigil ito. Lahat ay mag babago, at mauubos ang oras..
itutuloy..