Part 17: Ang lihim na silid

2735 Words
Ace AiTenshi Feb 10, 2017   Part 17: Ang Lihim na Silid   "Raven.."   ang pangalan na pumukaw sa aking diwa dahilan para iangat ko ang aking ulo mula sa pag kakadudok sa aking sariling tuhod.   Dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa gilid ng tulay, naka sandal sa haligi nito at balot ng kalungkutan. Kumakagat na rin ang dilim at binabalot na ng lamig ang aking katawan dulot ng nag babadyang pag ulan. Ang ihip ng hangin sa paligid ay biglang nag bago na tila nakiki simpatya sa aking nararamdamang kalungkutan.   Marahan akong tumayo at binitbit ang aking nasirang sapatos dulot ng mabilis na pag takbo kanina palayo doon sa kompanya nila papa. Alam kong malaking kamalian ang pag gawa ko ng eksena ngunit sadyang nangibabaw lamang aking intensyong ipag laban ang aking nararamdaman.   Tahimik akong nag lakad at kasabay nito ang pag bitiw ko ng isang malalim na buntong hininga.   Noong mga sandaling iyon ay tila nawalan ako ng lakas bagamat malakas pa naman ang aking baterya. Ang ibig kong sabihin ay nawalan ng gana, ang sigla sa aking katawan ay napalitan ng lungkot hanggang sa sumunod na nga ang ibang parte ng aking katawan. Para akong natalo sa isang labanang hindi ko mawari kung ano ba iyon, basta talo ako at nag bigay ito kakaibang emosyon sa aking dibdib.   Tahimik ulit..   Walang ibang maririnig kundi ang busina at pag andar ng mga sasakyan sa paligid..   Maya maya ay unti unting pumatak ang ulan sa kalangitan. Ang unang butil nito ay tumama sa aking pisngi hanggang sa mag sunod sunod at mag simula akong mabasa. Pati ang pag silong ay hindi ko na rin nagawa. Basta't otomatikong nag lalakad ang aking paa habang ang aking paningin ay naka pako sa lupa na animo lantang gulay. Hindi ko nalintana ang lamig ng tubig na gumagapang sa aking katawan. Masasabi kong buhay ako, umaandar at maayos ang kalagayan ngunit bakit parang may kulang? Hindi ako kompleto, at may nawawala sa akin na hindi ko mahanap hanap dahil hindi ko alam kung ano ba iyon. At ang mga ito ang nag bibigay sa akin ng ibayong sakit.   Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay siya namang pag hinto ng isang sasakyan sa aking tabi at noong bumukas ang bintana nito ay nakita ko nga si kuya Mark. "Tol, kanina kapa namin hinahanap. Malakas ang ulan ah, halika na rito sa loob." ang wika nito ngunit agad ko ring binawi ang aking tingin at ipinag patuloy ang aking pag usad na animo zombie na nag lalakad sa ilalim ng ulan.   Agad na lumabas si kuya Mark hawak ang isang malaking payong. "Tol, huwag ka naman ganyan. Umuwi na tayo dahil mamatay na sa pag aalala ang kuya Samuel mo. Kung saan saan kana niya hinanap, ngayon ay nandoon siya sa istasyon ng pulis at nag rereport sa iyong pag kawala. Umuwi na tayo please." ang wika nito sabay hawak sa aking braso.   "Pabayaan nyo na ako. Ayoko nang umuwi." ang sagot ko naman.   "Kung may problema ay maaari natin itong pag usapan. Para na rin kitang kapatid, ang lahat ay pwede mong sabihin sa akin at agad ko naman itong mauunawaan. Kakampi ako tol, nasa panig mo ako." ang wika nito.   "Sa palagay mo ba magiging masaya ako? O may kabuluhan kaya ang pananatili ko rito sa mundo? Para saan ba ako? Ang tao ay para sa tao. Ang hayop ay para sa hayop. Eh ang makinang katulad ko? Para saan ba ako? Sa talyer? Sa Junkshop ba o sa laboratoryo para buksan at pag aralan? Nakakalungkot lamang isipin na darating din ang panahon ay papalitan ako ng mas maganda ang desenyo, mas high tech at mas kapaki pakinabang." ang umiiyak kong salita bagamat di naman ito napapansin dahil sa pag tulo ng tubig ulan sa aking mukha.   Niyaya akong mag lakad ni kuya Mark sa isang waiting shed at doon ay naupo kami. "Wala akong masyadong alam sa teknolohiya dahil ang buong lahi namin ay mga guro. Ang patuloy na pag unlad ng ating paligid ang patunay ng pag progreso ng buong mundo. Ang ating bansa ay takot mapag iwanan ng mga karatig bansa nito kaya't patuloy tayo sa pag likha ng mga bagay kung saan maaari tayong maging maunlad. Sa madali't salita, ang mga pag babagong ito ay kalakip na ng buhay ng tao. Dapat ay marunong tayong mag adjust sa mga pag babagong ito. At tungkol naman sa ikinatatakot mong mapalitan ka sa mundong ito, sa palagay ko ay imposibleng mangyari ito dahil mahal na mahal ka ng kuya Samuel mo, baka mamatay muna iyon bago ka nila magalaw. Mag tiwala ka sa kanya dahil tiyak kong poprotektahan ka niya.   Sabay kaming lumaki ni Samuel, napag iwanan lang akong tangkad ngunit para na kaming mag kapatid. Alam na alam ko ang ugali niyan, kapag sinabi niya ay gagawin niya, may katigasan ang ulo at may paninindigan, madiskarte at mapamaraan sa lahat ng bagay. Noong mga bata kami, ang kuya Samuel mo ay mahilig talaga sa teknolohiya marahil impluwensiya na rin ito ng kanyang ama. Araw araw iyan ay mag bago siyang laruan mga robot, lumilipad na sasakyan, mga advance na gadget, sa buong klase ay siya lagi ang nauuna sa mga ito.   Magaling din iyang mag kompuni at mag butingting ng mga kagamitan. May isang pag kakataon nga ay nasira ang aircon ng classroom, laking gulat ng teacher ng buksan ito Samuel at ayusin ang mga nasirang parte. 7 na taon palang kami noon kaya't hindi kapanipaniwala ang kanyang ipinamalas na abilidad. Marami pa siyang beses nag pakita ng kakayahan sa teknolohiya, nandyan yung pag uupgrade nya ng bagong program ng computer, pag gawa ng sariling design ng robot at maniwala ka man o sa hindi ang desenyo ng AA Corporation ay siya rin ang lumikha noong kami ay 10 years old palang. Ganyan kalupit ang utak ni Samuel.   Ngunit sa pag lipas ng panahon ay biglang nag bago ang timpla ng ugali ni Sam, naging bugnutin ito at parating may sumpong. Ayaw na niya ng mga laruan at kung ano ano pang gadget na ibinibigay sa kanyang ng kanyang magulang dahil ang gusto na niya ay isang kapatid na lalaking makakalaro o makakasama kahit saan. Gusto mang mag anak ng kanyang mga magulang ngunit hindi na ito magawa ng kanyang ina dahil sa komplikasyon sa obaryo. Mag buhat noon ay parati nang hinihiling ng kuya mo na sana ay mag karoon siya ng makakasama sa bahay.   Hanggang sa pag lipas ng mga taon dumating ka nga sa kanila, iyon ang pinaka masayang araw na nakita kong naka ngiti si Samuel. Tuwang tuwa siya sa iyo at alam kong mahal na mahal ka niya. Marahil ang pag dating mo rin ang dahilan kung bakit naging mailap na ang kanyang loob sa teknolohiya, ni madalas silang nag aaway ng papa niya dahil pinoprotekhan ka niya kapag may gustong suriin ka.   Nakita mo na? Ang sinasabi mong papalitan ka o mawawala ay imposibleng mangyari. Patayin muna nila ang kuya Samuel mo bago ka nila magalaw. Iwasan mo ang labis na pag aalala tol, hindi ito makabubuti sa iyo." ang pasalaysay ni kuya Mark na punong puno ng pag lalambing. Maya maya ay tumayo ito at niyaya ako sa loob ng sasakyan. "Hatid na kita tol. Maayos rin ang lahat kaya't huwag kang mag alala." ang saad pa niya.   Habang nag drrive si Kuya Mark ay tinawagan na rin niya si Kuya Samuel kaya naman medyo bumababa na ang tensyon sa loob ng bahay. Ako naman ay walang pakialam, itinuon ko lamang ang aking tanaw sa labas ng bintana bagamat ang nakikita ko lamang ay ang mga ilaw sa poste ng kalsada na siyang tumatanglaw sa aming dinaraanan.   Alas 8 ng gabi, pag baba ko sa sasakyan ay agad na sumalubong si kuya Sam, bakas sa mukha nito ang galit kaya't nakaramdam ako ng kaunting takot. Gayon pa man ay pinilit ko pa ring lakasan ang aking loob at harapin sila bagamat alam kong may kasalanan akong nagawa kanina doon sa AA Corp. Sinira ko ang crane machine at naging headline pa ako sa mga balita sa dyaryo at tv.   "Tol, saan ka ba galing? Nag alala ako sa iyo." wika ni kuya Samuel sabay yakap sa akin ng mahigpit.   Hindi naman ako sumagot at agad akong nag tatakbo papasok sa loob ng bahay bitbit ang aking basa at sirang sapatos. Si kuya Mark na ang naiwan upang makipag usap kina mama, papa at kuya doon sa sala.   Dumiretso ako sa banyo at doon ay nag linis ang aking katawan. Pinag tuunan ko rin ng pansin ang paa kong puro putik dulot ng maduming lupa na aking natatapakan. Kuskos dito at kuskos doon ang aking ginawa, hindi ko malaman kung iiyak ba o ako o maiinis. Basta halo halong emosyon ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Hinayaan ko lang na nakatapat ang aking katawan sa tumutulong valve ng shower habang naka talungko sa isang sulok.   Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto ng banyo at dito ay pumasok si kuya Sam. Agad niyang pinatay ang shower at binalot ng tuwalya ang aking katawan. Dinala niya ako sa harap ng kabinet, walang kiyemeng pinunasan ang aking buong katawan at binihisan ng damit pantulog. Tinuyo rin niya ang aking buhok sa pamamagitan ng pag punas ng maigi dito.   Noong matapos siya sa kanyang ginagawang pag aasikaso sa akin ay naupo rin siya sa gilid ng kama katabi ko.   Pareho kaming walang kibuan..   Tanging ingay lamang ng aircon ang maririnig sa buong silid.   Tahimik ulit..   Maya maya ay naramdaman kong lumingkis ang kamay ni kuya Sam sa aking likuran pababa sa aking bewang. "Huwag kanang aalis ulit ha, natatakot ako kapag nawawala ka sa aking paningin." ang pag basag niya sa katahimikan.   "Natatakot rin ako kuya, natatakot ako na baka dumating ang araw na hindi ako kailanganin katulad ng ibang robot na sinira upang palitan ng mas maunlad na arkitekto." sagot ko naman.   "Tol, makinig ka sa akin.. Gusto kong malaman mo na hinding hindi ka namin magagawang palitan dahil pamilya ka namin. Mahal kita, mahal ka nina mama at papa. Mahal ka ng mga tao sa paligid. Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo dahil lang sa  mga bagay na inaakala mong magaganap sa hinaharap. Mag tiwala ka sa akin. Mag tiwala ka sa aming pamilya mo." ang seryosong tugon ni kuya.   "Mahal din kita kuya, mahal ko kayo nina mama at papa. Kayo ang pamilya ko. Ayokong malayo sa  inyo dahil tiyak na malulungkot ako at.. at masasaktan." tugon ko rin.   "Masasaktan rin ako kapag nawala ka sa akin. Para sa akin ay hindi ka isang mecha o makina. Isang kang tunay na tao, may puso, may emosyon at marunong makibagay sa iyong paligid. Maniwala ka sa akin tol, hindi ka ordinaryong nilalang." ang wika ni kuya.   "Paano mo nasabing hindi ako ordinaryo kuya? Ano bang mayroon sa aking arkitektura na wala sa iba? Pare-pareho lang naman kaming robot diba?" ang tanong ko na may halong pag tataka.   "Hindi iho, ikaw ay isang mataas na uri. Kahit pag sama samahin pa ang mga class S (class special) o kahit makalikha pa ng class ES (class extra special) ay hindi ka mapapantayan. Ang iyong arkitektura ay hindi na abot ng utak ng tao." ang entrada ni papa na biglang pumasok sa aming silid. "Pasensya na sa pag pasok ko, narinig ko lamang na nag uusap kayo ni Samuel tungkol dito kaya't hindi na ako nag dalawang isip na huminto at mag bigay ng aking opinyon."   "Hindi ko maunawaan papa, sino ba ang gumawa sa akin? Saan ba ako nag mula? Kayo ang gumawa sa akin hindi ba? Gamit ang itim na bagay doon sa laboratoryo ng AA Corporation?" ang tanong ko.   Panandaliang natahimik si kuya at gayon din si papa. Kapwa sila napayuko habang naka pako ang tingin sa sahig.   "H-hindi tol, hindi sina papa ang gumawa sa iyo." ang wika ni kuya.   Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking pandinig ang sinabing iyon ni kuya. Hindi agad ako naka kibo dahil ang inaakala kong paniniwala ay taliwas pala sa katotoohanan. "Teka, kung ganoon saan ako galing? Sino ang lumikha sa akin?" ang pag tataka kong tanong.   Tahimik pa rin si kuya..   "Siguro ay panahon na rin upang ipag tapat sa iyo ang katotohanan anak." sagot ni papa.   Si kuya naman ay napatango nalang sabay himas sa aking likuran.   Muling binalot ng katahimikan ang buong silid. Kasabay noon ang pag tayo ni kuya mula sa aking tabi. "Dapat mong malaman ang katotohanan tol, hindi ko ito maaaring ipag damot sa iyo lalo't ngayon ay marami nang katanungang gumugulo sa iyo." wika ni kuya.   "Tayo na.. Panahon na rin upang buksan natin ang susi sa teknolohiyang bumabalot sa iyo anak." ang tugon ni papa at doon nga ay nag lakad kami pababa sa sala.   Pag dating namin doon ay panandaliang huminto ang dalawa. "Anong mayroon dito sa sala?" tanong ko.   "Ang lihim na silid tol." ang wika ni kuya.   "Paano mag kakaroon ng silid dito sa sala eh sala nga ito. Panay sofa, at tiles ang nakikita ko." pag tataka ko naman.   Nangiti si kuya at ginusot ang aking buhok. Maya maya ay pinindot niya ang isang piraso ng tiles at doon ay umilaw ito na para isang scanner. Sinuri nitong mabuti ang kanyang kamay at muling nag liwanag ng kulay berde. Lumabas dito ang katagang "Access Granted".   Nag simulang gumalaw ang mga piraso ng tiles sa sahig at nag mistulan itong hagdan pababa sa ilalim. Hindi ko alam kung paano nangyari ito ngunit manghang mangha ako sa aking nakita. Hindi ko akalaing ganito pala ka high tech ang aming sala kung saan ako madalas nakahiga.   "Ang mga tiles na ito ay gawa sa espesyal na materyales na galing pa sa bansang Finland. Punong puno ito ng security scanner kaya't mapapakinabangan ito sa pag tatago ng mahahalagang bagay o kagamitan." paliwanag ni papa habang bumababa kami sa pinaka basement ng bahay. Nakakatuwa lamang dahil sa bawat pag tapak namin sa bahagdan ng tiles ay nag liliwanag ito at bumubukas ang ilaw sa paligid kaya't habang bumababa kami ay mas lalong lumiliwanag.   Ilang sandali pa ay narating namin ang ibaba at dito ay tumambad sa aking paningin ang isang malaking pintuan. Balot ito ng kandado at mga monitor device na pang scan. "Nandito na tayo tol." ang wika ni kuya sabay lapit sa monitor ng scanner. "HLS o High Level Security ang scanner na ito kaya't walang ibang maaaring makapag bukas kundi ako lamang." ang wika ni kuya habang dinadaanan ng kulay pulang liwanag ang kanyang mukha.   Maya maya ay nag salita ang monitor. "Access Granted. Please enter the final code."   Lumapit muli si kuya sa isa pang monitor at pinindot ito ang mga letra at numerong 06/14/2051 at kasunod nito ang aking pangalan. "ACE".   "Password Completed!"   “Access Granted!”   Bumukas ang pinto at muling nag salita ang monitor. "Welcome Doctor Samuel Beltran. How are you today?" ang tanong nito na batid ko isa ring security question para sa kanyang identity confirmation.   "I’m good. Please remove the security laser." ang wika niya at doon ay isa isang nawala ang pulang ilaw sa paligid. Madalim dito kaya't kitang kita ang mga ito.   "Cancelling laser security" ang wika nito..   Maya maya ay muling nag salita. "Granted"   Napatingin nalang ako kay kuya habang naka tanaw sa dilim. Ibang iba siya sa kuya Samuel na makulit at malambing. Pakiwari ko ba ay pati utak niya ay iniscan din ang computer kaya't sumeryoso siya ng ganito.   Habang nasa ganoong pag mamasid ako ay isa isang nag bukas ang ilaw sa loob ng silid. Dito ay tumambad sa aking paningin ang isang sasakyan na hugis capsule. Kulay abo ito at punong puno ng kable sa paligid. Sa gilid ng sasakyan naka lagay ang katagang "ACE YEAR 2269"   “Project Alpha 2269"   Ibayong kaba ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Kasabay nito ang katagang binitiwan ni kuya Samuel. "Sa kalawakan ka nag mula tol."   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD