Chapter 6

2018 Words
ACALLY Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Umalis na ako sa apartment, at ngayon ay dito na ako nakatira sa hostel ng bagong kompanyang pinapasukan ko. Laking pasasalamat ko na natanggap agad ako bilang flower decorator at assistant ng isa sa mga malaking flower shop dito sa Makati. Tinulungan rin kami ng pinsan ni MC na makaalis sa dating apartment na aming tinutuluyan. Hindi lingid sa akin na ilang ulit na bumalik doon si Fhil para hanapin ako, pero hindi niya ako nakita dahil umalis na kami ni MC. Mabuti na lamang at kahit paano ay nagkasya kami noon sa maliit na boarding house na tinutuluyan ng pinsan ni MC nang doon kami pansamantalang nakituloy. Malalim ang iniisip ko nang lumapit sa akin ang manager namin dito sa flower shop at kinausap ako. "May problema tayo sa delivery, Ally. Tawagan mo si Mrs. Lim at sabihin mo sa kaniya na ipahahatid na lang natin ang mga kulang na bulaklak,” mabilis na utos sa akin ni Miss Macy. “Si Agnes ang kumuha ng order niya. Kulang ang nakasulat sa listahan nang ibigay niya sa akin kahapon, tapos absent siya ngayon," inis na sabi ng boss ko habang hinihilot ang sintido. Kilala ko na si Mrs. Lim. Sa tatlong buwan na pagtatrabaho ko dito sa flower shop, isa siya sa mga top client namin, pero napakamaselan ng customer na iyon. Gusto niya na perpekto ang mga arrangements ng mga bulaklak ayon sa preference niya. Kung kailan may special event si Mrs. Lim na naka-schedule mamayang gabi, ngayon pa nagkaroon ng problema sa order niya sa amin, kaya alam namin na magagalit siya at magrereklamo. "Hindi natin puwedeng pabayaan na mawala sa atin si Mrs. Lim," pormal ang ekspresyon na sabi sa akin ni Miss Macy habang nakatingin sa hawak na papel. "Ano po ang gagawin natin?" hindi nakatiis na tanong ko. Alam kong nag-aalala siya dahil minsan na kaming nakaranas ng nag-aapoy na galit ni Mrs. Lim nang magalit ito dahil sa hindi nagustuhan ang natanggap na bulaklak. "Any idea?" frustrated na tanong ni Miss Macy sa akin. Sa estado ngayon ng flower shop, mahihirapan kaming makabawi kung pati si Mrs. Lim ay mawawala pa. Malaki ang magiging epekto nito sa negosyo, oras na tuluyan siyang tumigil sa pagkuha ng mga mamahaling bulaklak sa amin. Mahina ang sales ngayon dahil apektado ang industriya ng pandemya. Mabuti na lamang at kahit kumakalat ngayon ang virus, nanatiling nakatayo at bukas pa rin ang flower shop, pero more on delivery na lang kami. Ito ang dahilan kaya dito na rin ako nakatira kasama si MC. Kasalukuyang nasa loob ang kaibigan ko at siya ang naghahanda ng mga bulaklak na order sa amin online. May pandemya ngayon, pero puwede nang lumabas; kaya lang, may oras lamang dahil mahigpit pa rin na ipinatutupad ang social distancing. Marami ang nawalan ng trabaho at naapektuhan sa bagong polisiya dahil na rin sa hindi kami puwedeng lumabas ng walang medical certificate. Kung hindi kami nakatira ngayon dito sa apartment na ibinigay ng may-ari ng flower shop, baka pati kami ay tuluyan nang nawalan ng trabaho. Malaking bagay talaga na online na ang booking ng mga orders at payment sa bulaklak, kaya hindi kami nahihirapan. Pero dahil tamad at iresponsable ang isa sa mga kasamahan ko, nagkaroon ng problema sa delivery namin kanina kay Mrs. Lim. "Tatawagan ko po si Mrs. Lim. Baka maihabol pa natin ang mga order niya na wala sa listahan," suhestiyon ko kay Miss Macy. "Yes, please do it, Ally," pakiusap niya sa akin. Kahit malakas ang kabog ng aking dibdib, tinawagan ko si Mrs. Lim. Naglakas-loob lamang ako dahil hindi rin ako sigurado sa magiging resulta ng pagtawag ko sa opisina niya. "Yes, hello?" mabilis na sagot ng taong pakay ko sa kabilang linya. "Hi, Mrs. Lim. My apologies for calling you at this hour. I'm Acally from Sweet Stems Flower Shop," mabilis na pakilala ko, pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mataray na sumabad ito. "I don't need your f*****g lame excuses. Deliver my order as soon as possible, and we're settled!" Mataray na bulyaw ni Mrs. Lim mula sa kabilang linya. Ramdam ko kung paano nanigas at napatayo ng tuwid si Miss Macy sa tabi ko matapos marinig ang sinabi ng kausap ko. Nang tumango siya, na katunayan na puwede akong sumang-ayon sa gusto ni Mrs. Lim, ay sumagot ako. "Yes, ma'am, we're going to settle and deliver everything, but my apologies that we're not able to do it on time," kinakabahan na sagot ko. "What's your name again?" tanong ni Mrs. Lim mula sa kabilang linya. "Acally, ma'am," agad na sagot ko. "Fine, pagbibigyan kita this time since you guys have never failed to do my requests before, but remember, this is the last time," seryosong sabi ng kausap ko. Nakahinga ako ng maluwag. Laking pasasalamat ko na pumayag si Mrs. Lim dahil mahirap siyang kumbinsihin. "Thank you so much, ma'am," puno ng pasasalamat na sagot ko. "You have two hours to deliver it before my boss throws me out of his office," mariin na sabi ni Mrs. Lim. Kinakabahan ako. Hindi lang pala flower shop ang nakasalalay sa delivery na ito kundi maging ang trabaho ng taong kausap ko. "Yes, Ma'am, thank you," magalang na sagot ko at mabilis na nagpaalam. Pumasok agad kami sa loob ng packing and arrangements room kung saan ginagawa ng mga kasamahan ko ang disenyo na ni-request ni Mrs. Lim. "Kumusta ang arrangements?" tanong ni Miss Macy kay MC. "Tatlong set na lang po, Ma'am, at puwede na po nating i-deliver ang mga ito," sagot ng kaibigan ko. "Guys, please make sure na maayos ang arrangements ninyo. Ayaw kong mapahiya tayo sa may-ari ng account na ito," sabi ni Miss Macy. Tumulong na rin sa amin. Lahat kami ay naging abala. Maging ako ay sumali na rin, habang sa dulo naman ay mabilis na inilalagay sa kahon ang mga bulaklak na natapos namin na siyang ihahatid sa address na ibinigay ni Mrs. Lim. "Natapos rin,” natutuwang sabi ko. Kasabay kong natapos si MC, pati na rin si Angel. Patakbo naming isinakay sa loob ng van ang mga kahon. Bukas na ang makina at naghihintay na ang driver namin na si Kuya Andy. Basta na lang akong sumakay sa van, suot ang simpleng pantalon, pink na t-shirt, at sapatos. Mabuti na lamang at naka-flat shoes ako dahil may mga pagkakataon na talagang mabilisan ang bawat delivery namin. Kung hindi sana nagkamali si Agnes, sana'y wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. May itinabi akong suklay dito sa loob ng van, kaya nakapag-suklay ako habang nasa biyahe kami. Madalas ko itong iwan dito, kasama ng lip gloss, dahil maraming pagkakataon na dito na ako nag-aayos para presentable naman akong haharap sa mga kliyente namin. "Kahit hindi ka na mag-ayos, ay maganda ka pa rin, Ally," nakangiting sabi ni Kuya Andy habang nagmamaneho. Napangiti tuloy ako. "Bolero ka talaga, kuya," natatawang sagot ko, pero nginisihan ako ni Kuya Andy. “Hindi malabo ang mata ko, Ally, kaya totoo ang sinasabi ko.” Natawa tuloy ako dahil ayaw niyang paawat. Wala akong nakikitang malisya sa sinabi ni Kuya Andy dahil nakikita ko naman kung paano niya kami nirerespeto. Pero distant pa rin ako sa kahit sinong lalaki, lalo na sa mga mababait sa harap ko dahil na-trauma ako ng husto sa ginawa sa akin ni Fhil. Mabuti na lamang at hindi ma-traffic sa daan, kaya mabilis naming narating ang matayog na gusali na nakalagay sa delivery address ni Mrs. Lim. Bumaba agad ako sa sasakyan at pumasok sa lobby, habang isa-isa namang ibinababa ni Kuya Andy ang mga dala naming kahon. "Good morning. Ako po si Acally from Sweet Stems Flower Shop. May mga delivery po ako para kay Mrs. Gina Lim," mabilis kong pakilala sa receptionist na kaharap ko. Tiningnan lang ako nito at inabot ang order slip na hawak ko. Pagkatapos, mabilis na dinampot ang telepono at nag-dial para marahil kumparahin ang sinabi ko. "Umakyat na kayo. Thirty-seventh floor, side B. Pagdating doon, sabihin mo na lang sa receptionist ng floor ang sadya mo," sabi ng babaeng kaharap ko. Hiningi niya ang ID ko at pinapirma ako. Ngumiti ako sa receptionist at nagpasalamat. Kasama si Kuya Andy, binuhat namin ang mga kahon at mabilis na pumasok sa elevator. Hindi nagtagal, narating namin ang palapag kung saan naroon ang opisina ni Mrs. Lim. May babaeng sumalubong sa amin at agad kaming sinamahan sa taong sadya ko. "Ma'am, narito na po ang kulang sa mga bulaklak na inorder mo," magalang na sabi ko kay Mrs. Lim nang makaharap ko siya. Inutusan niyang buksan ng kasama ko ang mga kahon para tingnan kung tama ang dala namin. Nakita ko ang relief sa mukha ni Mrs. Lim matapos niyang makita ang mga bulaklak sa kaniyang harapan. Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "You saved me from my possibly horrible day today.” Mukhang nakakatakot ang boss ni Mrs. Lim dahil hindi niya maitago ang kabang nararamdaman na baka masibak siya sa trabaho dahil lamang sa nagkaroon kami ng problema sa delivery ng mga bulaklak ngayong araw. Malupit talaga kung minsan ang mga mayayaman. Basta sinabi nila, kailangang masunod, at kapag hindi nangyari ang gusto nila, tatanggalin nila agad sa trabaho ang kawawang empleyado. "Sa susunod, ikaw na ang tatawagan ko kapag may order ako," nakangiti na sabi sa akin ni Mrs. Lim. Nawala ang masungit na impresyon ko sa kaniya kanina. Siguro ay firm lang talaga siya sa schedule dahil may boss pala siyang kinatatakutan na baka tanggalin siya sa trabaho. "Salamat, Ma'am. Hanapin mo lang po ako kapag tatawag ka sa flower shop," nakangiti kong sagot. Nauunawaan ko na kung bakit maselan si Mrs. Lim dahil masungit at strikto daw ang boss niya. Mukhang mabait naman siya basta maayos ang usapan, maging ang mga delivery. "Heto ang tseke. Full amount na iyan.” Inabot ko ang papel na hawak ni Mrs. Lim at tiningnan ang nakasulat dito. “Salamat ulit, Acally," may ngiti sa mga labi na sabi ni Mrs. Lim nang magpaalam ako sa kaniya. Alam ko kasi na busy siya dahil may event daw na magaganap mamaya, kaya na-stress siya kanina dahil nagkaroon ng aberya sa order niya sa amin. Magaan ang loob na lumabas ako sa opisina ni Mrs. Lim at nakangiting lumapit kay Kuya Andy. "Successful, Kuya," natutuwa at proud na sabi ko sa kaniya. Agad napangiti si Kuya Andy nang makita niya kung ano ang hawak ko. "Ang galing mo talagang bata ka,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at agad na pumasok sa elevator. Sa uri ng trabaho namin, oras talaga ang kalaban, lalo na kapag may biglang delivery katulad ng nangyari ngayon, kaya nasanay na ako. Natuto na akong kumilos ng mabilis, bagay na ikinatuwa ko dahil nagkaroon ako ng malaking pagbabago. "Kuya, gagamit po muna ako ng banyo. Naiihi na kasi ako," walang alinlangan na sabi ko kay Kuya Andy. Kung titiisin ko ito, ay imposible na umabot pa ako sa flower shop dahil malayo pa kami doon. "Sa dulo nitong daan ay may shopping mall. Puwede kang bumaba doon at gumamit ng banyo," sabi ni Kuya Andy habang palabas kami ng lobby. Sumakay agad ako sa van, at mabilis naman itong pinasibad ni Kuya Andy. Pagkatapos, tumigil ito sa tapat ng shopping mall. Malaki at malawak ang gusali, at alam kong mahihirapan akong mahanap agad ang banyo, kaya nagtanong na ako sa guwardiya. Mabuti na lamang at sa dulo ng mamahaling restaurant ay may nakita akong comfort room, kaya agad akong pumasok. Nakakatawa man, pero kapag natatakot o kinakabahan ako ay naiihi ako. Nakahinga na ako ng maluwag dahil nakaihi na ako. Agad akong lumabas ng comfort room at naglalakad ng walang pakialam sa mundo, pero natigilan ako nang makita ko ang dalawang taong pamilyar sa akin. Hindi ko inaasahan na sa dulo ng malawak na pasilyo ay makikita ko si Fhil, kasama ang babaeng haliparot na nahuli kong katalik niya sa loob ng bahay na dapat sana ay magiging tahanan ko, kung sakaling natuloy ang plano naming kasal noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD