ACALLY Hinihingal ako at naghahabol ng hininga nang pakawalan ni Sabby ang aking mga labi. Nanginginig ang aking mga binti nang humakbang ako paatras para magkaroon ng kaunting distansya sa kaniya. "Nahalikan mo na ako, kaya bayad na ako sa iyo,” nanginginig maging ang tinig na sabi ko kay Sabby, at pagkatapos ay inilahad ko ang aking palad. “Bayaran mo na ang mga bulaklak para makauwi na ako.” Gumalaw ang gilid ng labi ni Sabby at bahagyang tumaas ang kilay. "Makakalabas ka dito kung hahalikan mo ako.” “Ano?” nanlalaki ang mga matang tanong ko. “Seryoso ka ba?” Nakaramdam ako ng pagkainis dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ni Sabby. "Hoy! Isang beses lang kitang hinalikan, pero ikaw, nakadalawang halik ka na sa akin, kaya huwag ka nang humirit pa dahil abuso na 'yan!" naiinis