ACALLY Mabilis na lumipas ang araw. Naging abala kami dito sa flower shop, pero kahit marami akong ginagawa, ay may kakaiba akong naramdaman sa aking paligid. Para bang may mga matang nakabantay sa akin, pero wala naman akong nakikitang kakaiba kapag lumilingon ako. Kahit umiiral pa rin ang curfew dahil sa lockdown at virus, ay bukas pa rin ang flower shop. Laking tulong sa amin ang online booking dahil kahit kaunti lang ang pumupunta dito, ay hindi kami nawawalan ng buyer araw-araw. Kung hindi kami umalis sa spa ni MC, isa rin kami sa nawalan ng trabaho. Nagsara na sila dahil bawal ang lumapit sa ibang tao simula nang ipag-utos ng pamahalaan ang social distancing dahil prone iyon sa pagkalat ng virus. May maganda rin palang naidudulot ang kamalasan ko sa buhay at ang panloloko sa akin