SEBASTIAN Dalawang linggo ko nang pinasusundan ang pangahas na babaeng humalik sa akin sa Makati Mall at pagkatapos ay bigla akong tinakbuhan. Ang nakakapag-init ng ulo ay ginulo niya ang mundo ko. Daig ko pa tuloy ngayon ang babaeng nabuntis niya at naghahabol sa kaniya. Kasalukuyan akong narito sa loob ng aking opisina dito sa Makati at nakatitig sa nakabukas na screen ng laptop ko, at nakatutok na naman ang paningin ko sa mukha ng babaeng pinagmamasdan ko. Noong una, ang akala ko'y tauhan siya ng mga kalaban ko, kaya araw-araw siyang sinusundan ni Ruel at ng kasama niya. Pinaimbestigahan ko siya, kaya nalaman ko kung saan siya nakatira, anong trabaho niya, at lahat ng mahalagang impormasyon tungkol sa kaniya. Marami ang gustong pabagsakin ako, kaya wala akong tiwala sa mga babaeng