"Ma'am, nakahanda na po ang hapunan." Muntik ng mapalundag sa kanyang kinatatayuan si Athena ng magsalita buhat sa kanyang likuran ang isa sa mga kasambahay ni Katsumi. Abala siya sa pagtingin ng mga family picture sa living room, naka-display ang mga iyon sa isang estante, karamihan ay mga larawan ni Katsumi na sa tingin niya ay nasa edas dose ito hanggang sa maging ganap na dalaga. Larawan nilang pamilya sa iba't-ibang lugar at bansa ngunit ang mas marami ay sa bansang Japan. Bukod sa mga naka-frame na picture ay mayroon ding malaking photo album. Ang ipinagtataka ni Athena ay kung bakit walang larawan si Katsumi noong kabataan niya? Nagsimula agad ang mga pictures noong dalagita na siya. Pumihit paharap si Athena para lingunin ang kanyang nasa likuran. "Ah, si-sige susunod na ako,"