Naghanap si Athena sa kabuuan ng kwarto nagbabakasakali kasi siyang may dalang gamit si Katsumi ng sumama ito kay Sandro. Tiningnan niya ang kabinet at ang mga drawer, pati na rin ang ilalim ng kama. Nagtungo siya sa banyo ngunit wala siyang nakita. Napahilamos ang dalaga sa sarili niyang mukha. Naka upo siya sa pinakagilid na bahagi ng kama at malalim na nag iisip ng mapabaling ang tingin niya sa vanity mirror, may ilang drawer doon na hindi pa niya nabubuksan. Agad siyang tumayo at tinungo iyon. Binuksan niya ang unang drawer ngunit wala doon ang kanyang hinahanap hanggang sa dumating siya sa pangalawang drawer at doon siya natigilan. May mamahaling sling bag na laman iyon na alam niyang hindi sa kanya dahil wala naman siyang ganuon, walang gano'ng klaseng bag na ibinigay si Sandro sa k