Dalawang araw na ang nakalipas simula ng sabihin ni Sebastian sa akin na ipalaglag ko ang bata. Dalawang araw na rin itong hindi umuuwi sa condo. Paminsan-minsan ko na rin siyang nakikita sa opisina niya, dahil paminsan-minsan na lang din akong napapadalaw doon. Hindi niya ako pinapapasok sa loob tuwing gusto ko siyang kausapin. Iniiwasan niya ako. "Mharimar, ayos ka lang ba?" napalingon ako ng marinig ang boses ni Kyla. Kasama niya ang isa sa mga janitor na si Albert. "Ikaw lang ba mag-isa rito? Tapos na siguro trabaho mo." tumabi ito sa akin. Habang si Albert naman ay umupo sa bakanteng upuan na nasa tapat ko. Nandito ako sa pahingahan namin. "Oo, tapos na nga." tipid na sagot ko. Pilit rin akong napangiti. "Bakit ba kasi pinagtatrabaho ka ni Mr. Jill? Hindi ba dapat hindi ka

