Mharimar's POV ALAS NUEBE na pero hindi pa umuuwi si Mr. Jill. Nauna kasi akong umuwi sa kaniya. Pinauwi niya na ako kahit hindi pa tapos ang duty ko. Hindi rin naman ako makatulog dahil nag-aalala ako. Ano kaya ang pinag-usapan nilang dalawa ni Serene? Iyon ang bumabagabag sa isip ko. Simula kasi ng palabasin niya ako ng opisina para makapag-usap sila ni Serene hindi ko na siya nakita. Ipinag-utos na lamang niya sa isang tauhan niya na sabihin sa aking umuwi na ako. Siguro humingi siya ng tawad kay Serene. Siguro magkasama sila ngayon kaya hindi pa siya umuuwi. O ba kaya, sa condo ni Serene siya matutulog. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Naiinis ako na ewan. Naiinis ako kay Mr. Jill. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata ngunit hindi ako makatul

