Mharimar's POV Pagkapasok pa lang namin sa building hinawakan kaagad ni Mr. Jill ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin na mahigpit niyang hinahawakan. Napatingin siya sa akin kaya nagtama ang aming paningin. “Hindi ka dapat nahihiya. I’m proud to let everyone know that you're my wife.” nakangiting sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Humingang malalim dahil hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan? Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking palad. Para bang sinasabi niyang 'relax' Oo, sinusubukan ko pero hindi ko talaga mapigilan na kabahan. Lalo na ngayong nakatingin sa amin bawat empleyadong aming nadadaanan. "Good morning, Mr. Jill." bati ng iilang babae na kasabay namin sa paglalakad. Ramdam kong sa akin sila nakatingin. Para bang sinusuyod

