Mharimar's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. Kaagad akong nag-angat ng tingin. Hindi ko pa nakikita kung sino ang taong kumakalabit sa akin. Nakangiti na ako, baka sakaling si Sebastian na ito at binalikan ako. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ko ng makitang isang may edad na babae itong nasa aking harapan. "S-sino ka?" medyo napaatras ako. "Ma'am, ako ho si Edith, pinadala ako rito ni Sir Seb para samahan kayo rito. Nagluto na rin ho ako katulad ng utos ni Sir. Dala ko na ang pagkain mo, ma'am." napalingon ito sa table. Ganoon din naman ako, napatingin din doon. "A-anong oras na ho, Ate?" tanong ko kaagad dito. "Alas dos na ho ng hapon, ma'am." sagot naman nito. Napatayo kaagad ako. Kailangan kong sundan si Sebasti

